Ang aking si bunso. Ni-tusok ang tenga nya ng thermometer!
Kung san, kelan at sa papaanong paraan nya nakuha si thermometer ay hindi ko alam.
(Alam ko man, e hindi ako aamin! Sa kadahilanang nagbabasa ng blog ko ang aking butihing kabiyak. Baka di na sya butihin pag nabasa nya eto. hehehe)
So, biglang nagi-iyak. Pinatatahan ko ayaw tumahan.(Nasaktan talaga.) Pinadodo ko tumahan naman. (Ikaw ba naman salpakan ng boobies sa bibig, e hindi ka manahimik. :p)Pag angat ko ulit sa kanya, ayayay! May dugo ng naagos sa tenga. Tarantatious ang nanay. At dahil takot sa dugo ang lola nyo, ako ang naging casualty. Nahilo at nagsuka ako dahil sa takot sa dugo. Ahehehe. Pagkakita ko ng dugo, biglang ko na lang nai-pasa ke hubby si bunso. :p
Dinala namin agad si bunso sa clinic, ayos naman sya. Ung canal lang daw ang may sugat at hindi naman naano ang eardrum. Thank God! Dahil kung napano ang anak ko ay dalawang kotong na ang aabutin ko sa sarili ko, pwera pa ang kotong ni mahal. :p
2 comments:
inaaay! katakot naman to cata! buti nga di naman napaano ang eardrums. naloka ako!
-ela
ay.. ang sakit naman! Itatago ko na ang thermometer namin. Baka mapaglaruan din ng anak ko (turning17 months). Ndi ko din ata kaya makakita ng dugo.
Post a Comment