Tuesday, October 03, 2006

bad mommy. =(

Nung isang gabi, nang-galing kame sa 2 kiddie party. Dun sa unang party, meron bounce palace. Syempre mega bounce ang aking little boy. E ang aga pa namin, kasi akala ko 1-5pm ung party. 2:30 pala! mga1:30 andun na kame, so from 1:30 to almost 5pm, nagbo-bounce bounce ang little boy. So pagpunta namen sa 2nd party, tulog na si little boy sa sobrang pagod. E medyo malayo ung lugar sa amin at magkalayo ren ung dalawang lugar kaya naman medyo nasobrahan ata sa pagod si little boy.

Pag dating sa bahay, ako sana ay magii-scrap. Sabi saken ni little boy, "Mommy pagod na ako. Sleep na tayo." Mag timpla daw ako ng small dodo. (Little bottle) So timpla naman ako, e nakaramdam na ren ako ng pagod, sabi nya pahingi pa daw ng big dodo. (Big bottle) Si mahal na ang pinag timpla ko. Kasi antok na antok na talaga ako. Eto ngayon, sa pakiramdam ko kakahiga ko pa lang. Humihingi na naman si little boy ng big dodo. Sabi ko little boy kaka dodo mo pa lang. Sleep na. Sabi nya "Mommy, I want big dodo pleaasseee." (Take note of the please.) Sabi ko, NO. Kakadodo mo pa lang. Mamaya susuka ka na naman. Eto ngayon sya paikot ikot sa kama, at sabi ng sabi na "Mommy, dodo pleaseee." E nainis na ko sa sobrang antok at sa sobrang pagod. Sabi ko sa kanya, "Little boy, ano ba. Kanina sabi mo sleep na tayo ayaw mo ko pagawin dun sa kabilang room. Ngayon nakahiga na ayaw mo matulog. Bakit ka ganyan? Bahala ka na, mag sleep na ako." Sabay talikod ko na. Sabi ni little boy, "Mommy, I'm sorry. Di na ako bad. Love mo na si little boy. Sleep na si little boy." (Habang umiiyak at nagpupumilit na yakapin ako.) So niyakap ko na sya, at sabi ko sleep na kame.

Pag tunog ng alarm clock ng 6AM, nagising si little boy at ang unang sinabi nya saken ay "Mommy, hindi na bad si little boy. Timpla mo ko big dodo pleasssseee." Nadurog ang puso ko! Nakatulog sya na iniisip na galit ako sa kanya dahil bad boy sya. =( So tininplahan ko na sya ng dodo at nakatulog na ulit.

Pag dating ko sa opis, ako ay binabagabag ng aking safeguard ("ako ang iyong kunsensya...") So tinanong ko ke mahal, kung anong oras ng humihingi si little boy ng gatas. NANANGKUPO! Madaling araw na pala un. So talagang gutom na siguro sya at hindi na nagiinarte. =(

Eto ngayon, normally pag tatawag ako sa bahay at kakausapin ko sya, tuwang tuwa yun at tatanong kung kelan ako uuwi. Kung tapos na ang office ko at sasabihin umuwi na ko kasi miss na daw ako ni little boy. Pag tawag ko ang sabi nya lang "Mommy,asan si daddy?" ng sinabi ko na nasa opis, aba! binigay na sa yaya ang telepono, di na ko kinausap! WAAAAHHHH!

So super guilty na ang pabayang ina. Pag dating ko sa house, tinanong ko si sya. "Little boy, bakit nagalit si mommy kagabi." At ang sagot nya ay kinagulantang ko, sabi nya sakin "BAD KA E! AYAW MO KO TITIMPLA BIG DODO!" Waaaahhhh! Galit talaga sya.

So nag sorry na ako, sabi ko I'm sorry little boy. Kala ko kasi nagiinarte ka e. Totoo pala. Di bale mamaya titimpla na kita ng milk mo. Okay? Sabi nya okay. Ask ko sya kung galit sya ke mommy, sabi nya "indi na dalit si meg."

Tapos habang nakaupo na ako sa sofa, lumapit at sabi nya saken..."Mommy, love ka ni little boy." Sabay yakap at halik sa noo ko.

Waaaaah! tama na po guilty to death naaaaaa!

No comments: