kahapon maaga nagising si little boy. nakikita nya ko magbihis. tanong sya kaagad, san ka punta mommy? so sabi ko, pupunta ko sa office. sabi nya, wag ka na alis mommy. dito ka na lang.
haaaay..... dumudugo ang puso ko habang nagbibihis. gusto ko na ulit magpalit ng pang bahay at dun na lang sa tabi ng little boy ko...
until, sabi ni yaya na... "little boy, tara hanapin naten ang daga sa labas."
at bigla akong pinalayas ni little boy... "mommy! punta ka na opis, hahanap ako ng daga."
soske, basta talaga kahayupan pinagpapalit ako ng anak ko. mapa aso, pusa, pagong at ngayon daga!
pag ako na dead, sa zoo ako magpapalibing katabi ng mga hayop, para di nya ko makalimutan dalawin!
No comments:
Post a Comment