Friday, July 10, 2009

Are you ok?

Kagabi, sinubukan ko patulugin sa kwarto nila ang aking dalawang iho. Habang nalaki kasi sile e pakiramdam ko naliit ang kama namin mag-asawa. Kahit kasi may kama si little boy sa kwarto namin, pag nagigising sa madaling araw e nakikisik-sik sa tabi namin. Ang drama ay 'I'm having a nightmare, can I sleep beside you mommy.' E syempre, matitiis ko ba naman un di ba?

So kahapon, nilipat ko sa room ni little boy ang kama nila ni bunso at sabi ko ke little boy dun na silang dalawa kasi big boys na sila.

Walang problema ke bunso. Pagka-dodo, natulog na.

Si little boy -- 'Mom, I am having a nightmare.'

Sa ganitong pagkakataon, kailangan ng tibay ng dibdib. -- 'Little boy, nightmare happens only if you are sleeping. And you haven't even tried to go to sleep. Hmmm....'

Little boy -- 'Oh...' and gave me this knowingly smile. Alam ko na ayaw nito matulog sa kama nya.

Mommy, Think fast!

Naisip ko meron sya ginawa sa school na picture ni Jesus Christ with a sheep. Tapos nakalagay 'Jesus is the good shepherd.' So, ginawa ko umakyat ako sa room nya at dinikit sa may ulunan nya. Sabi ko sa kanya, eto si Jesus. Nasa ibabaw ng ulo mo. He will take care of you. You won't have any more nightmares okay. And he said okay. Before I left the room, he asked me to look for his mutant turtles poster and to stick it on his wall as well. He said so that there would be somebody to fight with the monsters while Jesus looks after him. So I said okay. (And I did it this morning.)

And off he went to slumberland.

Come morning, nagising ng maaga si bunso. So lumipat ako sa room nila to feed bunso.
Ikot ng ikot si bunso sa kama, siguro humahanap ng posisyong maalwan. Na-alimpungatan si kuya, pupungas pungas pa na sumilip sa kama ni bunso and he asked, 'hey rou, are you ok?' Awwww! Nadurog ang puso ko. Ayaw ko paka-senti pero na touch ako. He was not okay sleeping on his own yet he managed to ask if his little brother is alright. Kuyang kuya ang panganay ko. Hangang ngayon naalala ko pa yung tono ng boses nya.

I'm so proud of my panganay.

No comments: