Thursday, July 30, 2009

Raaahh! Raaahhh!

Siguro naf-frustrate din si bunso pag di namin sya naiintindihan. =(
Cause of that he developed this word (actually more like a growling sound) pag hindi sya napapansin or hindi maintindihan ang gusto nya.

Here are some instances that he would use that Raaahh! Raaahhh!
----
Bunso : (Will tug my arm, and ask me to go somewhere and if I don't follow...)
Bunso : Raaahh! Raaahhh!
----
Simplymuah : Daddy, can you please get bunso from me.
Bunso : Raaahh! Raaahhh!
(Guess he is not happy with that. :p)

----
Bunso : (Wakes up and sees that Mommy ain't there, only daddy.)
Bunso : Raaahh! Raaahhh!
(Guess he is not happy with that either. :p)

----
Bunso : (Want to get the toy that kuya is holding.)
Bunso : Raaahh! Raaahhh!
----

Raaahh! Raaahhh!

2 words. (Actually isa nga lang, pero laging dalawa un e kaya 2 words. hehe)
If you will think about it, it's two meaningless words. Couldn't even be found in the dictionary. But it actually means a lot to a two year old. From that word, he can show his anger,his frustration and how upset he is.

Sarap maging bata. You can just say Raaahh! Raaahhh!and people (mommy and daddy = people :p ) will understand that there is something that is not right. Pag adult ka na, nagiging kumplicado ang lahat! Sambakol na mukha mo, tatanungin ka pa ng 'Are you Okay?' Duhhhh! Sarap sagutin ng manhid ka ba or shonga ka lang talaga? :p Wala po akong kaaway, napapa-isip lang.

Next time me kaaway ako masabihan nga ng Raaahh! Raaahhh! Ma-gets kaya? :p

Saturday, July 25, 2009

Selective Speech

Kung me tinatawag na selective amnesia, eto atang bunso ko e meron namang selective speech! (hehe, pauso ko lang ba!)

Kasi naman, he is 3months shy away from his 2nd bday pero nd pa rin syado nagsasalita. Ang word pa lang nya e mommy, daddy, yayaa(kuya), yoyo(lolo), dirty at ang kanyang el paboritong anana(banana).

Kanina, excited sya sa laruan ng kuya nya na bumblebee head and arm gear. While having dinner, nagkkwento sya.

Eto ang kwento nya, 'Ah. Aaaa. (Baby giggles.)AH! AH! Ummm. Yaya! (Baby giggles.)

Syempre di namin naiintindihan. Alam ko lang na nagkkwento sya kasi with matching facial expressions at actions sya. Anyway, Ang ending ng kwento nya ay... 'BA-BLE-BEE!' Sabay turo sa bumblebee ni kuya.

Ayuuunn! Kinkwento pala sa daddy nya ang bagong toy ni kuya nya na bumblebee! That's a big word and a lot of effort bunso. Well done!

Thursday, July 23, 2009

Mommy, I don't have a fever but I have something stuck in my ear!

Ang aking si bunso. Ni-tusok ang tenga nya ng thermometer!
Kung san, kelan at sa papaanong paraan nya nakuha si thermometer ay hindi ko alam.
(Alam ko man, e hindi ako aamin! Sa kadahilanang nagbabasa ng blog ko ang aking butihing kabiyak. Baka di na sya butihin pag nabasa nya eto. hehehe)

So, biglang nagi-iyak. Pinatatahan ko ayaw tumahan.(Nasaktan talaga.) Pinadodo ko tumahan naman. (Ikaw ba naman salpakan ng boobies sa bibig, e hindi ka manahimik. :p)Pag angat ko ulit sa kanya, ayayay! May dugo ng naagos sa tenga. Tarantatious ang nanay. At dahil takot sa dugo ang lola nyo, ako ang naging casualty. Nahilo at nagsuka ako dahil sa takot sa dugo. Ahehehe. Pagkakita ko ng dugo, biglang ko na lang nai-pasa ke hubby si bunso. :p

Dinala namin agad si bunso sa clinic, ayos naman sya. Ung canal lang daw ang may sugat at hindi naman naano ang eardrum. Thank God! Dahil kung napano ang anak ko ay dalawang kotong na ang aabutin ko sa sarili ko, pwera pa ang kotong ni mahal. :p

Missed little boy's school assembly. =(

Hay kakainis!

Night shift kasi ako kaya naman sira ang body clock (at body calendar) ko.
Kanina pala ung assembly nila little boy. Hindi kame naka attend. =( Dahil kahimbingan ng aking kagandahan ng mga oras na un.

Pag-sundo ko ke little boy, naka sad face sya. Sabi nya, assembly daw nya and I didn't come. Nadurog ang puso ko. Sabi ko na lang kasi masakit tyan ni mommy. (hay, ang lame ng excuse! though, sumakit naman talaga tyan ko un nga lang e after na un ng assembly. aheheh.)

Kaka inis pa kasi sya pala ang closing remarks. Nag read daw sya in front of the people. Ask ko ano ang ni-read nya? (As if naman nakakabasa na sya. Syempre kabisote lang.) Ang linya nya daw ay eto...

Little Boy: "Thank you so much everyone for attending our assembly."

Lalo tuloy ako na-sad. Excited pa naman sya last time. Bigla nya nasabi na kakanta daw sila sa assembly. Ng maalala nya na surprise yun for the parents, he made me promise not to tell Ms. Palma. Kakatuwa pa sya nun kasi nagulat sya at nasabi nya. Promise, promise, promise daw not to tell teacher. Papakita daw nya sa akin ang song basta nd ko ite-tell. Syempre may-i-promise si mommy. Happy ako kasi trust nya si mommy.

Kaya lang, hay ang syonga ko talaga at nawala sa isip ko ung assembly. Sabi pa ni meg, ni read pa nila ung stories na ginawa nila. Ang story nya ay ito...

'I went to the jungle and saw Ben-10. I kissed a frog and it turned to a Ben-10 Alien.'

Hindi naman halata ang paborito nya ano? hehehe....

Nag-sorry na ako sa kanya and he said it's okay. Sabi pa nya, next time daw my tummy hurts just go to the assembly and sit on a chair. Then after he talk, I can go home na daw. Waaaahhhh! Super guilty ang mommy. Sad. Sad. Sad. =(

Wednesday, July 22, 2009

When it rains, it pours.

Ay talaga naman! Not that I am complaining. Kaka-kurta lang ng utak kung pano mag-isip.

We don't want to be greedy, we just want to make the right decision. Make or break naman kasi. Hindi rin pwede sabihin na pag-isipan muna maigi, e andyan na nga pareho. Pano pa pag-iisipan? Hindi rin pwede timbangin muna, kasi ano ang titimbangin e wala pa din naman. Hay ang gulo talaga promise. Dalawa na kame nag-iisip di pa namin maisip kung pano. To be or not to be? To take or not to take?

Sabi nga ng isang letter sender...'Let's burn the bridge, when we get there."
Mwehehehe... Susunugin ko talaga ang bridge ng hindi na madaanan ulit! :p

Masasabi ko lang sa ngayon, grabe! Lakas ng dasal ng mga bata talaga.

Oh Dear Lord, help us make the right decision. Please, please, pretty please!

Saturday, July 11, 2009

Bunso's Vocabulary

Daddy = Dadddiii
Kuya = uya
Dirty = Deti

Sound pag excited - Aaaaaaaah!
Sound pag galit - Raaaaaaaa!
Sound pag frustrated - Brrrruuu!


Simplymuah - 'Say mommy.'
Bunso - 'Nah!'
Simplymuah - 'Say mommy.'
Bunso - 'mmm...mmmm'
Simplymuah - 'Say mommy!Magsalita ka, kundi kokotongan na kita!'
Bunso - 'Maaaaammmmmmyyyy!'

Nakukuha naman pala sa sindakan e. Mwhehehehe. Ayan imbes na kotong, kiss na lang.
Muah! Muah! Muah! Cute cute mo bunso. =)

Friday, July 10, 2009

Are you ok?

Kagabi, sinubukan ko patulugin sa kwarto nila ang aking dalawang iho. Habang nalaki kasi sile e pakiramdam ko naliit ang kama namin mag-asawa. Kahit kasi may kama si little boy sa kwarto namin, pag nagigising sa madaling araw e nakikisik-sik sa tabi namin. Ang drama ay 'I'm having a nightmare, can I sleep beside you mommy.' E syempre, matitiis ko ba naman un di ba?

So kahapon, nilipat ko sa room ni little boy ang kama nila ni bunso at sabi ko ke little boy dun na silang dalawa kasi big boys na sila.

Walang problema ke bunso. Pagka-dodo, natulog na.

Si little boy -- 'Mom, I am having a nightmare.'

Sa ganitong pagkakataon, kailangan ng tibay ng dibdib. -- 'Little boy, nightmare happens only if you are sleeping. And you haven't even tried to go to sleep. Hmmm....'

Little boy -- 'Oh...' and gave me this knowingly smile. Alam ko na ayaw nito matulog sa kama nya.

Mommy, Think fast!

Naisip ko meron sya ginawa sa school na picture ni Jesus Christ with a sheep. Tapos nakalagay 'Jesus is the good shepherd.' So, ginawa ko umakyat ako sa room nya at dinikit sa may ulunan nya. Sabi ko sa kanya, eto si Jesus. Nasa ibabaw ng ulo mo. He will take care of you. You won't have any more nightmares okay. And he said okay. Before I left the room, he asked me to look for his mutant turtles poster and to stick it on his wall as well. He said so that there would be somebody to fight with the monsters while Jesus looks after him. So I said okay. (And I did it this morning.)

And off he went to slumberland.

Come morning, nagising ng maaga si bunso. So lumipat ako sa room nila to feed bunso.
Ikot ng ikot si bunso sa kama, siguro humahanap ng posisyong maalwan. Na-alimpungatan si kuya, pupungas pungas pa na sumilip sa kama ni bunso and he asked, 'hey rou, are you ok?' Awwww! Nadurog ang puso ko. Ayaw ko paka-senti pero na touch ako. He was not okay sleeping on his own yet he managed to ask if his little brother is alright. Kuyang kuya ang panganay ko. Hangang ngayon naalala ko pa yung tono ng boses nya.

I'm so proud of my panganay.

Wednesday, July 08, 2009

Wifespeaks : FW10: X Marks the Food

X sa amin ang Eggs!

Well hindi naman sa amin lahat. Kay bunso lang.
Pero di pa naman sure na allergic sya dito. (Namaga lang naman sya at nangitim ng pakainin ko ng eklok.) Pero sabi ng doctor, baka lang daw kasi masyado ko sya maaga napakain ng egg. (4 or 7months... can't remember na...) Hopefully daw ma outgrow na nya.

Hindi na rin mahirap na iiwas sya dahil mismong sya e ayaw nya kumain na ng egg. Baka tanda pa nya ung kati na dinanas nya. Si kuya rin naman aware sa kung ano mangyayari sa kapatid nya pag naka-kain ng eggs. ('Mommy, don't feed him eggs. He will become patchy-patchy!' in tagalog, pantal pantal po. eheheh)

Sa ngayon madalas meron kame stock ng antihistamine. Minsan kasi maselan sya, minsan hindi. Minsan pakainin lang ng egg biscuits, namamantal. Minsan eat ng icing (na may egg), hindi naman. Pero better safe than sorry. Ayaw ko na maulit ung nangitim sya at nawalan ng malay dahil na-block na ung lalamunan nya ng pantal. Skerrrri moment!


Kayo ba ay me iniiwasang food? If yes,have your say here!

Tuesday, July 07, 2009

Wifespeaks CT10: Ex-cuse Me

Here are five scenarios. What would you do?

Scene 1: You were walking at the mall, minding your own business, when you suddenly bump into your ex (as in ex-boyfriend!). Then he invites you for coffee or drinks. What do you do?
-- I'll pass. Sure it is nice to catch up. But to catch up for what? How many kids have you made? Talk if you are happily married? There is a reason he is called an Ex. Ex is a prefix meaning "out of". So he should be out of your life. For good. (Well, eto ay opinion ko when I asked myself what if it's the other way around? Meaning si hubby maka-banga kay ex? Hindi ako selosa, pero cup of coffee? Duhhhh! Hindi pwede! :p

Scene 2: Your husband is super insecure with your ex. What do you do?
--Steer clear away from the ex. Burn everything that would remind me of the ex. Do everything it takes to make hubby feel secure. He is my husband and I have the responsibility to make him happy and feel secure.

Scene 3: You are currently not happy with your marriage. Then, out of nowhere, your phone rings and it’s your ex-boyfriend/first love. He says hi, asks you how you are, and makes small talk. After a while, he gets to the crux of the matter and asks you to leave your husband for him. What would you do?
--There's a reason why that EX is called an EX. It means that during the time that we were together, there was something in the relationship that didn't go right. So why would I go back together with him? If I am not happy with my husband (that is after trying to make things work out and tried to be happy again, and it failed), I will leave him for the reason that I am not happy anymore and not because of another guy. I don't think that EX will make me happy. It will just make me guilty on the inside and a slut on the outside.

Scene 4: Your ex asks you to be the godmother of his new baby.
-- I will accept it. A Godparents' responsibility is to bring the child up in the Christian faith and to insure the child's religious growth after the Baptism. If I decline it, it's just like declining to be God's instrument for the child to know Him. I am not saying his father/mother couldn't do that, but if they don't have issues with me being their child's godmother, then why would I have issues about it.

Scene 5: Your ex is Rustom Padilla.
-- Kukuha ako sa kanya ng beauty at fashion tips! But I'll tell him to just pleassssseee drop the Bebe Gandanghari name! Naman! Naman!

Join us in our weekly chikahan at Wifespeaks!

I used to be conceited, but now I'm perfect!

May children's party na pupuntahan si little boy.
Ayaw na magpabihis at magpa-ayos. Alam na daw nya. (Ahuhuhu!)

Nag polo.
Nag pantalon.
Nag gel ng buhok.
Nag sapatos ng balat.

(Lekat parang didiga ah!)

On the way to the party...

Little boy : 'Mommy, pogi na ba ako?'
Simplymuah : ' Ay oo naman, poging pogi!' (Syempre ako ang nanay e! :p)

Little boy : 'Mommy, bakit kaya yung heart ko na-popogian rin sa akin?'

Nyah! nasobrahan ata sa papuri ng nanay tong batang to. Ehehehe.

Sunday, July 05, 2009

Happy Anniv Mate!

Good (and Bad!) Time Flies Fast. It's really hard for me to believe how time has just been flying. Today, (July 5) marks our one year here in Australia. Still missing my life and friends in SG. But in a way, also enjoying my stay here in AU. (Minus the laundry and the never ending household chores of course!)

Still early to say if our move here has been the right choice. Still adjusting.
What I can say is that the past one year has been bad enough for us to mature and good enough to value the things (and the people!) that we have and to know that we are blessed. =)