Wednesday, May 07, 2008

Mommastuff Questions : Week 2

Do you have routines for your kids? Care to share? Does it really help?

I don't have a routine with my little boys.

For me magiging struggle lang kasi kung mag-iimpose ako ng routine.
I hate routines. Life gets boring with routines.
Tawag nga sa akin ni mahal, "tira-pasok".
Tipong bahala na si batman.
Pag kasi ako nagplano, gusto ko nasusunod. E kung hindi masunod ang timeframe na ni set ko, naiinis ako. Masisira lang ang buong araw ko.

Kaya kung ano na lang ang idikta ng oras at panahon, un ang ginagawa namin.

Wala kameng oras sa pagtulog.
(Kung nag-eenjoy bakit patutulugin. Life is short, enjoy it.)

Wala ring oras sa pagkain mga bata.
(Kesa magka-paluan kame, e antayin ko na lang magutom sila at lumapit sa akin.)

Routine... i don't have one, and I don't intend to have any. :p


If you want to share your thoughts on mommy-hood, do it here.

4 comments:

M0rN1nG & N!cE said...

Thanks for your inputs Cata. This is what I've been waiting for...someone to provide a different insight and perspective.

Kasi halos lahat ng nabasa ko may routine. hehehe. But it works kahit na wala di ba?

Nasa tao rin yun kung ano diskarte nya. Thanks thanks, sa uulitin.

Mag-po-post ako ng panibagong set of questions next week. Sali ka ulit ha. :)

N!cE
http://www.nicemorning.net
http://www.mommastuff.com

Anonymous said...

what works for me and amelie now is a routine. but unpredictable as kids are, i still come prepared to be flexible.

routine keeps me sane. :) happy mom's day!

Haze said...

cata! alam mo balak ko rin na hayaan na lang silang lumapit pag gutom na. hehe pero mukhang malabo ata yun kasi, maya't maya gutom ang mga chikiting ko. sapat naman yung kinakain nila pero lagi na lang gutom. kung hindi gatas, pagkain ang hinahanap sa akin. tsk.

pero bilib din ako na nakaya mong walang schedule o routine ang mga anak mo. hindi ko ata kakayanin yun. ako ang lubusang maloloka. haha

musta na pala si bunso?

SimplyMuah said...

nice - oo, depende nga sa tao. di mo naman pd ipilit na magroutine o wag mag routine di ba. sa akin, kung san ka comportable dun ka. hindi ung sunod sa nakararami. hehe.

tin - tignan ko kung magwork pa dyan ang aking bahala na si batman attitude. hehehe.

haze - hindi routine need ng bebes mo, combantrin! hihihi.. kidding aside, me time talaga na lagi sila hanap food. kaya samantalahin mo. kasi pag nawalan naman ng gana, haaayyy hirap pakainin. ayos naman na si rou. kaya lang ayun, maselan pa ren. =(