Kahapon naka leave ako. E walang magawa ang butihing nanay, kaya ayun napraning na naman ako at sinubukan ko turuan si little boy ng chinese language. (wehehe, di po ako marunong talaga. ang tinuro ko lang magbilang ng 1-5, how are you, thank you at i love you in chinese)
na pick-up naman agad ni little boy. kaya sabi ko sa kanya chinese na sya, at ang pangalan nya e yao ming na! (bakit yao ming? wala lang. un pumasok sa isip ko e. hehehe) galit na galit ang aking little boy. hindi daw sya chinese. tagalog lang daw sya at ang name nya e MEG lang... meggy meggy lang daw sya.
Ask ko sya bakit ayaw nya maging chinese? sabi nya kasi bad daw chinese. Sabi ko bakit, inaaway ka ba nila sa school? oo daw. sabi ko bakit, ano sinasabi nila sayo? sabi nya "ching chang ching chang cheee!!!!" (in complete chinese accent :P wehehehe) Siguro feeling nya inaaway sya kasi di nya naiintindihan mga ka-klase nya. ahehe.
Ngayon, ang bad ko... pag di nya ko pinapansin, tinatawag ko sya yao ming. Pag ayaw sumunod sa akin, tinatawag ko sya yao ming. Pag makulit, tinatawag ko sya yao ming.
Gawin ba panakot? ehehe.
Bad, Bad mommy!
2 comments:
natawa ako sa post mo Cata...as always.
N!cE
www.nicemorning.net
naku cata namiss na kita. hahahaha. nakakatuwa talaga kayo ni meg. pareho kayong makulit. hahahahaha.
Post a Comment