Wednesday, January 11, 2006

ang aking protective iho....

ang aking kaibigang si monet e nagbigay ng bday gip para sa aking little boy. (tenchu monet!) para syang trumpo, pero hindi pako ung dulo. basta high tech na sya.

kahapon nilalaro ng kapatid ko at ni little boy. pinapaikot ng kapatid ko sa palad nya. tapos, sabi ng kapatid ko kay little boy "oh sa kamay mo naman..." ang sagot ni little boy, "wag, chaket yan e."

then sabi ng kapatid ko, "sa kamay na lang ni mommy..." sabay kuha sa kamay ko at nilatag ang palad ko. sabi ni little boy..."waaaag! waaaag si mommy, chaket yan e!" tapos kinuha nya ung kamay ko at ayaw talaga bigay sa kapatid ko....

awwww... na-touch naman ako... ang liit liit pa e kaya ng alagaan ang mommy...