Tuesday, May 09, 2006

mommy lang...

hay naku anak... natotorete na ako sayo.wala ka na sinabi kundi, "mommmmyyy lang!!! mommmyyy lang!!!"
puro ka na lang mommy lang, kahit pagod na pagod na ko gusto mo lagi kasama si mommy lang.
iinom, "mommy lang."
wiwiwi, "mommy lang."
magbibihis, "mommy lang."
kakain, "mommy lang."
maglalakad, "mommy lang."
maliligo, "mommy lang."

naiinis ako ngayon kasi napapagod den ang mommy. pero alam ko mami-miss ko ren yan pagna discover mo na hindi lang pala si mommy ang tao sa mundo. unti unti ka na lumalaki, unti unti ka na nagiging tao... hangang kailan mo kaya sasabihin na "mommy lang."

hindi pa man, nami-miss na kita anak...

3 comments:

Anonymous said...

hay naku, true. ngayon, yung anak ko, sa tatay naman naka-tutok. hurt ako, hehe...

salme said...

tamang tama ang post mo for mother's day! eniweys po, gusto ko lang din po bumati... happy mommy's day!

Anonymous said...

hay...the joy of being a mom...happy mother's day cata