Friday, July 07, 2006

on weddings gone bad (daw!)

dami ko ngayon naririnig na mga kwento about horror weddings. kaliwa't kanan. samu't saring pintas. samu't saring lait. kung ikakasal pa lang ako, siguro natakot na ko mag-pakasal.

ano na ba ang pamantayan ng pagiging successful ng isang wedding?

sa tingin ko successful naman ang kasal namen. kasi nag enjoy naman kami ni mahal. at ayon sa aming mga bisita, nag enjoy naman daw sila. me bisita nga na dapat aalis na pagkatapos kumain, she even texted me na paalis na sya. pag tapos ng kasal andun pa ren, di daw sya makaalis kasi enjoy na enjoy sya sa program. =)

bakit ba bigla akong serious sa topic? meron ako nabasa sa isang egroup na "gone bad" daw ang wedding dahil walang AVP, maraming di umattend na guests, wala sa motiff ang flowers sa church. hmmm.... hindi ba add ons na lang ang mga ito sa kasalan? kung yun pala ang pamantayan, maituturing na gone bad ang aking kasal. kasi wala kameng AVP(requirement na pala un), 10% ng bisita ko di ren nakadalo ( they have their reasons, and i think valid naman.) at hindi ren tugma sa motiff ko ang aking church flowers.

parang ang babaw naman na ng pamantayan ngayon ng kasal. bakit dati na-attend ako ng kasal, basta makita lang na masaya ang couple e ayos na. ngayon parang ang dami mo pang dapat gawin sa kasal mo. di ba nga dati ang tuksuhan lang e, "kelan ka ba magpapa-inom ng mainit na sabaw?" ibig sabihin kahit sabaw lang na mainit, maligaya na ang mga bisita basta maimbitahan sila sa kasal mo at makita ang inyong pakikipag isang-dibdib.

pero marahil me mga horror weddings nga, siguro para saken isa itong horror wedding kung mismo sa couple nangaling na di sila nag enjoy sa kasal nila. or imbes na happy stories ang kwento nila e puro sad moments ng kasal nila. eto ang sa tingin ko ang nasayang na kasalan. kasi yun na ang memories na dadalhin ng couple e. yung kwentong galing sa bisita, maaring di naman un ang naramdaman ng couple, pero kung ung mismong couple na ang may di magandang masabi sa kasal nya mismo e yun siguro ang nakakapang hinayang talaga. =(

sa amen, masasabi ko na naging successful ang kasal ko kasi nakita namen na ang mga bisita namen e happy na kinasal kame. meron man mga glitches, di na namen napansin kasi natabunan na yun ng mga happy faces na nakapalibot sa amin. bawat kaibigan namen e nagbigay ng tulong o ng opinion kung pano namen mapapaganda at mapapa ayos ang kasal namen. at sa tingin ko e wala naman kame mga ingrata na bisita na pumunta para tignan kung ano ang mailalait sa amen. hehe. lahat sila pumunta dahil ang purpose e makita kame ikasal, at hindi para tignan ang detalye ng aking wedding.

so siguro para sa isang successful na kasalan, i think dapat lang iinvite sa kasal e yung mga taong malapit sayo na sa tingin mo magiging masaya sa kasal mo. hindi ung mga tao na di mo na halos kilala at dahil di ka kilala, e imbes na ikaw ang tignan dun sila sa bulaklak ng simbahan nakatuon ang pansin or dahil di ka nga kilala nag aantay na lang ng banda na tutugtog para maaliw sya. invite people na kahit mainitan, kahit magutom wouldn't care basta makita ka na glowing with happiness dahil kinasal ka sa taong mahal mo.

para den sa successful wedding, i think hindi ka dapat nasunod kung ano lang ang uso. dapat, gagawin mo ang isang bagay sa kasal mo dahil gusto mo talagang gawin un. hindi dahil narinig mo na maganda ang idea na un. or kasi ginawa un sa kasal ni ganito or ni ganyan. kasi pag ginawa mo lang dahil nakiki-uso ka, hindi lalabas na maganda. kasi di ka magiging at ease duon. at dahil di ka sanay sa idea na un, mag mumukha lang pilit. pero minsan, dapat ren nakikinig ka sa mga payo ng kaibigan. kasi as friends, ayaw naman nila na lumabas na corny or baduy ang kasal mo di ba? so kung me mga comments sila na change the color, or di bagay sayo ang gown. makinig ka ren. dahil minsan mga bagay na di mo nakikita sila ang nakakapansin. so dapat balanse ung pakikinig mo sa suggestion ng mga kaibigan dun sa talagang gusto mo. (my original gown was suppose to be a tube-top. sabi ng kaibigan ko, di daw bagay at mukha daw pa tweetums. kaya nagpalit ako ng design. at ang aking piniling design, for sure di na tweetums! in fairness, carry naman daw sabi ng aking mga friends! hehe)

isa pa, para saken kung meron ka supplier na tagilid kahit na nakapag bayad ka na, kung sa tingin mo e papalya, palitan na habang maaga. kahit na pa nakapag deposit ka na at kahit na in the end e mas mapapamahal ka pa. buti na ung satisfied ka sa end product, kesa sa pagsisihan mo kung kelan tapos na. kung kelan di mo na maibabalik pa. oo added gastos un, pero yung pera naman kikitain ulit. pero makakapag-pakasal ka ba ulit para itama un? at maikasal ka man ulit, hindi pa ren maitatama un. kasama na un sa memories na dadalhin mo. kaya bago pa man sya tumatak sa memory mo, palitan na agad.

yan pa lang ang naiisip ko na tips para sa mga b2b's. sana kahit pano me mapulot sila. hehe...

1 comment:

Ella Go said...

AMEN...
galing ng mga tips mo cata.
Tamang-tama sa akin.

sa visitors.. if may choice lang ako ... diko sya iimbitahin.. Shhh. quiet ka lang.

di dapat makinig lagi...kung ayaw mo mapahamak... trust your instinct... if happened to me but i trusted more sa referral NYA.

all that happen will really be marked in your memories.. hanggang ngayon.. may sama ako ng loob pero andun na eh. minsan nga pag napag-uusapan namin ni ariel, sinasabi nya na kalimutan ko na lang.. pakasal na lang kami ulit.. hehehe.

hay...weddings. start lang ng marriage but we tend to prepare more on it. the important thing is to prepare ourselves to the married life. mas masalimuot kasi pero masaya!mas madami adventures...