Tuesday, January 17, 2006

HAPPY BIRTHDAY MY LITTLE BOY!

birthday ni little boy kahapon...jan 16.

at dahil 3 araw na kame nagce-celebrate... hindi po ako OA...nagkataon lang na nung 14, me nagcelebrate ng bday sa bahay namen... at dahil kinabukasan ang bday ni little boy, e kinantahan na ren sya ng happy birthday....

tapos nung jan 15 naman, chinese new year party ng aking isang e-group. sinabay ko na dun ang bday ni meg, dahil andun ang mga kids. nagdagdag lang kame ng onting food at nagprepare ako ng lootbag sa mga kids. tapos bumili ako ng small cake para i-blow ni meg.

happy birthday little boy

tapos kahapon actual date ng bday nya, nag dinner lang kame sa labas. kasama ang mga grannies nya, ninangs, ninongs , tito at titas...

ayun na! nasawa na ata ng kaka birthday! ng kantahan namen ng happy birthday ang sabi nya.... "AYAAAAWWWW! AYAAAWWWW! NOOOOO!"

ala, kahit ilan pilit namen kantahan, ayaw talaga! nagbago lang ang mood ng makakita ng mga nakabalot na regalo. hindi po mukang regalo anak ko...hobby nya lang magbukas ng gift. hehe.... kasi nung binyag ng pinsan nya last nov, since baby pa un at di makabukas ng gifts sya ang pinagbukas ni SIL ng mga regalo.... tapos nag xmas puro gifts pa ren. so nasanay sya na pag nakakita ng nakabalot, e "OPEN GIFTS" yun. pero mabait si little boy. kasi, me mga gifts ako nakabalot sa mga room. gifts para sa mga ibang bata. tatanungin nya muna ko ng "mommy, open gifts?" at pag sinabi ko na "little boy, no. hindi sayo yan. that's not yours." hindi naman nya bubuksan. =)

proud ako sa aking little boy. sana mabait sya hangang pag laki nya.