last friday pa to nangyari, pero naalala ko uli ngayon kasi friday na naman....meron kasi akong classmate sa baking class ko na grrrrr....
meron kami ginagamit na "nail" sa paggawa ng roses. e 8 pcs lang un. tapos 20 kame sa klase. sabi ni teacher, habang gumagawa ng ibang flower ang iba, ung iba gawa ng rose. so share share baga.
si classmate damot, e nagawa ng ibang flower. so hindi nya ginagamit ung nail. so sabi ko pahiram. aba ang damot! sabi ba naman saken, gagamitin ko na sya. at binitawan ung ginagawa nyang isang flower kahit di pa sya tapos. at ginamit ung nail. badtrip! inisip ko, pakiramdam ko lang ba na nagdamot sya o madamot talaga sya? oh well, mukang madamot talaga sya kasi ung isang classmate ko na indian, sabi saken "i make 10 roses, then i pass you this nail. ok?" so napansin ren nya na ayaw ako pahiramin ni classmate damot.
tapos hindi lang un, tinawag kame lahat ni teacher para panoorin ung demo nya. so lahat kame naka ikot ke teacher. bumulong saken si indian classmate, "look at that lady, still holding the nail and the other tool even if she is not using it." ang truly, pag tingin ko as in hawak nya yung nail at ung isang tool. ayaw bitiwan! goodness!!! ang damot talaga! hayyyy..... me tao pala talagang saksakan ng damot... HMP! di bale, mas magaling naman ako gumawa sa kanya ng rose! bwahahaha..... (promise, sabi ni teacher i've got the flair! mwahahaha)
as for the gamot sa damot, hende ko alam. hihi... dahil kung alam ko, ginamot ko na sana si classmate damot!
5 comments:
ano ba namang klaseng tao yan?!? saksakan ng damot nga! maiba po ako, pede mo na pala ipackage ang cake mo sa pagcater mo lalo na pag children's party hehehe
praktis po muna ako. pag pwede na ihelera mga keyk ko sa cake avenue, e isasama ko na sa catering. haha!
gamot sa damot? ipako!!! :-)
cata... bawi ka lang... pag may kailangan sya... ipaalala mo sa kanya yung ginawa nya... kaso i doubt na mangyari yun... d lang sya madamot... swapang pa sya...
Aba..aba...aba...baking naman ang minamaster mo ngaun. Cge aral ka lang jan...tapos turo mo sa kin ha...he he he.
About ke classmate damot,pabayaan mo na lang cya. wala naman cyang mapapala sa kadamutan nya :D
Post a Comment