Monday, April 04, 2005

ever bliss....

tuloy na dito sa singapore ang aming church weyding ni hubby. pano naman napasubo na kame kumuha ng photography package.

hayyyy.... pano ba nangyari?

dati ko pa kasi sinasabi sa aking hubby na tignan namen packages ng mga bridal shops dito... one time nakita namen ung ever bliss sa isang exhibit. inaya ko si hubby para maki-usi. sabi ko ung packages 3k. (Sagot nya 3k???!!!!) ayaw nya daw, why spend 3k for pictures. so clearly di nya priority ang pictures. kalat lang daw un. (guilty po ako, nakakalat kasi mga pictures sa bahay para sa scrapbooking ko.) And ayaw daw nya na rented ko lang ung gown ko. So ok, ayaw ni hubby. Case closed.

Then, nung friday morning thru yahoo messenger sabi nya saken... "yung officemate ko kumuha ng photography package, 3K LANG." DUH???? ang 3k ba nya, e iba sa 3k ko? Hay naku, mga mister talaga, pag misis nagsabi kala nila laging gastos. HMP! E di tinanong ko na ren kung anong studio un, ever bliss daw. DOUBLE DUH!!! Hay naku, me matotoktokan pag uwi.

Then nung hapon, nag jalan jalan(pasyal pasyal) kame. Dapat magtataxi na kame, e umiral ang aking pagka -cory so sabi ko bus na lang kame. Pag daan namen ng bus stop, AIYOH! andun ang ever bliss. hehe... So sabi ko tara, tignan naten ang package nila. WRONG MISTAKE! siyetttt.... na sales talk kame ni auntie... tawagin ba naman akong beautiful girl e! hehehe.... pero kasi na compare namen ung package nung ka-opisina ni flo. mas mura samen ng $400, mas marami pang kasama. so okay na ren. nagdeposit kame ng $800. dun ata ako nabigla. as in ang init ng mukha ko papunta sa taxi stand. (uh huh, nag taxi ren kame. praning talaga!) nakakahiya pa dahil inistorbo ko si pazette(wowie), para itanong lang kung tama ba ung desisyon namen. hayyy. pero tapos na. isipin ko na lang na tama na nga ung ginawa namen.

-inclusions
wedding gown and accessories - rentals (pag di ko kinuha, minus $100 pa sa package.)
evening gown - di ko kukunin, papa change ko to MOH gown
flower girl gown
4 suits
bridal car with deco
bridal boquet
photographer (300 photos)
make-up - 1 trial, 2 actual day.

mukhang oks na ren... pero hayyyy pa ren...

4 comments:

salme said...

hi! mukhang ok naman ang wedding package na nakuha nyo! kakaexcite yan! pede mo pa ring bearer si little boy mo, hihihi! good luck sa preps!

elapot said...

hay, ganyan tlaga mga lalaki pag dating sa preps ;)

o invite mo kmi ha, hehehe

Christine said...

naks, mukhang tuloy na tuloy na ah! pictures ha. teka, kelan nga ang wedding bells?

marikit said...

uy, try mo si marc aviles to take your wed pics. gusto mo contact mo sya kasi magaling sya e.

may mga nakuhanan na syang wedding dito pero puro ROM pa lang pero they're all good.

in case lang, type mo.