dumako naman tayo sa mga gifts -- ibang topic pero related paren sa wedding....
marami na ngayon naglalagay sa invites ng mga phrases na naghi-hint na gusto ng couple e anda. (cash, baga!) mga tipong, "your presence is good, your gifts better, but cash is the best!" oh di ba! hehe... at marami pa ren sa mga bisita na di matangap ang ganito. Kasi nga naman, nag invite ka di dahil sa regalo kundi dahil gusto mo na ma witness ang kasal mo. Option ng inimbitahan mo kung gusto ka bigyan ng regalo. At kung ano ang gusto nya iregalo, e I think wala ka ng pakialam dun. Para sa nakatangap ng regalo, ang obligasyon mo e ang mag pasalamat sa binigay hindi ang humiling kung ano ang gusto mo matangap. Siguro excuse na lang kung tanungin ka kung ano ang gusto mo, pag ganun baka pwde ka na magbigay ng wish list. hehe. Pero ung pangunahan mo, no-no pa ren daw un kahit gano pa kaganda ang wordings mo. Nakaka sad na marami ang di na attend sa kasal dahil sa mga in lieu , in lieu na mga lines na yan.
sabi rin nila mas preferred ng couple ang cash. kame, marami kame natangap na cash and vouchers, and we highly appreciate it kasi nakabili kame ng plane tickets at 2 bike using those. hehe. pero super happy ren kame sa mga gifts na natangap namen kasi alam namen binigyan talaga ng time pag-isipan. like, we received 2 sets of pots and pans, super like ko un. alam na alam ng nagregalo na mahilig ako magluto at mahilig naman kumain si mahal. we also received very nice and elegant wine glasses. happy ren kame dun kasi lagi kame nag wa-one on one ni mahal pag friday nights sa bahay. ngayon sosi na kame iinom ng wine! un nga lang dahil sa ganda nya sa paningin ko, ayaw ko pa gamitin. hahaha. meron rin nagbigay samen ng movie vouchers... movie vouchers, ung iba siguro iisipin, huh??? bakit movie vouchers? pero kame ni mahal excited dun sa movie vouchers. pagkatangap ko nga gusto na agad gamitin ni mahal. excited. hehe. at meron pa isa friend na ang regalo e ung mismong video ng kasal namen. cool huh?
nakakatuwa kasi halos lahat ng mga gifts na natanggap namen e ung mga bagay na wala kame. to think 3 years na kame magkasama ni mahal at kung iisipin e kumpleto na kame sa gamit. meron nagregalo samen ng very nice lampshade. lately kasi si little boy, ayaw papatay ung dim lights namen sa room. so ang nangyayari, pag tulog na sya saka pa kame tatayo para patayin ang ilaw. so ngayon, di na namen need tumayo. dahil ung lampshade e saktong sakto na pwede lagay sa tabi ng kama.
i can say na super happy kame sa mga gifts na natangap namen kasi di kame nag expect ng kahit na ano. samen kasi umattend lang sila ng kasal namen happy na kame, bonus na lang ung mga gift nila. me mga kaibigan nga kame na sinabihan na namen na wag na talaga magbigay ng gift kasi super naabala na sila sa kasal namen, pero nakakatuwa na nag-insist sila na magbigay ng gift para daw me souvenir sila para sa kasal namen.
as always, mas nakaka touch kung yung regalo e kusang binigay sayo. =)
1 comment:
like you i also don't like the idea of putting that hint in the invitation. Kaso nga lang..ang mabait kong SIL, nag-insist na maglagay nun sa mga invitations na nasa kanya na ibibigay nya sa guest list ni Ariel. Wala nako nagawa.
Bigla ko tuloy naalala and nainis lang ako.Hmmp.
Post a Comment