simple as 1, 2, 3.
1 husband, 2 hobbies(scrapbooking and gardening) and 3 kids(MRK). She used to live in the little red dot and is now living down under.
Wednesday, May 03, 2006
new skin..... again!
i'm back! hehe. bagong skin na naman =). kinailangan ko magpalit, feeling ko na-pabayaan ko ang blog ko. tagal ko ren di nakapag-post. busy kasi e. busy sa bagong work, busy sa preps ng kasal. busy sa pagaadjust sa bagong sched ni mahal. ako e natotorete sa schedule ni mahal. OT everyday, OT sa weekends. hay, kenes. lagi tuloy nakabitin ang aming gala. nagtatampo na nga ako, pero pakiramdam ko nagtatampo na ren si mahal kasi naiinis ako sa bago nyang work. tina- try ko naman intindihin kaya lang minsan talaga nakakainis, lalo pa at sasabay sa gimik :p. saken kasi, ayaw ko nasa-sacrifice ang family time ng dahil sa work. Dahil naniniwala ako na di ka naman nami-miss ng opisina mo kahit na gano pa kataas ang posisyon mo dun kung wala ka, pero ang family mo lagi ka na mi-miss. oh well, that's life need magwork dahil kung hindi e baka pulutin kame sa kangkungan. buti kung me kangkong pa nga. hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
testing lang.
take two take two!
aba kahit busy ka sa work at preps nakapagchange ka pa rin ng skin ah! ang nice!
hehehe inis ka pa rin ke flo?!? hanggang sa blog!! easy ka lang... relax... and take time to stop and smell the roses... HAHAHAH!
uy, spring din dito? :)
agree ako dyan. ako rin, asar pag ginagabi sa work si mister. kung may pambayad lang ako, ako na lang magbabayad sa kanya para sa bahay na lang sya :(
ang cute! babaeng-babae ang dating mo dito pare hehehe. :D
Post a Comment