Tuesday, October 10, 2006

hindi pa sya ready...

last saturday, dumalaw kami kila pazette. to visit her and baby morrison.
ang liit liit. ang cute cute, lalo na pag umiiyak. ang pula-pula.
nakaka-tuwa. na miss ko tuloy ang merong baby.

ng pauwi na kame, sabi ko ke little boy "uwi na naten ung baby." ang sagot nya, "wag mommy, tutulog pa sya e." (uy concern! )

so sabi ko, e di pag gising nya naten sya i-uwi. sabi nya, "hindi. ang uuwi lang si little boy. si mommy. at si daddy." ay ayaw nya ang baby. ibig ba sabihin nun hindi pa sya ready sa kapatid?

No comments: