Monday, February 27, 2006

new skin, again???

pagpasensyahan na po ang aking mga puso puso. hehe

dahil mula ngayon, till june 17 ang madalas ko ib-blog ay ang tungkol sa aking church weyding.

last night, feb26... nag deposit na kame sa aming reception. hindi ito ang first choice namen para sa venue. pero nagka problema kasi ako dun sa una. ung una, maganda sana kasi dun kame ni mahal nagkabolahan. hehehe... pero dahil ung manager dun e ang hirap kausap, i decided to look for another place. mukhang napabuti naman, dahil unlike our first choice, ang dali dali kausap nung mga tao dun. walang kyeme, yes or no lang lagi. so set na kame dun. sana lang, di maglabas ng memo ang govt dito na babaguhin nila ang east coast, kung hindi e paktay. sa orchard kame mapapadpad. just like our civil wedding, para na naman namen kalaban ang forces of nature. wehehehe. sana tulad ren ng civil wedding namen na everything fell into the right places. =)

yung sa damit ko at sa damit ni flo, sa april kame magsusukat. damit ng mga abay, nabigay ko na sa iba ung mga tela nila. sa mga guys, in the process kame ngayon to look for their ties.

yung arrhae/veil/cord etc... na order ko na ren. with the help of monet. nagfi-finalize na lang kame ng detalye.

wines, magdedecide pa lang kame kung kukuha kame o hindi.

pre-nups - nilalansi ko pa si mahal para pumayag. hehe

cake - need pa puntahan. me design na ako. parang gusto ko magtipid at wag na kumuha ng cake. ang mahal naman kasiiii! at dahil marunong ako gumawa ng cake, di ko matangap na ganun kamahal, kasi ang mura lang ng ingredients nun. hay.... me naiisip ba kayo alternative for the wedding cake?

invitation - to be decided pa lang. me design na kame c/o monet, pero meron iba idea ang isa pa namen friend na si marc. so titignan pa namen.

songs, songs, songs.... syempre wala ako idea! dahil ni wala man kame theme song ni mahal... hihi

ano pa ba??? hay ka tuliro.... ang dami pala aayusin. kala ko wala masyado kasi 2 years in the making tong kasal na ito... kaka mamaya ko, e ayan 4 months na lang pala.... nyarks!