Saturday, March 28, 2009

outwit, outsmart, outplay

Isang araw sa isang munting tahanan. Nagtatalo ang mag-ina.

Mommy : Brush your teeth na little boy.
Little boy: I'm hungry. I want to eat Mom! I want some oatmeal.

Mommy : Brush your teeth first.
Little boy : I want to eaaat!

Mommy : Brush your teeth first.
Little boy : Loser si mommy.

Mommy : Di ba sabi ko sayo, ayaw ko ginagamit mo yan word na yan? Walang loser. Everybody is a winner. You want me to use that word. Loser si little boy! Loser si little boy! (Patulan ba ang bata. eheheh)

Little boy (in tears ) : (Binato ako ng libro! aba! aba!)
Mommy : Akin na yang kamay na yan. (Pinalo ang kamay na nambato.) Bakit mo ko binato?

Little boy : Kasi tinawag mo ako loser e.
Mommy : Ako ba ang nanguna? Di ba sabi ko sayo wag ka mananawag nyan?

Little boy : E kasi ayaw mo ko bigyan ng food e.
Mommy : E di ba inuutusan kita na mag toothbrush. E bakit ayaw mo ko sundin?
Little boy : Cause you didn't say please. (ay talagang nai-bali!)

Mommy : Alright, can you brush your teeth pleasssse?
Little boy : Okay.

At habang sya ay nagto-toothbrush, si mommy ay nagawa ng oatmeal. And they lived happily ever after. the end.

No comments: