Saturday, March 28, 2009

outwit, outsmart, outplay

Isang araw sa isang munting tahanan. Nagtatalo ang mag-ina.

Mommy : Brush your teeth na little boy.
Little boy: I'm hungry. I want to eat Mom! I want some oatmeal.

Mommy : Brush your teeth first.
Little boy : I want to eaaat!

Mommy : Brush your teeth first.
Little boy : Loser si mommy.

Mommy : Di ba sabi ko sayo, ayaw ko ginagamit mo yan word na yan? Walang loser. Everybody is a winner. You want me to use that word. Loser si little boy! Loser si little boy! (Patulan ba ang bata. eheheh)

Little boy (in tears ) : (Binato ako ng libro! aba! aba!)
Mommy : Akin na yang kamay na yan. (Pinalo ang kamay na nambato.) Bakit mo ko binato?

Little boy : Kasi tinawag mo ako loser e.
Mommy : Ako ba ang nanguna? Di ba sabi ko sayo wag ka mananawag nyan?

Little boy : E kasi ayaw mo ko bigyan ng food e.
Mommy : E di ba inuutusan kita na mag toothbrush. E bakit ayaw mo ko sundin?
Little boy : Cause you didn't say please. (ay talagang nai-bali!)

Mommy : Alright, can you brush your teeth pleasssse?
Little boy : Okay.

At habang sya ay nagto-toothbrush, si mommy ay nagawa ng oatmeal. And they lived happily ever after. the end.

Gising na!

Monday:
Mommy : Wake up little boy.
Little boy : Ako na gigising sa self ko. Okay?
---
Tuesday:
Mommy : Gising na little boy.
Little boy : Wala pang araw. Matulog pa tayo mommy. (Late na kasi mag sunrise at pa winter na!)
---
Wednesday:
Mommy : Gising na little boy.
Little boy : Five minutes. (Ala! namana na!)
---
Thursday:
Mommy : Gising na little boy. (Kasi papasok na.)
Little boy : Mom, don't disturb me. I'm tulog-ing!
---
Friday:
Mommy : Gising na little boy. (Kasi papasok na.)
Little boy : Pagtapos mo na mag shower mommy ako gigising okay?
---
SATURDAY :
Little boy at 6AM when I want to wake up late : GISING NA MOMMY! ME ARAWWWW NAAAA!
---

Anak ng patis oo... kelan kaya nya matutunan ang days!

Anana!

Si little boy ko maaga nagsalita. Si bebe boy ko 17months na, pero hindi pa rin nagsasalita. Bakit kaya? Ang nasasabi pa lang nya e, "Anana!" (Banana.. na nalaman ko lang na un pala un kasi, sabay turo sya sa tumpok ng Ananas...) Well, daddiii rin pala. Pero walang mommy. ahuhu.. =( Yoyoooo (Lolo)... hmm, meron na rin pala sya words.

Am I worried? Sa ngayon hindi pa naman. Kasi muka naman normal sya sa paningin ko.
Super happy sya pag dumarating ako. Tili with matching takbo palapit sa akin.
Pag me gusto sya at di ko maintindihan, naiyak sya at nagmamaktol hangat malaman ko kung ano ba ang gusto nya. Pag reading time na namin ni little boy, sumasampa rin sya para makinig. (At nasa timing naman ang pagtawa nya na parang naiintindihan nya rin ang story. :P )

So far I think he is fine. Naglalakad na sya. Actually takbo na. Isa na rin sya sa gumigiba ng bahay namin. Alam na nya makipaglaro sa kuya nya. Alam na mag-inarte. Nauutusan na.

And, okay rin naman na di pa sya nagsasalita. Para baby pa rin. Pag natuto na kasi magsalita sarap na toktokan e. hehehe

8 months and counting...

grabe, ang bilis ng panahon. 8months na pala kame dito.
lumaki na ang mga anak ko, lomobo na kame mag-asawa at oo, naiiyak iyak pa rin ako at minsan nagmu-muni muni kung bakit kame nandito.

well, bakit nga ba? sabi ni Lord e.

Nung nag-aaply kame dito, hindi ko inask kay Lord na sana ma-approve kame. (Though siguro, meron pa rin konting dasal na ganun kasi kakahinayang naman ung gastos namin. ehehehe) Ang dasal ko sa kanya, dalhin nya kame kung san kame nararapat. And after 6months, ayun dinala na nya nga kami dito.

So far, bukod sa hirap ko sa labada, plantsahin, linisin at pag aalaga ng mga chikiting ayos pa naman ako. nasa katinuan pa rin. =)

okay rin naman dito...
mas naging close kame as family. (kundi ba naman kayo maging close e kahit job interview bitbit ko sila!)
mas naging malapit kay Lord. (lahat ng di ko kaya pag-desisyunan, hinahayaan ko ng si Lord ang mag-desisyon for me.)

sa ngayon crossroads na naman, muni muni ulit. dasal dasal.
Again, bahala na si Lord. =) I know he knows what's best for me... for us.

Lord guide us. Let your will be done upon us. Basta kasama ka Lord, kahit saan. =)

Monday, March 23, 2009

What a way to start the day....

Bukas na ang driving test ko. At naku tama ba naman na ngayong umaga e muntik na akong mabangga. hay hay hay!

Hindi ko alam kung san nangaling ung isang sasakyan.
Nag check ako ng mirrors.
Nag head check ako.
Nag sign naman rin ako.

Wala talaga sya sa paningin ko, pag lipat ko ayayay! andun na sya sa tabi ko. as in inches apart na lang kame. feeling ko nga ung side mirror nya e pwede ko ng panalaminan. Buti na lang naikabig ko pakaliwa ng nagbusina sya.

grabe! feeling ko tumigil ang mundo ko.

sabi ni mahal, final test ko daw un para bago ko mag exam. at dahil daw nakapag react ako ng maayos e malamang pumasa na ako. putek! kung di ako naiwasan un, pagpunta ko pa lang sa testing center bagsak na ako. syempre makikita nung examiner me sabit ako. eheheh.

hay hay hay... scary moment. feeling ko binigyan ako ng new lease of life.
God is really good.. Talagang he is there listening to our prayers and watching us.

Tuesday, March 17, 2009

what a day!

hay hay hay! commute na naman ang beauty ko dahil me training ang aking poging driver, sweet lover.

eto ngayon.

kagandahan pa naman ako kanina, mega office girl ang attire.
biglang me tumabi sa akin na nakapag-panariwa sa aking alala ng singapore. in short, maanta ang amoy.

kiber. dahil walong taon ako sa land of anghit, e medyo carry ko pa sya dahil nag-iisa lang naman sya as against sa isang tumpok.

bali ganire, ang upuan e magkaharap. 2 by 2. me kaharap ako na estudyante. nasa tabi kame ng bintana, tapos tumabi sa akin. at isinampa ang paa nya dun sa tabi ng estudyante.

schizo : (to me) how is your day?
muah : (dub dub, dub dub, dub... tunog ng aking kinakabahang atay.)mmm, doin good.
schizo : (referring to me and the student) are you boyfriend and girlfriend?
(oh lord, eto ang mga tanong na no right answer. naisip ko if he answers, yes baka sabihin kanya na lang ako. or pag sinabi no, aha! wala ka pala kasama ha. heart racing. mind panicking!)


uni boy: ah no, i'm from uni.
schizo : oh, i would love to go to uni.
uni boy: why, what are you up to now?
schizo : i am receiving a disability grant from the government coz I need to get 2 shots a week cause if not, I go crazy. I tend to hurt other people. I abuse them. Hurt them. I've been a schizophrenic since I was 10. I am 34yo now. So far, I've been okay with the medicine. I am happy now. (Suskoponanang! HANOVAH!!!So far daw.. so far yet so near to me! ayayay!)

uni boy : oh, must be tough.
schizo : yeah it is. but i'm okay. but sometimes i get side effects. I shiver. Like having a heart attack. That kind of stuff.
(Naman! not now pliz!)

Eto ang siste, dapat bababa ako ng flinders. E bumaba ang uni-boy sa southern cross, (2 or 3 stops away from my stop) nakuuuu! sumama na ako! nyahahaah. sa takot ko maiwan ke schizo, napababa rin ako. ahehehe. ayun naiba tuloy ang ruta ko.

schizo to uni : nice meeting you mate. (with shake hands pa sila)
schizo to me : see you.
muah : chee yah! (labas sa ilong. mwehehehe)

hay hay hay... what a day.

Wednesday, March 11, 2009

God is good.

No... He's great!

Hindi ka pa humihiling, binibigay na.

Thank you Lord! =)