Nag 5yo na ang aking panganay last friday.
Nag punta kame ng Sydney at dun nag celebrate sa mga pinsan nya.
Nagkaron ng instant party. Dapat mag beach lang kame and magluto ako ng ilan putahe, ay naku biglang ang dami niluto ng tita nya. Biglang naging instant handaan tuloy. :p
Sabi ni little boy sa lolo nya, masyado daw sya nagsasaya. Natuwa naman ako.
Pero nung gabi, umiyak sa tabi ko. I promised him daw na ako ang gagawa ng lion cake nya. Ayaw daw nya nung cake nya. Hindi daw nya un kakainin. E this saturday ko pa lang un gagawin para sa playdate cum mini party kuno nya.
Naawa namam ako (at the same time natuwa, ehehe) kasi nag-eexpect pala talaga sya na ipag-bake ko sya. (Pressure! dapat talaga mag mukang leon ang cake ko kung hindi naku baka lalo sya maiyak pag nag mukang pussycat ang aking leon.)
Goodluck to me! Ang hirap maging tanging ina! Mwehehe...
No comments:
Post a Comment