Si little boy ko maaga nagsalita. Si bebe boy ko 17months na, pero hindi pa rin nagsasalita. Bakit kaya? Ang nasasabi pa lang nya e, "Anana!" (Banana.. na nalaman ko lang na un pala un kasi, sabay turo sya sa tumpok ng Ananas...) Well, daddiii rin pala. Pero walang mommy. ahuhu.. =( Yoyoooo (Lolo)... hmm, meron na rin pala sya words.
Am I worried? Sa ngayon hindi pa naman. Kasi muka naman normal sya sa paningin ko.
Super happy sya pag dumarating ako. Tili with matching takbo palapit sa akin.
Pag me gusto sya at di ko maintindihan, naiyak sya at nagmamaktol hangat malaman ko kung ano ba ang gusto nya. Pag reading time na namin ni little boy, sumasampa rin sya para makinig. (At nasa timing naman ang pagtawa nya na parang naiintindihan nya rin ang story. :P )
So far I think he is fine. Naglalakad na sya. Actually takbo na. Isa na rin sya sa gumigiba ng bahay namin. Alam na nya makipaglaro sa kuya nya. Alam na mag-inarte. Nauutusan na.
And, okay rin naman na di pa sya nagsasalita. Para baby pa rin. Pag natuto na kasi magsalita sarap na toktokan e. hehehe
No comments:
Post a Comment