last saturday, umalis na sila mama pauwi ng manila.
TOTAL CHANGE SA BAHAY!
as in laba ako ng damit, luto, palengke, alaga ng bata!
little boy : mommy tulak mo bike.
little boy : mommy, bang bang! (i have to play dead!)
little boy : mommy catch!
arrggggh! at isang araw pa lang yan. waaaahhh! bigla akong naging isang ulirang ina at asawa.
na shock ata ako, married na ko for 2years plus, pero ngayon pa lang ako magiging total mother and wife. naawa ren ako ke little boy, dahil bigla sya nawalan ng kalaro at umuwi na ang aking little sister. kaya naman napaka clingy. at nag-iinarte!!!!
tulad kahapon, napalo ko na sa pagiging bad. tinapon kasi ung food. sabi ko wag nya itapon, aba e sinusubukan ata ako, tinapon pa ulit. sabi ko, little boy papaluin na kita. wag itapon ang food. aba tinapon talaga ulit! e di palo... naawa naman ako pag tapos, kasi ask ko ano gusto mo pa ng palo, sabi nya... "mommy, wag po... wag po.. ayaw ko ng palo...." hawak pa ung part na pinalo ko...
hay nadurog ang puso ko.... =( buti naman nagtanda na. pag sinasabi ko na papaluin ko sya, di na nya inaantay ang palo. tinitigil na nya kung ano mang bad ang ginagawa nya.
nuninuninu..... arrrrghhhhh!