Friday, January 23, 2009

Ang aking mapagkalingang kuya.

Kagabi, ang kulit kulit ni bunso. Ayaw matulog. So, binitawan ko kunyari at si kuya ang niyakap ko. Sabi ko si kuya na lang ang eembrace ko kasi si kuya mabait kasi mags-sleep na.

Sabi ni kuya...

"Mommy, don't let my brother cry. Embrace mo na sya. Let him dodo na. Please, don't make him cry."

Syempre ang taba taba ng puso ko kasi ang bait ni kuya, love na love si bunso.
Well, un ang akala ko... may kasunod pa pala ang linya ni kuya.

"Please mommy, embrace him and make him dodo. Don't make him cry, cause pag nag cry sya iingay! Hindi ako makakatulog mommy!"

Nyah! Makasarili pala ang kuya. Kala ko naman concern sa kapatid. Concern pala sa sarili nya. Ay sus!

No comments: