nakitaan ko na kung ano ang hindi magandang ugali ng anak ko.
mabait sya kung tutuusin, kasi nasunod sa aken at napapagsabihan. di rin sya ganun ka pasaway. pero napansin ko, sobra ang pagka seloso. nung una, kala ko nagseselos lang sa pinsan nya. kasi syempre bata ren un. so pag buhat ko un, magpapabuhat ren sya saken. sa una nakakatuwa pa, kasi di naman nya papahalata na nagseselos sya. kunyari buhat ko ang baby, aayusin nya ung higaan at sasabihin saken na dun ko ihiga ang baby. ganun lang sya.
pero kahapon, maghapon kame nasa bahay. nasa room lang kame kasi puyat kame from the other night. so nakahiga kame ni mahal, tapos nag embrace ako sa kanya. aba ang little boy, lumapit saken at pilit ako pinapabaling sa kabila. ayaw nya iembrace ko ang tatay nya. so sabi ko eembrace ko lang si daddy, nakikita ko paiyak na sya. ayaw nya na ipayakap talaga ako. kinukurot pa nya ako nung nakatalikod ako sa kanya. gumagawa sya ng ways para ma distract ako at bumaling na pakabila.
ng bumaba ako, tinanong sya ng tatay nya. galit ka ba saken kasi embrace ako ni mommy? aba, eh um-oo. wag daw ako eembrace. so pinaliwanagan na ni mahal. na dapat love kameng tatlo at hindi pwedeng si little boy lang at si mommy. so pag akyat ko at ng si mahal naman ang bumaba ako naman kumausap kay little boy. sabi ko sa kanya, malaki ang love ni mommy at hati sila ni daddy sa love ko. naku ayaw pumayag. hindi daw. sabi ko big ang love ni mommy, love ko si little boy at love ko si daddy. tapos si daddy naman, love si mommy at love si little boy. then si little boy love si mommy at si daddy. ang sabi nya...si daddy love na lang ang fish nya! (ang aming arowana) ngek! tama ba un, ayaw talaga nya.
tsk! tsk! delikado ito. dapat talaga e mapaliwanagan ito. at baka pag nagka GF e maging masyado seloso. (hehe, tama bang un agad maisip ko.) oh well, kasi ako kahit selosa e ayaw ko sa selosong boyfriend. hehehe