Saturday, December 29, 2007

Scheduled Public Holidays for 2008 - Singapore

  • New Year's Day * Tue *1 January
  • Chinese New Year * Thu * 7 February
  • Chinese New Year * Fri * 8 February
  • Good Friday * Fri * 21 March
  • Labour Day * Thu *1 May
  • Vesak Day * Mon * 19 May
  • National Day * Sat * 9 August
  • Hari Raya Puasa * Wed * 1 October
  • Deepavali * Tue * 28 October
  • Hari Raya Haji * Mon * 8 December
  • Christmas Day * Thu * 25 December

Friday, December 21, 2007

all i want for christmas is...

sa mga taga-sg kong friends and readers, alam nyo ba kung san ko mabibili ito?or kung wala nyan, kahit ito na lang....


ang makakapagsabi sa akin, meron xmas gip! =)


























Wednesday, December 05, 2007

Simbang Gabi 2007 - Singapore

December 15, Saturday, 8.00pm
SAN ANTONIO DE PADUA
Church of Saint Anthony of Padua
25 Woodlands Avenue 1
Contact Persons: Francis Cepe /Tony OdiadaTel no. 94761255/ 91052930

December 16, Sunday, 8.00pm
KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA
Church of the Immaculate Heart of Mary
24 Highland Road
Contact Person: Pauline Olindang v Tel no. 97510262 / 62887841

December 17, Monday, 8.00pm
MARIA, TALA NG KARAGATAN
Church of Our Lady Star of the Sea
10 Yishun Street 22
Contact Person: Lorena LimTel no. 97414646

December 18, Tuesday, 8.00pm
KRISTONG HARI
Church of Christ the King
2221 Ang Mo Kio Avenue 8
Contact Persons: Allan Sato / Ving RimandoTel no. 96548467 / 92278043

December 19, Wednesday, 8.00pm
SAN ALFONSO MARIA DE LIGUORI
Novena Church300 Thomson Road
Contact Persons: Ian Flores / Rey EstabilloTel no. 98215767 / 90863457

December 20, Thursday, 8.00pm
SAN FRANCISCO DE ASISSI
Church of Saint Francis of Assisi
200 Boon Lay Avenue
Contact Persons: Alda Victoriano / Yolly LigonTel no. 97621594 / 94876534

December 21, Friday, 8.00pm
INA NG LAGING SAKLOLO
Church of Our Lady of Perpetual Succour
31 Siglap Hill
Contact Person: Nona del MundoTel no. 98343591

December 22, Saturday, 8.00pm
BANAL NG ISANG-TATLO
Church of the Holy Trinity
20 Tampines Street 11
Contact Persons: Zap/Marie ZapieraTel no. 82881025 / 94783985

December 23, Sunday, 8.00pm
SAN MIGUEL ARKANGHEL
Church of Saint Michael
17 Saint MichaelRoad
Contact Person: Fr. Angel Luciano, CICMTel no. 63920592

December 24, Monday, 7.00pm
SAN PEDRO AT SAN PABLO
Church of Saints Peter and Paul
225A Queen Street
Contact Person: Jenny AranconTel no. 62563163

Tuesday, November 13, 2007

little kuya with a big heart for little baby...

kahapon, ako e nagliligpit ng aking scrap room.

hetong si little bebe, ayaw magpalapag kahit tulog na. pag nilalapag sa kama nagigising. so ginawa ko ibinalot ko, at pinagitna ko sa dalawang unan. (utuin ba ang bebe. hehehe)

sa liit ng little bebe, hindi sya napansin ni little kuya. so ask ni kuya, mommy asan si baby? sagot ng malditang nanay "ay, wala na. tinapon ko na. makulit kasi e. pinamigay ko na ke uncle." (uncle = term sa mga mama (old men) dito)

susmio! palahaw ang kuya... as in WAAAAAAHHHHH to the max! at di sya tumahan sa kaka-palahaw hangat idi nya nakita ulit si bebe. ehehehe...

tapos kanina nasa ospital kame para sa aking post natal check up....

pagpasok pa lang sa lift (matandain sa lugar si kuya) hinawakan na ako agad ni kuya sa kamay sabay sabi sa akin ng "mommy, wag mo iiwan si baby sa mga nurses ha." natatandaan pa nya na dun naka confine si baby ng maiwan dahil sa jaundice.

love na love ni kuya si baby... sana talaga hangang pag-laki nila. baka pag marunong ng mang agaw ng laruan si baby e si kuya na mismo magpamigay ke baby ke uncle o kaya sa mga nurses. hehehe

Tuesday, November 06, 2007

Birthing Story of Rou

Nov 5 ang aking EDD.

Pero dahil sa kagalaan at katakawan, Oct 22 ay nagcontraction ako. So, punta hospital, monitor monitor. Me contractions nga ako and 15min apart na sya. So inadmit na ako. Oh well, false alarm! (Just got the hosp bill for the false alarm today at naku! ang mahal pala ma-false alarm... hayyyy)

Then Oct 26, medyo nagco-contract na naman ako. Mga 8am pa lang e ramdam ko na. Pero di ako nagpunta hosp agad kasi nahihiya na ako ma false alarm ulit. Sabi lang ni SIL punta na daw ako kasi parang maya't maya na ang AWWWWW! ko.... hehehe.

Dahil nakapasok na si hubby sa office, ang nagdala sa akin sa hosp ay si SIL at BIL. Tinawagan ko na lang si hubby at sabi ko magkita kame sa hosp. At kabilin-bilinan ko e mag taxi na sya! Kay panganay kasi, tama bang mag bus pa papunta sa hosp. :p

Pag dating ko sa hosp, chineck nila ako. At ayun na nga, ako ay 4cm na. So need ne ako i-admit. At sabi sa akin nung doc na naka-duty, "ikaw di ba ung andito nung lunes na inadmit at pinauwi rin." Gusto ko sagutin ng HMPPP! oo ako nga un. At dahil ako e nagco-contract na nga, ang nasabi ko lang ay... uh-huh!

So direcho sa delivery suite... dahil di pa naglu-lunch si hubby, pinakain ko muna sya dahil baka mahaba habang antayan pa. At syempre, tulad ng ke panganay missing in action na naman sya ng mag datingan ang mga doctor. ehehehe. Ni-burst na nila ung water bag ko para daw bumilis na ang pag dilate ko. E di ko na kaya ang sakit kaya ayun epidural ulit... At ng mag 10cm na ako, kahit anong push ko tulad ng kuya nya di ren bumaba ang aking iho hangang sa bumaba na ang heart beat at kailangan na ulit akong i crash CS... hay hay hay... sawi naman sa pag attempt mag normal delivery. =(

Pagdala sa akin sa operating room, paglagay sa akin ng pampatulog, wala na ako natandaan. Pag gising ko, nasa recovery room na ako. Di ko na narinig umiyak si bunsoy.

Idol ata ang kuya nya talaga dahil bukod sa pareho sila ng way ng paglabas na emergency CS, ay pareho ren sila me jaundice. Naiwan pa ng 2 days si bunsoy sa ospital. Dahil nga kailangan i-photo therapy. =( Pero ngayon mabilis ko na natanggap na kailangan nya maiwan sa hosp, di tulad ke panganay ay naku para na ako namatayan sa kaka-iyak!

Habang nasa ospital naman kame ay sobra ko naawa ke panganay at naku iyak ng iyak pag uuwi na, dahil ayaw kame iwan ni bunsoy dun. Gusto nya magka-kasama na kame umuwi at miss na daw nya si mommy. Kung pwede lang hatiin ang katawan tulad ng mananangal siguro ginawa ko na. (Upper half ke bunso, kasi mag breastfeed sya.Lower half ke panganay para makalakad pauwi. hehe)

Sa mga nagtatanong kung ano feeling ng dalawa anak, well mahirap na masarap. Masarap kasi dalawa na bunga ng pagmamahalan nyo ni hubby. Pero mahirap kasi dalawa na ren ang alagain. (3 na actually, isama na ang tatay! hehehe)

May tatamis pa ba?

Sana lagi silang ganito...para tahimik ang mundo ko. :p


Iisa ang hulmahan!




Saturday, November 03, 2007

Nung ako ay buntis pa....

syempre tama bang nauna ang baby pictures kesa sa buntis pics. :p

one day, isang araw napag-tripan ako pag-practisan ng aking asawa at ng aming magaling na kaibigang photograper na si rey tuazon.

at ito po ang kinalabasan. =)

Buntis Pics

Thursday, November 01, 2007

Monday, October 29, 2007

Tuesday, October 16, 2007

suwail o masunuring anak?

last saturday, binigyan ako ng baby shower ng aking mga kaibigan. isa sa mga gifts e sippy cup na korteng penguin. at dahil addict ang little boy sa surf's up na movie, inangkin na nya ung sippy cup.

nung matutulog na, pinilit nyang gamitin ung cup. dun nagpa-timpla ng dodo. sabi ko hindi pwede, dahil nga di naman un pang-dodo. e mapilit, e di sige na nga. eto na, tulad ng inaasahan ko, tumulo na nga. so kutaku-takot na sermon ang inabot ni little boy.

"ayan... sinabi ko na kasi sayo na di yan pang dodo. gamitin mo na lang yan sa umaga, pagkakain ka na lang sa table. di yan sinabi pwede gamitin ng nakahiga kasi tatapon. naniwala ka na ke mommy? ang kulit mo kasi e. blah blah blah blah!"

eto na ngayon, pagsapit ng madaling araw, humingi ulit ng dodo. e me laman pa si sippy cup. at dahil kasarapan ng tulog, tinatamad bumangon ang nanay. so sabi ko, dede-en na nya ung nasa sippy cup. ang sagot ng aking iho "ayaw. sabi mo di un pwede dodo. timpla mo ako mommy sa bote." at kahit anong pilit ko, ayaw talaga! hayyyy.... di ko napilit!

so, masunurin ba o suwail na anak?

Friday, October 12, 2007

no future!

kahapon ask ko si little boy kung meron ba sya natutunan sa playgroup nya. sabi nya meron daw. sabi ko sige nga, ano natutunan mo sa school. songs daw. so nanghingi ako ng sample, pinakanta ko. eto ang kanta nya....

shalala... getting ready to go home... to go home...
say goodbye to teacher... say goodbye to friends...

alamak! paktay talaga, tama bang pang uwian na song ang tanda nya... haaayyyy...
kabahan na talaga ako...

Friday, September 28, 2007

Lost in Translation

Kahapon naka leave ako. E walang magawa ang butihing nanay, kaya ayun napraning na naman ako at sinubukan ko turuan si little boy ng chinese language. (wehehe, di po ako marunong talaga. ang tinuro ko lang magbilang ng 1-5, how are you, thank you at i love you in chinese)

na pick-up naman agad ni little boy. kaya sabi ko sa kanya chinese na sya, at ang pangalan nya e yao ming na! (bakit yao ming? wala lang. un pumasok sa isip ko e. hehehe) galit na galit ang aking little boy. hindi daw sya chinese. tagalog lang daw sya at ang name nya e MEG lang... meggy meggy lang daw sya.

Ask ko sya bakit ayaw nya maging chinese? sabi nya kasi bad daw chinese. Sabi ko bakit, inaaway ka ba nila sa school? oo daw. sabi ko bakit, ano sinasabi nila sayo? sabi nya "ching chang ching chang cheee!!!!" (in complete chinese accent :P wehehehe) Siguro feeling nya inaaway sya kasi di nya naiintindihan mga ka-klase nya. ahehe.

Ngayon, ang bad ko... pag di nya ko pinapansin, tinatawag ko sya yao ming. Pag ayaw sumunod sa akin, tinatawag ko sya yao ming. Pag makulit, tinatawag ko sya yao ming.

Gawin ba panakot? ehehe.

Bad, Bad mommy!

Monday, September 24, 2007

e bakit nga ba hindi na lang ganun....

kwento kagabi ni yaya, pag gising daw ni little boy e hinanap ako at eto ang kanilang naging usapan...

little boy: ate, asan si mommy?
yaya : pumasok na sa office.

little boy: bakit sya pumasok sa office? di ba sabi ko sa kanya alagan nya lang ako.
yaya : e kailangan nya pumasok sa office kasi need nya mag trabaho, para me pambili ka ng food at ng mga toys.

little boy: e aalagan nga nya ako e.
yaya : e ako na nga ang nag-aalaga sayo di ba?

little boy: si mommy na lang aalaga sa akin. ikaw na lang ang pumasok sa office at mag-trabaho.

parang maganda ang logic ng anak ko ah... bakit nga ba hindi na lang ganun... di bale nakong malapit na... =)

Gano mo ako ka love?

Mommy : Gano mo ko ka love?
Little Boy : (Niyakap ako ng mahigpit.) Ganito kahigpit!!!!
Mommy : Gano kalaki love mo sa akin?
Little Boy : (Stretched his arms.) Ganito kalaki!
Mommy : E pag napapalo kita, love mo pa ren ako?
Little Boy : Hindi. Kasi pag pinapalo mo ko galit tayo nun.
Mommy : E bakit ba kita napapalo?
Little Boy : E kasi.... e kasi.... e kasi, bad ka!
Mommy : Ako ang bad o ikaw?
Little Boy : Ikaw, kasi ikaw namamalo e. Bad ang namamalo.
Mommy : Kaya kita napapalo, kasi bad boy ka di ka nakikinig ke mommy.
Little Boy : Makikinig na ako. Good boy na ako mommy. Sige bati na tayo. Love na kita ulit. (Sabay embrace ng mahigpit ulit...)

Hay... sarap maging nanay.... (pwera nga lang pag patid na litid mo sa leeg kaka-saway!)

Tuesday, September 18, 2007

ako ang nagwagi, kahit na ako ang sawi!

wagi! wagi! wagi!

hindi nya kinaya ang powers ko. hehehe.

good riddance! :p

yun nga lang, need ko mag work from home habang ako e naka maternity leave...

well ok na ren, i'd rather work from home that work with her!

yahoooo! i feel happy... oh so happy...

gusto ko tuloy mag ala sound of music sa talahiban ng serangoon! ahehehe....

"the hills are alive.... with the sound of music...."

Monday, September 17, 2007

PATALASTAS

Project : Greenwoods Executive Village
Location: Pasig City, Philippines
Lot Area: 185 sqm
Phase : 1G
Price : 6500 psm

***Only 15 minutes away from Ortigas Center.***

Tuesday, September 11, 2007

separation anxiety

nung isang gabi, natulog na si little boy sa sarili nyang bed.

waaaah! ako ang di nakatulog. to think ung kama nya, katabi lang ng kama namen.

as in di ako mapakali, parang me kulang sa akin.

kagabi dun na naman sya natulog. di na naman ako masyado nakatulog kaya ginawa ko, dun ako sa edge ng bed natulog. hawak ko kamay nya. ehehehe....

kala ko si little boy mahihirapan mag adjust. ako pala... naku pano na pag nilipat ko ito ng sariling kwarto... WAAAAAHHHH!

Friday, September 07, 2007

too much barnyard?

Little boy: Mommy, asan si daddy?
Mommy : Nasa office pa anak. Nagwo-work pa.
Little boy: Baka patay na sya.
Mommy : Hah?
Little boy: Baka kinain na sya ng wolf.


Okay anak, enough of Otis and Ben! (Father and son sa Barnyard Movie)

*****************

Little boy : (Yumuko. With sobrang sad face. ) Mommy, nalulungkot ako.
Mommy : Bakit anak?
Little boy : Kasi patay na si daddy. Kinain na sya ng wolf.

Anak, nararamdaman ko gusto mo talaga ipakain tatay mo sa wolf? Di ka naman galit sa kanya iho?

*****************

Tuesday, September 04, 2007

teacher said....

school holiday pala this week. di ko alam. buti na lang alam ni little boy.

ginigising daw kahapon ni yaya si little boy, ayaw daw gumising. so sabi ni yaya, "gising na papasok na tayo sa school." sagot ni little boy, "no. teacher said no classes on monday."

so, nagkakaintindihan naman pala sila ni teacher.

a love story

a love story - eto ang bagong pelikula ni aga, maricel at angelica.

nung sabado, napanood namen si angelica at derek na nagsayaw sa u can dance(na hindi talaga mukang sayaw). bigla na lang ang little boy ko mega emote at nagsambit ng "hindi mo sya kailangan, kailangan ko sya..." at talagang with matching tono pa ng boses ni angelica! napaisip pa ako nung una kung ano un. yun pala un ung dialogue ni angelica panganiban.

tapos, umakyat sa kwarto namen. pag labas, bitbit ang wedding shoes ko. (ung super taas at slim na takong) sabi nya.... "mommy! tignan mo o, pareho kayo ng shoes ni angelica panana-niban!")

mmm... di naman nya type si angelica ano... wehehehhe....

wala nga....

nag-away kame ni little boy nung nakaraang gabi. kasi naman pinaki-alaman ung ini-iscrap ko. sabi ko na nga wag galawin ang mga gamit ko, ginalaw pa ren. di pa nakuntento dun sa mga gamit ko na in-allow ko na gamitin nya. so ang siste, nasira si page ko. =(

so, mula noon off limits na sya sa room. kaya naman ng utusan sya ng daddy nya na tawagin ako, e nagkaron ng dahilan ang tamad na bata...."daddy, ikaw na. di ako pwede dun. bawal ako dun sabi ni mommy." so sabi ng tatay nya, lika samahan kita. hehe, ang bata di talaga pumasok sa room. sumilip lang sa pinto sabay sabi na..."mommy, sorry na. sleep na tayo. lika na."

hehe, natuwa naman ako at nagtanda.

kagabi, habang nasa scrap room ako ulit. pumasok ulit ang makulit na bata. so syempre sinabihan ko na agad.

"little boy, wag ka na naman makulit ha."

ang sagot ba naman e..."mommy, nakaupo lang ako dito. wala ako ginagawa sayo ha...."

hmp! dani dani kong toktokan. marunong na talaga mangatwiran!

Tuesday, August 28, 2007

Thank God!

In just a matter of 7 weeks me result na at positive pa!

Salamat talaga sa Maykapal!

Yahooooo!!!!!

Okay, next step....

Monday, August 27, 2007

Status....

Alamak!

Bakit ang bilis naman ng status?

Di pa ako prepared ngayon.... nuninuninuninu...

Anyweis, sana positive!!!! sana... sana... sana....

PiKornnnn!

etong aking si little boy, malakas mang-asar pero pikon naman.

nung isang gabi, matapos ang aming harutan at kulitan kasama ng tatay nya, aba biglang nagtampo. bigla na lang sabi galit at inis daw sya. biglang bumangon at naupo sa edge ng kama. so syempre ang nanay, may-i-amo sya...

mommy : little boy... lika na dito...
little boy: ayoko, galit ako.
mommy : bakit ka naman galit?
little boy : naiinis ako e.
mommy : bakit ka naiinis?
little boy : ang kukulit nyo e!
mommy : lika na dito, tulog na tayo.
little boy : di ako makatulog. (with matching emote na akala mo e problemado talaga.)
mommy : bakit hindi ka makatulog?
little boy : ang iingay nyo e!

wehehehe... tama bang kame pa ng tatay nya ang makulit at maingay.

oo anak, ganyan talaga ang buhay. sadyang mahirap mag-palaki ng magulang. :p

Thursday, August 23, 2007

que barbari....

pag may sakit si little boy like ubo, di ko pinapapasok sa school. kasi ayaw ko me mahawa pa sya na ibang kids.

e kahapon, si cousin E nya ang me sakit. so hindi papasok.

si little boy ren naman me ubo. pero not the usual na malalang ubo.

aba eto na... ask ng tito nya kung papasok sa school....sagot ni little boy...


" me sakit ako. mahahawa playmates ko. mahahawa sila classmates. di ako pwede pasok sa school."

wushuuuu! drama!

ask ulit ni tito... e sa goodluck pwede ka? (goodluck = supermarket)

little boy: "OPO!"

alamak! talagang mas matimbang si goodluck kesa sa school...

why o why....

Wednesday, August 22, 2007

iho con seloso

nung isang gabi, nag-ngangawa ng husto ang little boy. pano ba naman, magkatabi kame ng daddy nya sa bed. hindi daw kame pwede magkatabi. lumayo daw ako.

e syempre di naman pwede un. ang ginawa ko, sabi ko "oh sige, lalayo na ako. dun na ako ke yaya matutulog." tapos lumabas ako ng room at punta sa room ni yaya.

naririnig ko nag-ngangangawngaw ang bata. pero syempre need ng nanay pakatatag to teach him a lesson.

maya maya kumakatok na sila ng tatay nya sa room ni yaya at ang sabi sa akin ay "mommy, pwede mo na love si daddy."

ayan ganyan nga iho.... hindi pwede ang sobrang seloso....

kagabi sabi nya, mommy tabi ka na ke daddy. e di tabi naman ako... aba wala pa ata 1 minute, bigla na lang sabi e..."ok tapos na kayo magtabi. tabi na tayo mommy..."

parang naisahan na naman ako ah....

Monday, August 20, 2007

Rubik Cube Generator


http://www.dumpr.net/rubik.php >> Rubik Cube Generator... Gawa na ren kayo! hehe

Friday, August 10, 2007

tinatamad akoooooo!

hay naku, gusto ko at kailangan ko mag-trabaho pero di ko magawa! tinatamad akoooooo!

hangang kelan kaya ito... nuninuninuninu...

i need a break... i need a change...

Wednesday, July 25, 2007

i love you mommy...

nung friday night, habang nasa east coast park kame kinukulit ako ng kinukulit ni little boy na bumalik sa playground. sa kaka-kulit nya kahit naiinis ako pumayag na ren ako...

so hawak kamay kameng pumunta sa playground.... bigla nya hinalikan ang kamay ko .
(ewan ko kung sadya nya halikan kamay ko kasi magka hawak kamay kame o dahil un lang inabot ng nguso nya, hehe)

sabay sabi ng...

"mommy,thank you.ang saya saya ko pag dinadala mo ako dito. love na love kita mommy. "

awwww.... alis lahat ng inis ko sa kanya... hehehe...

Tuesday, July 24, 2007

Zengki : Tagapag tangol ng mga naapi

Kahapon, sinumbong ni teacher si little boy. Lagi daw binu-bully si cousin E sa school nya. (classmates kasi sila ni cousin E sa playgroup)

Pagkakita pa lang nya sa akin kahapon aba e pinangunahan na ako. Sabi saken, "mommy di ko ina-away classmates ko!"

Sabi ko "alam ko, kasi si cousin E ang inaaway mo. Bakit mo binu-bully si cousin E, di ba dapat ikaw nag-tatangol sa kanya sa school pag me nang away sa kanya?"

Ang mabilis na sagot ng aking iho....."bakit ako magtatangol mommy, ako ba si zengki?"

Hayyyy..... katwiran.... susko, talaga naman... pano pa kaya pag katorse anyos na ito... makukutusan ko na talaga.. .

Sunday, July 15, 2007

schoolboy na ang aking little boy.

ang bilis ng panahon... pinasok ko na sa playgroup si little boy... in preparation para sa pasukan next year... mag nursery na kasi sya.

since tagalog namin sya sinanay sa bahay it's about time para ma expose na sya sa singlish. sa ngayon kasi, english ni barney at ni hi-5 ang alam nya.

1st day of school, ngawngaw daw at ayaw paiwan sa yaya.

2nd day of school... pwede daw bang si teacher na lang ang papuntahin sa bahay...(hmmm... masamang senyales ha... di naman sya tamad ano po?)

3rd day of school...sa goodluck (supermarket) na lang daw sila pumunta at wag na dumaan ng school. (Eh anak, ang dinadaanan ang market at main lakad e ang school. baligtad ata iho ang pagkaka-intindi mo.)

4th day... ayaw gumising, at antok pa daw sya!

5th day of school... ako ang sumundo. pagka-kita sa akin tinulak si teacher. so ang nanay nagtanong, anak bakit mo naman tinulak si teacher. ang sagot, "Eh nakaharang sya sa pinto eh!"... Hay, I know anak... pero naman naman.. say excuse me teacher.... ok...

simula pa lang to playgroup pa lang... inhale... exhale...




Oh lord... ano ba ito...

Tuesday, July 03, 2007

tabi ni yaya...

kagabi...

little boy : close na ang ilaw pleaseeee....
daddy : sino gusto mo mag-patay ng ilaw?
little boy : si mommy!
mommy (tinatamad) : sige, pag ako nag-patay ng ilaw dun na ko matutulog sa tabi ni yaya...
little boy : ayaw ko! ayaw ko!
mommy : sino gusto mo mag-patay ng ilaw?
little boy : si daddy!
daddy (tinatamad rin): sige, pag ako nag-patay ng ilaw dun na ko matutulog sa tabi ni yaya...

mommy : errr, mahal... bakit nung ikaw nag-sabi nun parang iba na ang dating?


ehehehehe.....

Tuesday, June 26, 2007

pag me lagnat ka, me lagnat ang buong katawan!

nilalagnat si little boy, dalawang gabi na. me mga gamot ng binigay si doc kaya medyo ok, ok na sya.

kagabi, sumakit ang tyan nya. ask nya ako... "mommy, bakit masakit ang tyan ko?" explain ang nanay sa abot ng kanyang makakaya...."e kasi di ka kumakain, tapos subo ka ng subo ng daliri mo. ayan siguro nagka germs ang tyan mo kaya masakit."

ang sabi nya lang... "hindi, me sakit ako. me lagnat ako e. masakit tyan ko kasi me lagnat din sya."

sabi ko nga e! nagtatanong pa kasi sa nanay e....

93 days and counting...

93 days na lang...nuninuninuninu...

Sunday, June 24, 2007

Ross (of friends) in the making...

ang aking iho, nagpaalam sa akin na maglalaro sya ng pulbos. akala ko naman e mag-pupulbo lang so I said ok. tapos nahiga na ako sa bed. nasa sahig sya sa paanan ng bed so di ko sya nakikita. pag tayo ng tatay nya, napakunot noo sabay sabi kay little boy ng "ay ano na naman ang ginawa mo..." aba pagtingin ko lahat ata ng pulbos nasa sahig na. as in lots and lots and lots of baby powder... so inulit ko ang sambit ni mahal "ay little boy, ano ang ginawa mo!"

ang sagot : "i'm looking for dinosaur bones mommy."

ang tangi na lang namen nasabi ay" ok... when your done, linis pagkatapos ha." di ko kasi alam pano magalit sa ganung pangangatwiran? :p

Tuesday, June 19, 2007

Mangan Tayon (Kain Tayo)

Got this from Mama Mee... Sabi nya, "Kung alam mo kung ano ang swam mais, you’re tagged!" Hindi ko alam kung ano un, pero gusto ko pa ren sagutan ang mga tanong nya. Ehehehe.
Ano ang iyong almusal kanina?
Isang piraso ng lumpiang shanghai. Actually di pa ako nakain ng totoong breakfast, nasa meeting pa kasi ang ka breakfast ko.
Ikaw ay may itlog — nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?
Lalagyan ko ng mayo, at ipapalaman sa tinapay!
Ano ang paborito mong local na junkfood?
Chippy at clover.
Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling)

Appetizer: Celery, cucumber and Carrots with thousand island dip
Soup: Tom yam soup.
Main Course: Chili Crab, Calderetang Beef, Prawn in Cereal, Pork Ribs with Mash Potato and Corn on the Cob, Steamed fish, Baked Chicken , Tuna Pasta and Paella Negra.
Dessert: Leche Flan, Buko Pandan and Fruit Salad Espesyal.

(naks! yabang ko ba! hahaha!)

Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?
Hog's breath. Dahil natatakam ako sa steak nila. Yum! Yum!

Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?
7107 - newly opened pinoy resto here in SG. Kaso sabi sa feedback para lang daw kumain sa Lucky Plaza kaya esep esep muna.

May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
IPIS!

Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
ChickenJoy Manok, Burger Steak at Peach Mango Pie!

Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?
Pakuluan ang baboy sa kamatis at sibuyas hangang lumambot. Then lagay ang gabi, pag malambot na ito durugin para medyo malapot ang sabaw. Then add the sinigang mix at mga gulay like okra, sitaw at talong. Huli na ang kangkong at siling mahaba.

Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?
Catchup lang solve na ako!

Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?
Ehehe, e di sa dugo ng baboy. Pero dito sa SG ang pinangluluto namen ung nasa lata na. Dinadagdagan lang namen ng baboy at tinitimplahan ulit. wala kasi dugo dito e.

Kung nagutom ka after mo basahin ito, you’re tagged!

I've been tagged by Litcoo!

I must post the rules, 7 random things about me and then tag others to do the same. Sound fair enough, right? These are the rules… each player starts with 7 random facts about themselves on their Blog. People who are tagged need to blog 7 facts about themselves and post the rules as well. At the end of their blog list 7 people you are tagging. Let them know that they are tagged by leaving them a comment.

1. Though 9 years na ko sa IT, di ako nag-eenjoy sa work ko.
2. I've lost faith in the Philippines.
3. Buntis ako at another baby boy na naman.
4. Meron ako ina-aaplyan and I am doing it for my husband.
5. Though I've lost faith in the Philippines, gusto ko pa ren dun mag retire. (Weird ba. ehehe)
6. Used to be 130lbs+ at pumayat ako sa after 6 diet.
7. Laki ako sa lola kaya masungit ako. hahaha!

I'll tag : Cez, Mia, Star, Cynch, Mel, Marie, Ems

Monday, June 18, 2007

blue or pink?

minsan tinanong ko si little boy... ano ang gusto mo, baby boy or baby girl? ang sagot nya...



little boy : mommy, i want a blue baby. i don't want a pink baby. pangit ang pink baby. para syang si patrick pag pink baby...( kumpareng star fish ni sponge bob)

Wednesday, June 13, 2007

Lesson 101 para sa mga maders.

Wag sasabihin sa anak na may lakad kinabukasan.

hay, hay, hay...

Dahil medyo me sinat si little boy nung biernes, pinilit namen painumin ng gamot. E di ko kaya ang ginagawa ng iba na pinipisil ang ilong ng anak para daw dire-diretso ang pag inom ng gamot. So ako dinaan ko sa reward. Sabi ko pag uminom sya ng gamot, aalis kame "bukas" (family day kasi ng office namen kinabukasan nun, kaya sure ako na aalis kame) So, pikit mata nyang ininom ang gamot.

Akala ko naman wagi na ang tactic ko. I was wrong! HUHUHU.... Binawian ako ng pagka tuso ko.
Sobra late na ayaw pa matulog. And ng finally matulog na sya e naman! Alas tres ng madaling araw gising na... EXCITED! Kung ano anong excuse ang ginawa para di na matulog.

"Mommy, wiwiwi ako."
"Mommy, dodo please."
"Mommy, touch ko si baby."

"Mommy, wiwi ako. (na naman! sabi ko siguraduhin mo iihi ka ha dahil kung hindi, HMP!... kaya naman ng nasa toilet na sya sabi nya ..."shi-shi... shi-shiiiii." ahaha! pilitin bang maihi!)

Hay karindi, mommy ng mommy! Tumigil lang sya ng sinabi ko na galit na talaga ako.
Pero di pa ren sya totally nakatulog, kasi ng maligo ako ng 8AM, aba gising na ren ang kutong lupa! Excited talaga!!!

So niliguan ko sya, abah himala ng himala....ng maliguan na at nakapag bihis na sya sabi ba naman "mommy, hele mo ako kasi antok ako."

Aba, eh sigurista! Ng alam na nyang sigurado sya na kasama sa pag alis e prenteng prenteng natulog. Gumising ng andun na kamesa venue. Ayus!

a kiss for sleeping beauty....

kagabi antok na antok na ako. so ako e nakapikit na.

etong si little boy, pilit na nag-susumiksik sa akin. so sabi ko,"Little boy, ano ba? Natutulog na ako!" At natunaw ako sa sagot nya, na nasa tono kung pano ko sinabi na natutulog na ako. hehe.

Sabi nya... "Iki-Kiss ka lang e!"

Nakunsensya naman ako, sabi ko oh sige kiss ka na. Tapos ni kiss nya ako sa pisngi, with matching haplos pa sa noo sabay sabing "goodnight mommy..."

Sungit kasi ng nanay e....

at oo ako ang nasa title na sleeping beauty... walang aangal kasi blog ko to! wehehehe.

Monday, June 11, 2007

I won! I won!

Sabi nila swerte daw ang buntis. And totoo nga, kasi nanalo ako ng first prize sa lucky draw ng family day namen. Wohooooo! Eto mga bago kong babies! =)





Thursday, June 07, 2007

caught in the act!

pag nakatingin si mommy, love na love nya si cousin E....


pero pag sa ina-akala nyang di naka-tingin si mommy...









































Monday, June 04, 2007

RPL

This RPL is killing me softly!

Monday, May 28, 2007

my little pirata at iba pa....

me pirata fever ang anak ko. ilang gabing iningit ingit sa akin na bilhan ko daw sya ng pang pirate (arrrrr!). yep with matching arrrr! talaga....

nung unang gabi, ang gusto daw nya ung eye patch.
sa ikalawang gabi, gusto daw nya yung me kasamang hat.
nung ikatlong gabi, gusto daw nya me belt.

e di bago pa dumaan ang ika-apat na gabi at dumami ang hiling e binilhan ko. tuwang tuwa ako kasi me nakita ako sa toysr'us na pirate set. me hat, vest, eye patch, belt, sword at pistol.

naisip ko matutuwa si little boy, kasi ako natuwa e dahil sa tingin ko kumpleto na sya.

aba pagbukas, ang sabi ba naman... mommy, bakit walang treasure chest?

nyerks! di pa ren pala kumpleto si mommy!

**************************************************

Little Boy: Mommy wag mo na ko ilo-love ha. (i-embrace)
Mommy : Bakit?
Little Boy: Kasi.... nap-press ako e!

**************************************************

Dumalaw kame sa isang relative ni Mahal.

Nagkkwento si little boy in tagalog. Eh sabi sa kanya ng tita, "I don't understand tagalog, speak in english." Aba, ang aking iho nag-english nga! At ang sabi nya...."I DON'T LIKE YOU!"

Oh Lord.... gusto ko matunaw sa upuan ko and at the same time, proud sa anak kasi marunong sumagot. Ang ayos ayos naman nga kasi nyang nagkkwento in tagalog e, pilitin ba daw mag english. Ehehe.

Thursday, May 24, 2007

Pirates of the Caribbean Coda

Finish the credits... yes, there is a coda.

my super seloso iho

addict ako ngayon sa teleserye na walang kapalit. pano e gwapong gwapo ako ke piolo.
PERO di pwede marinig ng aking little boy yun. pag narining nya na sinasabi ko ng ang gwapo gwapo ni piolo, kahit ano pa ginagawa nya kasehodang naglalaro or umiiyak, titigil sya para sumigaw ng HINDI GWAPO SI PIOLO! PANGIT SI PIOLO!!!! at pag tinanong mo naman sya kung sino ang gwapo, ang sagot nya ay... AKO! (with matching pogi pose) ehehe.. di naman sya masyado bilib sa sarili ano po....

********************

minsan habang nanonood ng american idol....

me : gusto ko yang si blake.
little boy : mommy, di ba ang gusto mo si daddy?

ehehe.... si daddy na ang pinang tapat, di na siguro kinaya ng pogi powers nya si blake... :p

Sunday, May 13, 2007

Thursday, May 10, 2007

Programmer by day, MUA by night...

yep... me bago ako kina-career. hehehe.

ang aking photographer friend (one of my wedding photographer)e walang make up artist na makuha. kaya last minute, he asked me kung pwede ako. marunong ako mag make-up pero, para sa sarili lang. since sabi nya practice lang naman daw nila un, e di sige na nga. practice ko na ren. hehehe... ( sa totoo lang tense ako, kasi baka mamaya pumangit ang shoot nila dahil sa make-up ko sa mowdel, e sayang naman ang effort nila! ang tagal pa naman nila i-set ang studio. )

we had 3 sessions... casual, formal and (lolita) gothic look....

the pictures can be found here.... http://www.photonski.com/masteroppuppets/Camille2

sa may19 daw, me shoot kame ulit. kelan naman kaya nya ako kukuning mowdel? mangarap ba! hehehe....

Thursday, May 03, 2007

mahirap magpalaki ng magulang.

kahapon tumawag ang yaya ko. gusto daw ako makausap ni little boy.
sabi ni little boy, "mommy inuubo ako (ubo! ubo!) at me sipon(singhot! singhot!). bili mo ako ng gamot. yung blue, orange, green at pink. (mga gamot na binibigay ng pedia nya.)

so sabi ko sige. e ng nasa drug store na ako nagdalawa isip ako, kung talaga ba inuubo sya o' nag iinarte lang. so naisip ko pakiramdaman ko muna pag uwi ko tapos saka na lang ako buy ng gamot. since meron naman ako vicks na pang ubo sa bahay.

eto ngayon, pag dating ng gabi. inuubo na nga sya. so hinanap nya mga gamot nya. sabi ko di ako nakabili e. bukas na lang. haplos na lang muna ng pagmamahal. aba tama bang litanyahan ako!
sabi nya "di ba tumawag na ako sayo. di ba sabi ko bili mo ako ng gamot. me ubo ako oh. (ubo! ubo! - yes with matching ubo talaga) bakit di mo ko binili? tumawag na ako di ba?" sosko, gusto kong sabihin.. sige masama na akong ina! pabaya! maglalayas na ako! huhuhu... pasensya na anak, tao lang!!!!

lekat oo, 3yo pa lang yan!

Sunday, April 29, 2007

Who's Bad . . .

Sa bday party na pinangalingan namen kanina, sinalang ang mic, e walang gusto kumanta. So ang anak ko ang dumampot ng mic. Sinimulan nya sa A,B,C... na sinundan ng twinkle, twinkle little star.

Aba, maya maya lumapit sa tatay nya at nag request pa. ("Daddy dusto ko ung nikakanta mo...")

Eto po ang kanta nya...
(To the tune of Michael Jackson's Bad)

Nana nayn...
Nanana..
Nana ace...
Nana ayt...

Nananana...
Nanana mayn...
Nananana.
Come On, Come On,
Nana Ayt....
Nananananana Tee
Nanananana Be. . .
Nananananananana
Nananana
Nanana
Nanananana mit...
Nanananana
Nanananananana
Nananananana

Because I'm Bad,
I'm Bad-I'm Bad (Bad Bad-Really, Really Bad)
You Know I'm Bad, I'm Bad-You Know It
(Bad Bad-Really, Really Bad)
You Know I'm Bad,
I'm Bad-I'm Bad,
You Know(Bad Bad-Really, Really Bad)
I'm Bad-I'm Bad,
You Know(Bad Bad-Really, Really Bad)
Nana,Who's Bad . . .

I'm BAAAADDD!!!
I'm BAAAADDD!!!
I'm BAAAADDD!!!

Syempre kahit chorus lang ang alam ng anak ko e proud na proud na nanay ako! hehehe...(13 years na lang pwede na sa Pinoy Dream Academy, wahahaha!) Yun nga lang medyo me onting fear akong naramdaman dahil feel na feel nya ang pagkakasabi nya ng I'm Bad-I'm Bad, I'm BAAAADDD!!! wehehehe...

Wednesday, April 25, 2007

malditang nanay vs. malditong anak

kahapon, pinapatulog ko na si little boy. aba ayaw matulog. sabi ko matulog na at gabi na nga. ang sagot ba naman ay "mommy, di na kita love!" abah! abah! tong kutong lupa na to. marunong ng sumagot sa nanay!

tapos tinawag nya ulit ako, "mommy!" sabi ko, bat mo ko kinakausap? di ba di mo ko love. wag mo na ko kausapin. bawal ako kausapin.

tawag sya ulit..."mommy! mommy!"

sabi ko, wag mo ko kausapin dahil di mo na ko love. ang pwede lang kumausap sakin ung love ako.

matapos ang 5 segundong katahimikan, sigaw sya bigla....

"mommy! mommy! LOVE KITAAAA!!!!"


ayan! matutong sumagot ng tama.

aba! e mananalo ba naman sya sa malditang nanay! HMP!

knock! knock! anybody home?!.

nakupo nanang!

ang aming dalawang yaya e na lock sa labas ng bahay kasama ang dalawang bata. (si little boy at si E, ang aking pamangkin)

nag text ang aming house agent..."ur neighbor called. ur maid and son was locked out of the house."

kala ko joke, kasi duh pano naman sila ma lock sa labas, e bago mo ma lock sa labas ang pinto, kailangan mo ng susi. kung na lock mo sa labas, e di ibig sabihin me susi ka. at kung me susi ka e di hindi ka locked out sa labas.

ang nangyari pala, ng papasok na si SIL sa office, humabol ang anak na si E. So sabi ni SIL, ihatid sya sa bus stop. Tapos sabi ni little boy, sama ren sya. E di 4 silang naghatid ke SIL. ang naiwan sa bahay si BIL. e papasok na sa office si BIL, so ni-lock nya si door.

Ayun, naiwan ang 4 sa labas ng bahay. Aiyoh!

So ng malaman ni BIL na na lock yung apat sa labas, umuwi ulit sya. E kaso wala ang apat!

Asana sila? Sabi ni kapitbahay, pinahiram daw nya ng pera ang mga yaya para pakainin muna ang mga bata. So, malamang kumain sila sa labas. (malamang sa labas nga, kasi nga na lock sila sa labas e)

Alamak! E baka 6pm pa umuwi ang mga yun at isipin nila na 6pm pa kame nauwi.

Friday, April 20, 2007

oh hindi!

huhuhu... tama bang lumipat si office... at sa napakalayo na serangoon.

nearest bus stop is 10min walk (given na mabilis ka maglakad, pero kung tulad ko na buntis na tatamad tamad e that would take 15-20min)

nearest foodcourt is 10min walk (given ulit na mabilis ka maglakad, pero kung tulad ko na buntis na tatamad tamad e that would take 15-20min)

at my goodness... under the singapore sun! double, huhuhu!


reason for resigning:
my company moved to a new office and they didn't tell me where!

Monday, April 09, 2007

Relax... Ok lang yan....

Sabado ng gabi, ako ang on-call at naatasang mag-migrate ng sandamakmak na projects...
So inabot na ko ng siyam siyam...

Lapit ang aking iho...

Little boy: Mommy, ano gawa mo?
Mommy : Hay naku anak, dun ka muna ke yaya. At nagwo-work si mommy. Ang dami dami. =(

Little boy: Relax, mommy. Ok lang yan... (With matching tapik pa sa likod ko sabay alis!)

Minsan napapaisip ako kung 3yo lang nga ba tong batang to!

Monday, April 02, 2007

big boy na ang little boy ko. =(

kahapon, ang little boy ko bigla na lang nagsabi ng "mommy, papa-kalbo ako ke uncle!" meaning papagupit sya sa barbero. pinagupitan kasi ng nanay ko ng nasa pinas kame sa barbero, aba at nawili ata.

so dinala namen kahapon sa barbero. nakakatawa, sabi nya, "mommy di ako takot." e di sabi ko maupo na. biglang sagot ng.... "si daddy muna!" ahahaha. hindi daw takot pero si daddy muna.

nalungkot nga ako ng ginugupitan sya, kasi big boy na ang anak ko at di na ubra na ako ang nagugupit. dati pag mahaba na buhok nya sasabihin nun "mommy, gupitan mo na ako." ngayon request na nya si uncle. =( (uncle tawag sa mga old men dito. auntie naman sa mga old ladies.)

huhuhu.... one task na di na nya kailangan si mommy.

****************************************************

kahapon, nagccramps ang tyan ko. ask ni little boy bakit daw.
sabi ko kasi si shemuel magulo.

eto ang sabi nya sa tyan ko...

little boy : "shemuel, behave. wag ka magulo dyan."
little boy : "mommy, bakit kasi ayaw pa nya lumabas dyan sa tyan mo?"

****************************************************

kahapon rin, na miss ko ang baby ko. so tinawag ko syang baby. na lubusang kinaiinis ng tatay nya. ahahha. hindi na raw baby ang aming 3yo! (hmp! e sabi ko nga baby ko to hangang 16yo.)
ang sagot ng aking iho...

little boy : "hindi na ako baby."
mommy : " e ano ka na?"
little boy : "big boy na ako."

mommy : (gustong umiyak! waaaaaah!)

Wednesday, March 28, 2007

naisuka na si bebe.

2 weeks ago, ako e nag spotting. so kinailangan ko mag bedrest.so di ako pwede magpagala-gala sa bahay. as in, higa, kain, watch tv lang ako.

so si little boy atataka na, bakit matamlay at me sakit si mommy.

little boy: bakit ka nagsusuka mommy?
mommy: kasi me lumalaking baby sa tyan ko.

***suka si mommy***

pagbalik sa higaan...

little boy: mommy, gagaling ka na!
mommy: bakit?
little boy: kasi nasuka mo na si baby shemuel, ni flush na sya ni daddy sa toilet!

Sunday, March 18, 2007

Polvoron!

kagabi nahulog si little boy sa kama....

little boy: mommmmy!!!!! waaaaaahhhh!!!!! durog ang ulo ko parang polvoron!

Wednesday, March 14, 2007

Getting to know Simplymuah

Wifespeaks turns two this week! Ano pang hinihintay, sagot na rin! Dali!

THE BASICS:1. What is your (screen) name, and why did you choose that as your screen name?
– Simplymuah. Kasi ako ay simpleng tao, at isang simpleng mamayan lamang.

2. How long have you been married? Have kids?
– Civil - 3 years.
– Church - 9months
– 1 3yo little boy, and 6 weeks on the way.

3. What is your favorite color? And how has your color preference influenced your life (if it has)?
– AYAW KO NG PINK!

4. What are your hobbies?
– scrapbooking... or mas akma ang scrap-shopping?

5. What is your motto in life?
– Live life to the fullest!

6. Do you have pets?
– We have an arowana fish, and 2 parrot fish.

7. What are the three adjectives that best describe your spouse?
– Makulit. Pogi (sabi nya). Mabait.

8. Give three songs that best describe you.
– Ang hirap naman. To follow ang sagot.

9. What satisfies you about the work that you do?
– the $$$ that comes with it. eheheh. oo, mukang pera ako! ahahaha.

10. Do you blog? Where? Can we visit?
– Welcome to my blog.

CHIKAHAN:1. Define Love.
– Love

2. Kakaibang talento mo.
– I can put my whole fist in my mouth. And kaya ko abutin ng dila ko ang dibdib ko.

3. Share your adobo recipe.
– Igisa ang baboy sa kamatis at bawang. Then hanguin from the mantika, then pakuluan sa paminta, bawang, toyo at suka hangang lumambot ang pork at matuyuan.

4. Describe your current screensaver.
– Wala.

5. During your teenage years, what fad/s did you follow? Why?
– sosko, kailangan ba talaga nito? . ang mga cobra bangs syempre.

6. How many times have you had a broken heart? Which was the worst and how did you recover from it?
– mabait ako, di ako iniiwan. :p

7. If you could have a superpower, what would it be and why?
– Gusto ko ung power ng Click. (Universal Remote Control)

8. What frightens you about getting old?
– ang mauna ang asawa ko. ayaw ko mag isa. malungkot. =(

9. Do you have a guilty pleasure?
– sa ngayon, telenovelas. grabe! tama bang from 8pm to 11pm nasa harap ako ng TV! hindi ako to!

10. What’s your favorite chore?
– Cooking. Masarap daw ako magluto. :p Sabi lang nila.

11. Describe your wedding ring.
– Platinum. Na me gold na nakapalibot. Me name ng asawa ko, date ng civil wedding namen at SGP na nakaukit.

12. If you could have a tattoo, what would it look like?
– Fairy.

13. What book would you like to be made into a movie? Who would you like to star in it?
– Yung mga tema ng VC Andrews movie. Ung masalimuot. Kaso di ako bagay na artista. Baka malugi ang film.

14. Share something that you do not believe in.
– Hindi ako naniniwala sa mga kasabihan ng matatanda. (Iikot ang plato pag aalis, Sukob ng kasal... etc)

15. What qualities are important to you in friendship?
– Honesty.

QUALIFIED TRUE OR FALSE:
1. First love never dies.
– FALSE. It will die.... a natural death.

2. You can change your partner once you’re married.
– TRUE. Kung gagawin kang punching bag, or kung 4 kayong nagshe-share sa kanya hindi worth it para i-keep. You deserve somebody better.

3. The Philippines is worth it.
– TRUE. Naniniwala pa ren ako sa pinas. Kahit na sa loob ko feeling hopeless case na sya.

4. Women are moodier than men.
– TRUE. In my case. ehehehe.

5. James Yap is innocent (Sorry Kris!).
– FALSE. Duhhhhh! Bago sila magpakasal nakabuntis na ng EX, innocent pa ba un. Please lang ha.

6. 80s fashion is coming back.
– TRUE. 4inches belt. tights. basta, mukha silang 80's dito.

7. Angels.
– TRUE.

8. Good and bad luck come in threes.
– FALSE.

9. Destiny.
– TRUE. Pinagtagpo kame ng tadhana.

10. It is better to have love and lost, than never to have loved at all.
– TRUE. Sabi nga ni general alicante (flordeluna, ahahaha) mas gugustuhin kong magulo ako ng kasama kita, kesa tahimik ng wala ka. Yihiiii! ehehehe. Yuck! Jologs.

TIPS:1. What is you favorite skin care product?
– Clinique Dramatically Different

2. What do you do to keep fit?
– Naglalakad ako ng 12km 2x a week, syempre nung di pa ako buntis nun.

3. Where do you do your bargain shopping?
– Carrefour

4. Recommend an effective household cleaning item.
– Magic clean!

5. Sex.
– Female. (Hehe, cornyyyyy!)

Tuesday, March 13, 2007

too much teleserye!

kagabi nanonood ako ng teleserye na sana maulit muli sa channel 2.
ang scene, si glydel kausap si francis(asawa ni gloria). tapos dumating yung stepson at nakinig kila glydel.

eto ngayon si little boy...

little boy : sino un nasa likod mommy?
mommy: anak ni gloria. (di ko kasi kilala)

little boy : sino un nasa likod mommy?
mommy: hindi ko sya kilala anak. basta anak ni gloria.

little boy : sino un nasa likod mommy?

mommy: yaya, sino ba ung nasa likod?
yaya: si jake (real name nung artista)

mommy: si jake daw yun.

little boy : mommy! si BRANDON yun!

Tama ba na kilala ng anak ko ang mga character ng telenovela! Tsk! Tsk! Paktay tayo dyan.

Sunday, March 04, 2007

mother of two!

kuya na si little boy!

Saturday, February 17, 2007

life's like that!

Life is not fair!

....but God is.

Thursday, February 08, 2007

SEXY!

Nung isang gabi, naglalaro kame ni little boy ng dead or alive 2 sa xbox.
Ang mga fighters e mga naka 2-pc skimpy bathing suits!
Sabi ni little boy, "wow! mommy, sexy oh." (kabahan na ba ako at sa murang gulang na 3yo, alam nya kung ano ang sexy?)
Sabi ko, kasing sexy ba ni mommy? Ang sagot nya... "hindi, mommy. xbox lang sexy."

huhuhu... di talaga marunong magsinungaling ang mga bata.

Tapos kagabi, nakita nya ko habang nagbibihis.
Sabi ni little boy, "mommy! Sexy ah!" (palakpak tenga ni mommy syempre! wehehe)
Sabi ko, sino mas sexy ako o ang xbox?
Sagot nya...."XBOX!"

Waaaah! di pa kasi nakuntento sa unang sagot e. Ayan sawi na naman tuloy. huhuhu.

Wednesday, January 17, 2007

ang mga bata daw hindi marunong mag-sinungaling.

Mommy: Little boy, kakanta si mommy.
Little boy: Wag ka kakanta mommy.
Mommy: Bakit maganda naman boses ko ah.
Little boy: hindi mommy.

---------------------------------------

Little boy: Ano gawa mo mommy? (habang ako e nagma-make up)
Mommy: nagpapa-beauty.
Mommy: (after ko mag make up)Little boy, maganda na ba si mommy?
Little boy: hindi, mukha kang palaka mommy.

---------------------------------------

Little boy: uu ako mommy.
Mommy: ok.
(punta kame toilet, e ang tagal!)
Mommy: little boy, di ba sabi ko sayo wag magsisinungaling. sasabihin lang uu, kung u-uu.
Little boy: eh mommy, nagtago ang uu e. antayin naten. tatago lang sya. mamaya andyan na sya.
(atat kasi ang mommy e, sinabi ng patience is a virtue!)

Wednesday, January 10, 2007

na miss ko ang blog ko!

grabe! parang ang tagal kong nawala sa kamalayan. na miss ko ang blog ko. sobrang busy kasi during the holiday season.
2 weeks kame sa pinas. after 6 years, na pasko sa singapore, nanibago ako sa pasko at new year sa pinas. siguro kasi ngayon, dahil me asawa na ko. paroo't parito kame sa bahay ng parents ko at sa bahay ng asawa ko. nakakalito. lagi na nga kame me dala gamit sa sasakyan kasi di namen alam kung san kame aabutan ng dilim.
nag baguio kame at nag pangasinan. dumugo ang puso ko sa pangasinan. =( after 15years kasi bago ko ulit nakabalik dun. dati, tuwing summer vacation dun kame nagbabakasyon. nung pumunta kame ngayon dun, iba na ung nakatira sa bahay na gawa ng papa ko. feeling ko tuloy stranger kame dun. mabait naman ung tito ko na nakatira dun ngayon, he even offered na dun kame matulog sa loob ng bahay. kaya lang,syempre nakakahiya kasi nakaka istorbo na. senti lang ako, kasi parang kame ang naging stranger sa sarili namen na bahay. nakaka-sad lang. =( tapos pa, wala na ren ung acacia tree na lagi namen tambayan dun. pinaputol na nila. e mula magkamalay ako andun na ung puno na un. iba na itsura ng bahay. basta iba na. nalungkot talaga ako. parang alam mo un, dati pagpupunta ka dun makikita mo ung acacia tree, then maalala mo ung mga kababata mo. then pag punta mo, bigla na lang wala na ung puno. parang pati memories mo nabura. ewan, basta nakakalungkot na feeling.
then nakita ko ung ibang kababata ko. me mga asawa at anak na ren. ung mga bata ngayon dun di ko na kilala. dami ng tao. nag multiply na sila.
nakakatuwa naman na sa pagpunta namen dun, nakita ko na di maarte anak ko. kasi nga nag tent lang kame. wala naman sya reklamo. tuwang tuwa pa nga maligo sa poso. hindi naghanap ng shower or ng bed or ng aircon. sobrang tuwang tuwa sya makakita ng mga animals. (muka lang na-dead ang sisiw na "inalagaan" nya.sumalangit nawa ang kaluluwa nya.)medyo pumalya lang sya sa goat.... "mommy! mommy! horse oh!" sabi ko na lang, "anak bigger ang horse. goat yan. pareho lang sila na apat ang paa." :p
halong saya, lungkot, disappointment naramdaman ko sa pag uwi na ito...saya kasi na meet ko mga friends ko, lungkot kasi nga daming di ko ineexpect na pagbabago.... disappointment kasi wala pa ren pinagbago pinas... matraffic pa ren at mausok. =( well, hangang sa muli...