Monday, July 17, 2006

ang lokong bata....

pag uwi ko isang araw, nagsumbong ang aking SIL (sister-in-law). lagi daw pinang-gigigilan ni little boy ko ang little girl nya.

SIL : tita! tita! susumbong si little girl oh. lagi ako kotong ni little boy.
LITTLE BOY: hindi naman tusumbong little girl eh. di naman sya nagthathalita oh! di runong little girl magtalita.

oo nga naman pano makakapagsumbong ang 11mo old baby??? at pano mo papagalitan ang batang marunong ng mangatwiran???

*****

kahapon naman sinusutil sya ng tatay nya. so ang little boy, pinapalo ang tatay nya. tapos ang makulit na tatay, tatapikin na naman sya. ang little boy ayaw pumayag na hindi sya ang nakahuling tapik. pag tapik nya, bigla na sya tatakbo. e syempre, dahil mahaba kamay ni daddy, lagi sya inaabot. isang beses nakalusot, at pag takbo nya di sya nahagip. takboooooo! e di ang tatay naman humabol. akyat sa sofa ang bata. ng malapit na ang tatay. biglang pikit ng mata, at nagtulug-tulugan! tulog syang naka-upo with matching hilik pa..... zzzzzzzzz..... hehe. alam nya kasi pag natulog na si little boy, bawal na magulo at maingay. pag pikit nya alam nyang tigil na lahat.

pano pa nga naman sya gagantihan ng tatay nya e tulog na sya? hehe. mautak ba o magulang tong batang to? hehe.

2 comments:

ceztlavie said...

lokong bata nga! hahahaha! nai-imagine ko sila ni flo na naghahabulan sabay nagtulug-tulugan si meg. patawa! pero cute ha! ang kulit! :p

Anonymous said...

iba na talaga ang mga bata ngayon hahaha!!