Thursday, January 08, 2009

panganay vs. bunso

Ang aking bebe bunso at 14months ay hindi pa nagsasalita. Compared sa panganay ko na pagtuntong ng 1yo e nagsasalita na and at 1.5yo nakikipag converse na talaga. Medyo nakakapansin ang development ni bunsoy.

Are we worried? Hindi naman. Kasi reading from babycenter, on the right track pa naman ang development nya. Di mo nga lang maiaalis na mag-compare. Minsan maiisip ko lang, nagiging lax na ba kame sa development ni bunso. Or di na ba kame ganun ka excited sa kanya.

Well, hindi kame worried kasi so far naman alam ko nakakaintindi sya. Kasi, nauutusan naman na sya. (Child labor, ahehehe!) Alam nya pag galit ako. (Child abuse! :p ) Nakakatuwa nga sya pag me ginagawa na alam nyang off-limits e. Titignan muna nya kung nakatingin ako. Pag alam nyang di ako nakatingin, aakyat un ng hagdan or pupunta sa laruan (bike or scooter) ng kuya nya. At pag napansin na nyang nakita ko sya. Naku, titili na un with matching giggle at tatakbo papalapit sa akin para yumakap. (See, marunong maglangis sa nanay. hehehe!)

Marunong na rin sya gumaya. He can dance Madagascar's i like to move it, move it like his kuya.

Alam na nya kung ano ang gusto nya. And he won't stop crying or whining or shouting until he gets it.(Yep, that's the spirit!)

So, I think hindi naman sya late, maaga lang ang kuya nya. And are we still excited on his developments? Of course! Every child is different. Kahit na pa parehong first step pa un, magkaiba pa rin. Panganay took his first step at Lucky Plaza (of all places. hehe) and Bunso hid his first step from me. He would step in front of Hubby or tita or ninang. But never in front of me. He only showed it to me when he was able to do it in 3 consecutive steps. So, ke panganay I was waiting and coaching him to do it. While ke bunso, need ko magtago at manahimik para lang makita ang steps nya.

Minsan maitatanong mo, who do you love more? The brighter one or the handsome one? The unruly or the tame one. The cautious or the daredevil? The talker or the whiner? And kahit na anong comparison ang gawin mo. Hindi nangingibabaw ang isa. Pantay talaga sila. As in pantay. 50/50. Walang labis, walang kulang. Kaka-amaze.

Pag nakikita ko ang dalawa kong iho, napapaisip ako... siguro somewhere in my past, I have done something right for the Lord to give me these two wonderful boys. And I hope, maging tama rin ako ngayon at sa future sa pagpapalaki sa kanila.

***Sabi ng aking mahal... ang nagawa ko daw tama in my past e ang pakasalan sya...mwehehehe...sige na nga!***

1 comment:

Anonymous said...

pag marunong nang magbasa si meg, di yun papayag na sya yung *brighter one*, hehehe.