Monday, July 17, 2006

ang lokong bata....

pag uwi ko isang araw, nagsumbong ang aking SIL (sister-in-law). lagi daw pinang-gigigilan ni little boy ko ang little girl nya.

SIL : tita! tita! susumbong si little girl oh. lagi ako kotong ni little boy.
LITTLE BOY: hindi naman tusumbong little girl eh. di naman sya nagthathalita oh! di runong little girl magtalita.

oo nga naman pano makakapagsumbong ang 11mo old baby??? at pano mo papagalitan ang batang marunong ng mangatwiran???

*****

kahapon naman sinusutil sya ng tatay nya. so ang little boy, pinapalo ang tatay nya. tapos ang makulit na tatay, tatapikin na naman sya. ang little boy ayaw pumayag na hindi sya ang nakahuling tapik. pag tapik nya, bigla na sya tatakbo. e syempre, dahil mahaba kamay ni daddy, lagi sya inaabot. isang beses nakalusot, at pag takbo nya di sya nahagip. takboooooo! e di ang tatay naman humabol. akyat sa sofa ang bata. ng malapit na ang tatay. biglang pikit ng mata, at nagtulug-tulugan! tulog syang naka-upo with matching hilik pa..... zzzzzzzzz..... hehe. alam nya kasi pag natulog na si little boy, bawal na magulo at maingay. pag pikit nya alam nyang tigil na lahat.

pano pa nga naman sya gagantihan ng tatay nya e tulog na sya? hehe. mautak ba o magulang tong batang to? hehe.

Monday, July 10, 2006

on wedding gifts....

dumako naman tayo sa mga gifts -- ibang topic pero related paren sa wedding....

marami na ngayon naglalagay sa invites ng mga phrases na naghi-hint na gusto ng couple e anda. (cash, baga!) mga tipong, "your presence is good, your gifts better, but cash is the best!" oh di ba! hehe... at marami pa ren sa mga bisita na di matangap ang ganito. Kasi nga naman, nag invite ka di dahil sa regalo kundi dahil gusto mo na ma witness ang kasal mo. Option ng inimbitahan mo kung gusto ka bigyan ng regalo. At kung ano ang gusto nya iregalo, e I think wala ka ng pakialam dun. Para sa nakatangap ng regalo, ang obligasyon mo e ang mag pasalamat sa binigay hindi ang humiling kung ano ang gusto mo matangap. Siguro excuse na lang kung tanungin ka kung ano ang gusto mo, pag ganun baka pwde ka na magbigay ng wish list. hehe. Pero ung pangunahan mo, no-no pa ren daw un kahit gano pa kaganda ang wordings mo. Nakaka sad na marami ang di na attend sa kasal dahil sa mga in lieu , in lieu na mga lines na yan.
sabi rin nila mas preferred ng couple ang cash. kame, marami kame natangap na cash and vouchers, and we highly appreciate it kasi nakabili kame ng plane tickets at 2 bike using those. hehe. pero super happy ren kame sa mga gifts na natangap namen kasi alam namen binigyan talaga ng time pag-isipan. like, we received 2 sets of pots and pans, super like ko un. alam na alam ng nagregalo na mahilig ako magluto at mahilig naman kumain si mahal. we also received very nice and elegant wine glasses. happy ren kame dun kasi lagi kame nag wa-one on one ni mahal pag friday nights sa bahay. ngayon sosi na kame iinom ng wine! un nga lang dahil sa ganda nya sa paningin ko, ayaw ko pa gamitin. hahaha. meron rin nagbigay samen ng movie vouchers... movie vouchers, ung iba siguro iisipin, huh??? bakit movie vouchers? pero kame ni mahal excited dun sa movie vouchers. pagkatangap ko nga gusto na agad gamitin ni mahal. excited. hehe. at meron pa isa friend na ang regalo e ung mismong video ng kasal namen. cool huh?

nakakatuwa kasi halos lahat ng mga gifts na natanggap namen e ung mga bagay na wala kame. to think 3 years na kame magkasama ni mahal at kung iisipin e kumpleto na kame sa gamit. meron nagregalo samen ng very nice lampshade. lately kasi si little boy, ayaw papatay ung dim lights namen sa room. so ang nangyayari, pag tulog na sya saka pa kame tatayo para patayin ang ilaw. so ngayon, di na namen need tumayo. dahil ung lampshade e saktong sakto na pwede lagay sa tabi ng kama.

i can say na super happy kame sa mga gifts na natangap namen kasi di kame nag expect ng kahit na ano. samen kasi umattend lang sila ng kasal namen happy na kame, bonus na lang ung mga gift nila. me mga kaibigan nga kame na sinabihan na namen na wag na talaga magbigay ng gift kasi super naabala na sila sa kasal namen, pero nakakatuwa na nag-insist sila na magbigay ng gift para daw me souvenir sila para sa kasal namen.

as always, mas nakaka touch kung yung regalo e kusang binigay sayo. =)

Friday, July 07, 2006

on weddings gone bad (daw!)

dami ko ngayon naririnig na mga kwento about horror weddings. kaliwa't kanan. samu't saring pintas. samu't saring lait. kung ikakasal pa lang ako, siguro natakot na ko mag-pakasal.

ano na ba ang pamantayan ng pagiging successful ng isang wedding?

sa tingin ko successful naman ang kasal namen. kasi nag enjoy naman kami ni mahal. at ayon sa aming mga bisita, nag enjoy naman daw sila. me bisita nga na dapat aalis na pagkatapos kumain, she even texted me na paalis na sya. pag tapos ng kasal andun pa ren, di daw sya makaalis kasi enjoy na enjoy sya sa program. =)

bakit ba bigla akong serious sa topic? meron ako nabasa sa isang egroup na "gone bad" daw ang wedding dahil walang AVP, maraming di umattend na guests, wala sa motiff ang flowers sa church. hmmm.... hindi ba add ons na lang ang mga ito sa kasalan? kung yun pala ang pamantayan, maituturing na gone bad ang aking kasal. kasi wala kameng AVP(requirement na pala un), 10% ng bisita ko di ren nakadalo ( they have their reasons, and i think valid naman.) at hindi ren tugma sa motiff ko ang aking church flowers.

parang ang babaw naman na ng pamantayan ngayon ng kasal. bakit dati na-attend ako ng kasal, basta makita lang na masaya ang couple e ayos na. ngayon parang ang dami mo pang dapat gawin sa kasal mo. di ba nga dati ang tuksuhan lang e, "kelan ka ba magpapa-inom ng mainit na sabaw?" ibig sabihin kahit sabaw lang na mainit, maligaya na ang mga bisita basta maimbitahan sila sa kasal mo at makita ang inyong pakikipag isang-dibdib.

pero marahil me mga horror weddings nga, siguro para saken isa itong horror wedding kung mismo sa couple nangaling na di sila nag enjoy sa kasal nila. or imbes na happy stories ang kwento nila e puro sad moments ng kasal nila. eto ang sa tingin ko ang nasayang na kasalan. kasi yun na ang memories na dadalhin ng couple e. yung kwentong galing sa bisita, maaring di naman un ang naramdaman ng couple, pero kung ung mismong couple na ang may di magandang masabi sa kasal nya mismo e yun siguro ang nakakapang hinayang talaga. =(

sa amen, masasabi ko na naging successful ang kasal ko kasi nakita namen na ang mga bisita namen e happy na kinasal kame. meron man mga glitches, di na namen napansin kasi natabunan na yun ng mga happy faces na nakapalibot sa amin. bawat kaibigan namen e nagbigay ng tulong o ng opinion kung pano namen mapapaganda at mapapa ayos ang kasal namen. at sa tingin ko e wala naman kame mga ingrata na bisita na pumunta para tignan kung ano ang mailalait sa amen. hehe. lahat sila pumunta dahil ang purpose e makita kame ikasal, at hindi para tignan ang detalye ng aking wedding.

so siguro para sa isang successful na kasalan, i think dapat lang iinvite sa kasal e yung mga taong malapit sayo na sa tingin mo magiging masaya sa kasal mo. hindi ung mga tao na di mo na halos kilala at dahil di ka kilala, e imbes na ikaw ang tignan dun sila sa bulaklak ng simbahan nakatuon ang pansin or dahil di ka nga kilala nag aantay na lang ng banda na tutugtog para maaliw sya. invite people na kahit mainitan, kahit magutom wouldn't care basta makita ka na glowing with happiness dahil kinasal ka sa taong mahal mo.

para den sa successful wedding, i think hindi ka dapat nasunod kung ano lang ang uso. dapat, gagawin mo ang isang bagay sa kasal mo dahil gusto mo talagang gawin un. hindi dahil narinig mo na maganda ang idea na un. or kasi ginawa un sa kasal ni ganito or ni ganyan. kasi pag ginawa mo lang dahil nakiki-uso ka, hindi lalabas na maganda. kasi di ka magiging at ease duon. at dahil di ka sanay sa idea na un, mag mumukha lang pilit. pero minsan, dapat ren nakikinig ka sa mga payo ng kaibigan. kasi as friends, ayaw naman nila na lumabas na corny or baduy ang kasal mo di ba? so kung me mga comments sila na change the color, or di bagay sayo ang gown. makinig ka ren. dahil minsan mga bagay na di mo nakikita sila ang nakakapansin. so dapat balanse ung pakikinig mo sa suggestion ng mga kaibigan dun sa talagang gusto mo. (my original gown was suppose to be a tube-top. sabi ng kaibigan ko, di daw bagay at mukha daw pa tweetums. kaya nagpalit ako ng design. at ang aking piniling design, for sure di na tweetums! in fairness, carry naman daw sabi ng aking mga friends! hehe)

isa pa, para saken kung meron ka supplier na tagilid kahit na nakapag bayad ka na, kung sa tingin mo e papalya, palitan na habang maaga. kahit na pa nakapag deposit ka na at kahit na in the end e mas mapapamahal ka pa. buti na ung satisfied ka sa end product, kesa sa pagsisihan mo kung kelan tapos na. kung kelan di mo na maibabalik pa. oo added gastos un, pero yung pera naman kikitain ulit. pero makakapag-pakasal ka ba ulit para itama un? at maikasal ka man ulit, hindi pa ren maitatama un. kasama na un sa memories na dadalhin mo. kaya bago pa man sya tumatak sa memory mo, palitan na agad.

yan pa lang ang naiisip ko na tips para sa mga b2b's. sana kahit pano me mapulot sila. hehe...