Wednesday, April 20, 2005

mini me....

kagabi napagalitan ang little boy ng kanyang daddy. kasi nakikipaglaro saken, tapos na-scratch nya yung mukha ko. actually, hindi naman nya kasalanan. kasi sumabit lang kamay nya sa salamin ko, tapos ung salamin ko ang gumasgas saken. pinagsabihan ni hubby si little boy.
ang aking anak, naghihikbi. as in puppy look. naka-kaawa talaga. tapos nag embrace na saken and ayaw na sumama sa daddy nya. tapos, ng kukunin na ng daddy nya, naku nagtampo na. ayaw na sumama, naka pout pa yung lips at talagang super hikbi pa. ang hirap amuin!
manang mana sa ina! hihi.... mini me talaga!

nakakatuwa na kasi, unti unti na namen nakikita kung ano ugali ng little boy. so far, mabait pa sya. madali mapagsabihan, madali nga ren lang magtampo. :p

(pero ang sarap nya pagtampuhin, kasi ang sarap ng embrace nya! hehe)

4 comments:

Christine said...

si bea dati hindi matampuhin kahit ilang beses mong pagalitan after 1 minute parang walang nangyari pero lately eh pagnapagsabihan, susumpungin for a while till amuhin namin....mana ata sa ken! hehe

Misis14 said...

si bebe s di marunong magtampo. nginingitian lang kami pag pinapagalitan namin...:-)

MGY said...

so ibig mong sabihin dramatic actor si meg pag laki? hehehe... joke lang cata.. peace... =D

SimplyMuah said...

xtine - hehe, si meg den saken nagmana ng pagkatampuhin....

misis14 - awww! ang cute pa naman ni bebe s pag nag smile. for sure, tunaw lalo ang galit mo pag nag smile na =)

pazette - hehe. kaaliw nga e. bad nga kame minsan ni flo. papagalitan lang namen para mag puppy look. :p

maldita - oo, susunod yan na richard gomez! kulay pa lang richard na e.... hehehe.... lagyan ko na lang sya ng mga polka dots sa muka, kunyari nunal! hehehe