dapat magg-gym kame ni hubby... e kaso, tinatamad ako. sabi ko jogging na lang sya around the hdb block at ipapasyal ko si little boy sa playground. oh di ba happy family! ayan ang itsura namen pag alis ng bahay. pagtawid namen papunta sa hdb, sabi ko ke hubby jogging na sya at i-meet na lang namen sya ni little boy sa playground.
so may-i-tulak ako ng bike ni little boy. ang aking anak naman e prenteng prente sa pagkakaupo. wala pa ata ako 50 steps, e naku si little boy nahipan ng hangin! inantok. ung ulo nya, babagsak bagsak kada step ko. titirik tirik pa mata, dahil pinipigilan nya makatulog. hangang sa sumubsob na ulo nya sa bike. inangat pa nya uli ulo nya at hinawakan ang umpog nya, pero di na nya talaga kaya pigilin ang antok. so as ulirang nanay, alangan naman hayaan ko magkanda untog untog anakis ko. di binuhat ko na! WRONG MISTAKE! siyetttt..... ang hirap pala magbuhat ng 10kg na bata at magtulak ng bike at the same time. grabe, mas marami pa ata ako ipinawis sa asawa ko! di naman ako makabalik sa bahay dahil usapan namen ni hubby na magme-meet nga sa playground. syempre, para mas perfect scenario di namen dala pareho fon namen. so ayun, habang buhat ko si little boy kinakaladkad ko ang bike (it was more of binabalibag ko na ung bike...) at syempre pa, gumising na anak ko ng binuhat ko pero ayaw na nya bumalik sa bike. WAAAAHHH! oh well, makita ko naman ung ngiti ng anak ko pag nagsslide at nags-seesaw e kahit buhatin ko pa ung bike nya pabalik. (HINDI RIN!)
kamalas malasan pa, naabutan kame ng malakas na ulan. e di nag stay kame sa ilalim ng hdb hangang tumila ang ulan. pinagod namen si little boy, kaya naman ayun pag tulog e ngingisi ngisi...
the joys... (and the katangahan) of being a mother.... =)
6 comments:
LOL. One happy, wet family!
saya saya nun hehehe wonder woman ka pala! kakaenjoy posts mo!
so ano, binuhat mo nga yung bike pabalik? mwihihi
but pa sa little boy, marunong na mag-bike. si jan, tryke na nga, hindi pa rin marunong mag-pedal, hahaha!!!
next time, dalhin mo kasi yung mahiwagang bato, at sumigaw ng DARNA! :D
lyra, di naman kame nabasa. nasa ilalim nga kame ng HDB! hehe
sookie, hehe. oo wonder woman ako... lagi nagwo-wonder. :p
ela, hindi. si flo pinagbuhat ko nung bike. actually, pinagtulak. hehe
ruth, hindi pala bike. tryke nga ata tawag dun. kasi 3 gulong. haha! nd pa ren marunong si meg, de tulak ren un. pero meron sya motor, ayun alam na nya paandarin. un nga lang pag sumasakay sya dun pabaliktad. hehe.
galing ng workout mo, ha! heheheeh!
Post a Comment