Friday, May 05, 2006

stop and smell the flowers.... DAW!

hay nakuuuu! eto pa naman ang skin ko.

grabe, kahapon ko lang na realize wala pala ako flowers pa sa church! nag fill up kasi ako ng form para sa reservation sa church(ey, ey! bago kayo ma shock kung bakit kahapon lang ako nag fill up para sa church e dahil po dati pa un naka reserve. paperworks na lang ang wala. LANG e noh, eh importante kaya un. hehe) ayun na nga sa pag-fill up ko, napansin ko sa baba ng form na me nakalagay CHURCH FLORIST CONTACT . Bigla na lang ako napa uh-oh! and yes, saka ko naalala wala pa pala kame flowers sa church. nawala sa isip ko kasi ung boquet ko kasama sa bridal package ko. pati ung flowers sa bridal car, sila na. so di ko naisip na need pa nga pala sa church ng bulaklak. waaaaaah!

so, syempre tinawagan ko ung church florist. at nagtanong..... lalong waaaaahhh! ang mahal ng package. e dahil nga wala sa isip ko e di syempre wala ren sa budget ko. tinawagan ko nga agad si hubby and told him that "houston, we have a problem."

ngayon nagiisip at naghahanap ako ng iba pang florist. dahil naman!!! tama bang mas mahal pa sa wedding rings namen ang bulaklak???

oh well, pag nakita nyo ang simbahan ko na walang bulaklak e alam nyo na ang dahilan... kasi minimalistic ang kinuha kong package... mwehehe....

No comments: