napansin ko lang puro si little boy ang laman ng blog ko. bihira ako magkwento kay baby boy.
well, di ko alam kung dapat pa bang baby boy ang tawag ko sa kanya. unti unti na rin syang nagiging bata. unti unti na sya nag-aamoy pawis. at unti unti na ring kumukulit.
nung isang beses na nagppretend karate kame ni little boy, aba bigla na lang winagayway rin ang mga kamay nya(parang karate moves) at biglang nagpose na naka-karate. aba! aba! at nakikisali na.
ahuhuhu... wala na talaga akong baby. mamaya dalawa na silang nangangatwiran sa akin. e mukang strong personality rin at maipilit rin ang gusto. (pero mananalo ba naman sya sa nanay? e isa pa rin ang nanay na maipilit. mwehehhee)
eto na naman ako sa aking mixed emotions. masaya kasi nakapag-palaki na ulit ako ng baby. malungkot, kasi lumalaki na nga sya.
miss ko na ang mga babies ko. =(
1 comment:
kakatuwa naman... baka dapat na sundan.. (iilag muna ako at baka batuhin ni Cata)
Post a Comment