Wednesday, May 14, 2008

Mommastuff Questions : Week 3

What are the names of your kids? Who picked them? Any significance of that name/s?

Little boy : Meg Florentz

Meg - Pag me nagtatanong kung bakit Meg, lagi ko sagot ay "Pangalan ng ex ng asawa ko." Hay ang sarap tignan ng mga shocked faces! nyahahaha. Pero sa totoong buhay kaya yan Meg kasi meron daw napanood si mahal na movie dati na tungkol sa father and child. Na yung tatay, ay nabubuhay daw para sa anak nya. And after watching that film, naisip nya ang papangalan nya sa anak nya ay Meg. (Hindi nya lang siguro naisip na pwedeng maging lalaki ang anak nya. :P)

Florentz - Hango sa pangalan ng aking mahal.Yan na ang the best na magagawa ko to meet him halfway dahil over my dead body, hindi ako papayag na Junior! Wehehe. (Pero nautakan ako, dahil sabi ko Florenz lang e sya nagpa register. Ipinilit ang letter T sa Florenz, kaya naging Florentz! Kaya naman sabi ko sa next baby, kahit duguan ako sasama ako sa pagpapa-register!)

Bebe boy : Rou Shemuel

Rou (pronounced as row) - Oh well, pinipilit ng tatay ko na Rou daw kasi hango sa name nya na ROBERTO. Ipilit daw ba. Sige na pagbigyan ang lolo. (Lahat na lang ipangalan sa kanya, kapatid ko na lalaki ang name ROBERT, yung bunso namin na kapatid ang name ROBBIE. Siyet, buti na lang di nya naisip na pangalanan ako na ROBERTA!) So bakit nga Rou? Gusto ko kasi Thou (pronounced as Taw, e shemuel na ung 2nd name. Parang masyado naman banal pag tinignan mo Thou Shemuel. So esep, esep. Mou Shemuel? Nah. Jou Shemuel. Nah. Inisa isa ko letra, hangang dumating ako sa Rou Shemuel. Tingin ko nice. So ayan, Rou Shemuel.

Shemuel - A week bago ko nalaman na buntis ako. Ako ay nanaginip. Me inabot daw sa aking baby, tapos sabi sa akin ng nag-abot, "anak mo, si Samuel." (Uy, feeling babaeng pinagpala! nyahahaha)So, bago pa lang ako magbuntis samuel na ang dapat na maging pangalan nya. Kaya lang ang dami ng Samuel, so para maiba naman naghanap kame ng ibang form ng Samuel. At Shemuel nga ang aming nakita. It's the hebrew form of Samuel.

Side wento : on kahit duguan ako sasama ako sa pagpapa-register!

CS kasi ako, so sabi ng doctor on the 2nd day dapat na ko tumayo at maglakad lakad.
So naisip namen na paregister. 8th floor si room ko. Ground floor si registry.
Pag dating sa baba, tinagusan na ako. Gusto ko ibalik ni mahal sa taas. E nasa baba nakame, sabi ko ikuha na lang ako ng wheelchair. Ng nasa loob na kame ng registry counter, hagalpak ng tawa si mahal. Sabi nya..."Grabe, kahit duguan ka nga sasama ka sa pagpapa-register!" :p


Trivia : Naks, may trivia pa. hehe

MEG and ROU - pag binagbali-baligtad ay nagiging "OUR GEM".

4 comments:

Anonymous said...

o di va, blessed treasures sila..ang ganda ng history ng names nila. siyempre, they will grow up very nice and mabait katulad ko na kasing 'name' nila...hehehehe! ;-)

SimplyMuah said...

gem! musta na ikaw? =)

M0rN1nG & N!cE said...

Ang galing! Nakakatuwang basahin yung history ng mga names ng mga boys mo. hahaha! At totoo pala na kahit duguan ka eh sasama ka pagparegister. mwahahaha!

Btw, a new set of questions has been posted. I hope you can join again. Fun to, promise...kasi kelangang kelangan natin at this point of time. See you there > http://www.mommastuff.com/?p=197

N!cE
http://www.nicemorning.net
http://ww.mommastuff.com

Anonymous said...

katawa ka talaga mag-blog! lagi mo akong napapatawa dahil sa pagbabasa ng blog mo. =)

keep writing! :)

see you around!