Tuesday, February 07, 2006

Ang Sumpa

kagabi nanonood kame mag asawa ng desperate housewives. (season 1)

naging issue nila ang pam-babae. sabi ni lynette, iiwan nya asawa nya pag nahuli nya mambabae.

eto ang naging usapan namin ni mahal habang nanonood.

muah : naku , wag na wag mo gagawin saken yan at iiwan talaga kita!
mahal : sus! ako na naman.
muah : manumpa ka dali! (tinaas ang kamay ni mahal ala panatang makabayan)
mahal : papasumpain mo ko kaliwang kamay...
muah : ay oo nga! oh dali na manumpa ka na! (tinaas ang kanang kamay ni mahal)
mahal : sinusumpa kita!
muah : alamak! bakit mo ko sinumpa!
mahal : e sabi mo manumpa ako e!


hay naku... kuleeeet!!!