grabe, ang bilis ng panahon. 8months na pala kame dito.
lumaki na ang mga anak ko, lomobo na kame mag-asawa at oo, naiiyak iyak pa rin ako at minsan nagmu-muni muni kung bakit kame nandito.
well, bakit nga ba? sabi ni Lord e.
Nung nag-aaply kame dito, hindi ko inask kay Lord na sana ma-approve kame. (Though siguro, meron pa rin konting dasal na ganun kasi kakahinayang naman ung gastos namin. ehehehe) Ang dasal ko sa kanya, dalhin nya kame kung san kame nararapat. And after 6months, ayun dinala na nya nga kami dito.
So far, bukod sa hirap ko sa labada, plantsahin, linisin at pag aalaga ng mga chikiting ayos pa naman ako. nasa katinuan pa rin. =)
okay rin naman dito...
mas naging close kame as family. (kundi ba naman kayo maging close e kahit job interview bitbit ko sila!)
mas naging malapit kay Lord. (lahat ng di ko kaya pag-desisyunan, hinahayaan ko ng si Lord ang mag-desisyon for me.)
sa ngayon crossroads na naman, muni muni ulit. dasal dasal.
Again, bahala na si Lord. =) I know he knows what's best for me... for us.
Lord guide us. Let your will be done upon us. Basta kasama ka Lord, kahit saan. =)
No comments:
Post a Comment