Wednesday, December 31, 2008

talentada. :p

nakakatuwa ang aking iho.na-aapreciate pala nya ang aking pagka talentada. :p

kahapon tinanong ko sya kung ano gusto nya gawin sa birthday nya.

gusto daw nya i-decorate ko ang bahay. lagyan ko daw ng mga animals sa walls.
at gusto daw nya gawan ko sya ng animal cake. gusto daw nya ung ako ang may gawa. gawan ko rin daw sya ng ginupit gupit ko na invitation.

nakakatuwa na napapansin pala nya na kinakareer ko ang mga invites at decor pati na ang cake pag birthday nya o ni bunso.
=)

Wednesday, December 24, 2008

Gift for Jesus.

Tinutulungan ako ni little boy magbalot ng christmas gifts.

While wrapping, I asked him kung may gift na ba sya kay Jesus? Kasi si Jesus ang may birthday.

Little boy : mmmm...no. I don't have a gift for him mommy. If I have a gift for him mommy, how is Jesus going to get it? E he is in heaven na mommy di ba? Bababa ba sya from heaven mommy?

Good question anak. Pag sinabing kong yes, bababa sya. E di parang second coming na un, di ba?

Mommy's answer:

Ang gift mo ke Jesus dapat good boy ka lagi.

Little boy : E good boy naman ako mommy di ba? Tinutulungan nga kita magbalot ng gifts e!

Alright! Good enough. hehe

Who do you think won here?

Meron ako dapat bibilin na DVD movie for little boy. Last minute, di ko nabili dahil sa kashongahan ko. Na decline ung purchase ko kasi mali ang pin number na pinasok ko. Nakalimutan ko na ang gamit ko palang ATM e ke mahal at hindi akin.
Anyway, di naiwan na nga.

Nang nasa kotse na, hinahanap ni little boy. So sabi ko di ko na binili. Bakit ko daw iniwan. Ayaw na daw nya ko kausapin. Kasi pina-sad ko sya dahil iniwan ko dvd nya. Pinapaliwanag ko na hindi ko nga nabili kasi wala na akong pera. (Easier that way, kasi malay ba nya kung ano ang PIN #!) Sabi ko na lang na not always meron pambili si mommy. Ayaw pa rin ako kausapin. Sabi ko e di sige wag. Sabi ko ayaw ko na rin sya kausap.

Eto ngayon...

Little boy : Mommy...

Simplymuah : Mahal, me naririnig ka ba? Ako wala e. Wala akong naririnig.

Mahal : Wag nyo ko isali sa kalokohan nyong dalawa. (Sungit! Kenes!)

Little boy : Mommy...

Simplymuah : Nuninuninu... wala akong naririnig.

Little boy : Mommy! Mag sorry ka sa akin then I will talk to you.

Simplymuah : Why will I say sorry? Wala naman ako ginawa sayo.

Little boy : E kasi iniwan mo DVD ko.

Simplymuah : Yeah, but it's not my fault na wala na akong pera pambili. Hindi pwede na lagi, lahat ng gusto mo masusunod ha. At hindi mo na ko kakausapin pag di ka nasunod. Ikaw ang dapat magsorry sa akin dahil ikaw ang ayaw kumausap sa akin. Hangat di ka nagso-sorry sa akin, di na kita kakausapin. EVER.

Little boy : Say sorry to me mommy.

Simplymuah : I won't. You say sorry to me.

My Father Dearest : Sorry na kasi. Sorry na lang e. Sorry is just a one word. And haba na ng usapan nyo, sana kanina pa tapos. (Ewan ko kung sino kausap nya samin dalawa. hehe)

Little boy : Mommy, you say sorry to me....

Simplymuah : Nope. You say sorry to me.

Little boy : Wait! I'm not finished yet. You say sorry to me, then I say sorry to you. Then we talk, ok?

Simplymuah : Ok, I'm sorry.

Little boy : I'm Sorry mommy. Kiss!

(And we kissed.)

So sa palagay nyo, sino ang nagwagi at sino ang nauto?

Eto ngayon, kagabi bago matulog. Kinausap ko ulit sya. Little boy, hindi pwede na everytime, kung ano gusto mo masusunod ha. Tapos di mo na kakausapin si mommy.

ang kanyang sagot...

Little boy : Di ba mommy, nagsorry na ako sayo chaka nag-sorry ka na sa akin. nag kiss pa nga tayo. Naguusap na tayo di ba? HIndi mo binili dvd ko, pero nikakausap na kita a? Di ba? Di ba?

Onga naman. Okay, I think lesson learned.

Simplymuah : So, nag pray ka na ba?

Little boy : Yes mommy.

Simplymuah : Ano ni pray mo?

Little boy : Sabi ko ke Jesus, tell Santa na good boy ako. So that Santa will give me my DVD.

(Nyahahah! If all else fails with mommy, talk to Jesus and ask for Santa. :P Smart huh! )

Monday, December 22, 2008

Jesus is the Reason For The Season

With 3 days before Christmas

REMEMBER: Jesus is Better than Santa

Santa lives at the North Pole, JESUS is everywhere.
Santa rides in a sleigh, JESUS rides on the wind and walks on the water.
Santa comes but once a year,,JESUS is an ever present help.
Santa fills your stockings with goodies, JESUS supplies all your needs.
Santa comes down your chimney uninvited,JESUS stands at your door and knocks.. and then enters your heart.
You have to stand in line to see Santa, JESUS is as close as the mention of His name.
Santa lets you sit on his lap, JESUS lets you rest in His arms.
Santa doesn't know your name, all he can say is "Hi little boy or girl, What's your name?". JESUS knew our name before we did. Not only does He know our name, He knows our address too. He knows our history and future and He even knows how many hairs are on our heads.
Santa has a belly like a bowl full of jelly, JESUS has a heart full of love.
All Santa can offer is HO HO HO! JESUS offers health, help and hope.
Santa says "You better not cry", JESUS says "Cast all your cares on me for I care for you.
Santa's little helpers make toys, JESUS makes new life, mends wounded hearts, repairs broken homes and builds mansions.
Santa may make you chuckle but, JESUS gives you joy that is your strength.
While Santa puts gifts under your tree, JESUS became our gift and died on the tree.

It's obvious there is really no comparison.
We need to remember WHO Christmas is all about. We need to put Christ back in Christmas.

Jesus is still the reason for the season.

God Bless, be happy, be kind! Merry Christmas!!!

Saturday, December 13, 2008

Scrapping again!

After 50 golden years,I am finally scrapping again.

NO MERCY na ang motto ko ngayon pag nags-scrap ako. As in no mercy sa mga supplies, kasehodang ga-piso lang need ko sa isang 12x12 na papel, cut kugn cut or punch kung punch! Dati kasi nanghihinayang ako gawin un, e wala ako nagagawa. Kaya ayan, no
mercy na talaga!

Eto mga nagawa ko over the weekend.

Bloom in Love

My Pretty Boy

Happy Viewing!

Tigreng gala.

Kung sa pilipinas, me tinatawag na pusang gala.
Dito sa oz, meron namang tigreng gala.

Ang tigreng gala, ay makikita nyo dito

At muling pagala-gala dito

Ang tigreng yaan ay nag gate crash lamang sa isang party ng suburb dito. Akalain bang sya pa ang malagay sa newsletter. Mwehehehe.

Friday, December 05, 2008

Mga Hayoooop!

Nung weekend, merong mobile farm sa mall. So dinaan ko si little boy duon.
Me mga manok, piglet, goat, sheep, rabbits at kung ano ano pang kahayupan. :p

Etong si little boy. Gusto iuwi ang isang rabbit. Tn-try utakan ung nagbabantay.

Little boy to Owner : Can I feed your rabbit a carrot?
Owner: We don't have a carrot here sweetie.
Little boy : I have a carrot at home. Can I take him home? I'll feed him a carrot.
-----
Little boy to Owner : Your rabbit loves me.
Owner : Oh that's nice sweetheart.
Little boy : He wants to come home with me. Can I take him home?
-----
Little boy : I have a garden at home.
Owner : Really? That's nice.
Little boy : Rabbits like gardens. Can I bring him to my garden?
-----
Little boy : I have a pet ant! I take care of it. I feed it.I touch it gently.
I know how to take care of a pet. Can I pet your rabbit?
----

Mwehehehe. Sige anak, goodluck!

the wooden bowl

do you know the story of the wooden bowl?
kung hindi, eto un story.

So eto na ngayon ang aking iho ay aking dinidisiplina. Gusto nya bumili ng laruan. E nakabili na sya ng food. So ang rule namin, one at a time. Kung food, food lang. Kung toy, toy lang. Basta isa lang. Dahil hindi naman namin pwede bilhin lahat. (Food is ung mga chichirya or candies nya. Hindi naman food na pang meal. Baka isipin nyo sama kong ina pag me toy wala ng pagkain. hehe)

So sabi ko, isa lang. Hindi na pwede. Sabi nya... Ok. Kala ko end of discussion. Bigla na lang naglitanya. At eto ang litanya nya....

"Mommy, paglaki ko hindi rin kita ibibili ng gusto mo. No more scrapbook. No more cooking. No more grocery. Hindi kita ibibili ng madami. One at a time only! Pag nag office ako ganun ha. One at time lang ha! Wag ka bibili ng marami, alam mo un mommy? One at a time. Hindi na pwede marami. Ganun ren gagawin ko sayo. One at a time."

Suskolord! Gusto ko pisilin ang ilong ng di na makahinga! Lentek, 4yo pa lang eto dinidisiplina na ako. Pano pa nga pag nag 40 eto! Pahirapan na naman tuloy kame sa paliwanagan kung bakit one at a time lang. Bakit daw ako pag naggrocery e marami. Bakit daw me rice, me chicken, me coffee. Dapat daw ako rin one at a time. Sabi ko kasi ung mga things na un kailangan namin sa bahay. Un din daw toy nya e kailangan nya para maging happy sya. Sabi ko, ung pera namin enough lang para sa isang toy. Sya rin daw pag nag work na enough lang para sa isang gamit ni mommy. "Mommy, I will buy you one scrapbook only. ONE ONLY! Ok? understand mommy?" Ako pa ang di makaintindi.

Kaya etong bunso ko hindi ko na minamadali magsalita e. At pag dalawa na silang ganyan nakuuuuu! Mapag-uuntog ko na talaga.

Wednesday, December 03, 2008

Mommy can't fix everything.

Nung isang gabi me nasira si little boy na laruan. E kailangan lang naman tahiin, e di tinahi na ni mommy. Tuwang tuwa sya. Sabi nya, "Wow! How'd you do that mom? Mommy, ur the greatest. You're the best."

At ng me masira na naman sya na toy, takbo na naman ke mommy. This time beyond repair na sya. So sabi ko di na kaya ni mommy. Sabi nya sa akin, "But mom, your the greatest. You can fix everything. Fix this pleasssseeee. Mommy please!"

Ay dumugo naman ang puso ko. Pano ko papaliwanag na hindi sa lahat ng oras at hindi sa lahat ng panahon kaya i-fix ni mommy ang lahat.

Kung kaya ko lang i-fix lahat gagawin ko para sayo, kaya lang di kaya ng powers ni mommy. I can't fix your heartaches iho. I won't be able to fix your broken heart. Sometimes, there are things that you have to fix on your own. I will try my best, but i can't promise my son.

Hey Santa!

Heto talagang aking panganay. Hindi titigil ng pagtanong hanga't di nya nalalaman ang sagot.

Nung weekend, nasa mall kame. Merong santa. Ask nya ko kung nasan daw ang sleigh ni santa. Aba e malay ko kung nasan. So para manahimik, sabi ko naka park. San daw naka park. Sabi ko sa parking lot. Akala ko naman happy na sya.

Maya maya, sabi nya mommy i wanna go near santa. (Eh me mga nagpapa-picture) Sabi ko next time na kasi di ko dala camera. Sabi nya, mabilis lang ako mommy. I wanna go near santa. E dahil nagbabayad ako sa cashier. Para matapos na sabi ko, ok but make it fast.

Pagbalik. Aba nakangiti. Sabi nya, "Mommy alam ko na kung nasan sleigh ni santa! I asked him, "HEY SANTA! WHERE'S YOUR SLEIGH?" Sabi nya nasa roof! Sa roof naka park si santa mommy! Mommy, nasa roof ang sleigh nya!"

Hehe, tuwang tuwa sya sa kanyang na discover. Buti na lang game sa pag-sagot si santa. Kala ko naman amaze sya ke santa kaya nya gusto nya lapitan un pala gusto talaga malaman kung nasan sleigh nya. Corny kasi sagot ni mommy e!

Friday, November 28, 2008

Ang aking little boy.



Parang matino at ang bait ano? :p

Thursday, November 27, 2008

Donuts anyone?

Ang aking TL ngayon( Team lead not true love.) ay may franchise na isang donut shop.
Tawagin na lang natin ang shop nya na DK. Hindi ko type ang donut ng DK. Unlike krispy kreme na kaya ko umubos ng isang box of six sa isang upuan, ung donut ng DK hirap na hirap ako ubusin ang isa. Napapabili lang ako ng donut sa DK pag nagbe-baby chino si little boy doon.

Eto ngayon... Kami ay night shift. Etong aking TL, dahil sa late sya nanunuhol ng donut. (Na tira tira sa shop siguro nya. hehe) Inalok ako. At ang shongang ako ang sagot ko ay. "No, thanks. I don't like donuts." TOINK!!! pwede namang "No, thanks!" na lang. Bakit me kasama pang I dont like donuts. Pano na ko magba-baon ng krispy kreme nito pag morning shift ako? PAborito ko pa naman un i-breakfast with my cuppa coffee. Hay, Syonga syonga talagaaaa!

Wednesday, November 26, 2008

my bebe boy.

napansin ko lang puro si little boy ang laman ng blog ko. bihira ako magkwento kay baby boy.

well, di ko alam kung dapat pa bang baby boy ang tawag ko sa kanya. unti unti na rin syang nagiging bata. unti unti na sya nag-aamoy pawis. at unti unti na ring kumukulit.

nung isang beses na nagppretend karate kame ni little boy, aba bigla na lang winagayway rin ang mga kamay nya(parang karate moves) at biglang nagpose na naka-karate. aba! aba! at nakikisali na.

ahuhuhu... wala na talaga akong baby. mamaya dalawa na silang nangangatwiran sa akin. e mukang strong personality rin at maipilit rin ang gusto. (pero mananalo ba naman sya sa nanay? e isa pa rin ang nanay na maipilit. mwehehhee)

eto na naman ako sa aking mixed emotions. masaya kasi nakapag-palaki na ulit ako ng baby. malungkot, kasi lumalaki na nga sya.

miss ko na ang mga babies ko. =(

Wednesday, November 19, 2008

knock on wood

may tanong ako sa mga mommies na readers ng aking blog.

if (knock on wood) me mangyari sa inyo ng husband mo (as in mangyari = dead),
kanino nyo iiwan ang mga chikitings nyo?

do you have a written will for that?

and ano ang deciding factor nyo kung kanino iiwan ang bata or mga bata?

pano kung magka-iba kayo ng gusto ni mister? how will you decide?

wala lang naman. just asking.

tinanong kasi kame ng insurance agent about this at ang hirap pala sagutin.
ni ayaw ko isipin!

Saturday, November 15, 2008

My Little Boy's Alyana.

More on our heaven issue (lekat, di na natapos tong heaven issue na to! hirap na hirap na ako mag explain ha!)...

Ask ni little boy sino na daw mag-aalaga sa kanya pag nagpunta na ko sa heaven.
Sabi ko matagal na matagal pa un. Pag malaking malaki na sya. Sabi ko pag malaki na sya, magkakaron na sya ng asawa. At pag wala na si mommy, un na mag-aalaga sa kanya.

Aba, biglang lumiwanag ang mukha.. Sabay sabing, "Si Alyana mommy ang magiging asawa ko? Sya na mag-aaalaga sa akin?)

Ahuhuhu! little binata na ata ang aking little boy. Meron ng ibang babae sa buhay nya bukod ke mommy! Waaaahhhh!

(Si alyana ay ang kanyang blue-eyed blond na kalaro sa playground.)

I will always be in your heart...

Dahil sa aming heaven conversation, ayaw na nga mag birthday ni kuya at ayaw nya mag grow old.

So syempre, kailangan ko sya kausapin di ba. At ire-assure na everything will be okay kahit na physically ay wala na ako dito. Sabi ko sa kanya, pag nag grow old na sya at pupunta na ko sa heaven, wag sya malulungkot. Kasi, i will always be in his heart. Dahil tumahimik na sya, kala ko okay na sya.

Maya maya...


Little boy : Mommy, talaga bang lagi ka nasa heart ko pag pumunta ka na sa heaven?
Simplymuah : Yes, nakong. Always. (Teary eyed pa ang dramatistang nanay.)
Little boy : Ayoko nun mommy. Wag ka pupunta sa heart ko.
Simplymuah : Bakit?

Little boy : Kasi maraming ugat ugat at dugo dugo ang heart e. Ayaw kita dun. Yuck un e!

Aiyoh! Pano na? Hindi ko na alam pano mag explain!!!

Friday, November 07, 2008

A series of unfortunate events!

How was my first day...it was a very very very long daaaaay!

Kung kelan ako mag-start pumasok sa office, saka naman nilagnat itong si bebe boy.
So alas kwatro, (ng nov 6) gising na ako kasi nga nilalagnat sya. Pasok sa opis. Dalawang oras na byahe, one way. Yun pa lang ang haba na. Simula pa lang yan.

Pag uwi mataas pa rin lagnat ni bebe boy. So dinala namin sa clinic. Dun pa lang antay na ng 2 hours. Ng makita si bebe boy, pinadala sa ospital at muka na daw dehydrated. At di daw nya sure kung ang lagnat ay dahil sa ear infection or dahil sa ubo. So, to the hosp we go. After 3 hours of waiting sa emergency room, hindi pa rin kame nakikita ng doctor! Nagsimula ng gumaling si bebe boy. Sabi nga ni mahal, time heal all wounds...ginamot na daw ng panahon ang mga me sakit dun. So after 3 hours, decide na lang ako na umuwi na kasi nga mag ala una na!

Eto ngayon, kanina umaga since nilalagnat pa rin si bebe boy nag dalawang isip na ko pumasok. E kaso sabi ni father dear, muka naman daw ok na si bebe boy kasi mas masigla na kesa kahapon chaka nga 2nd day ko pa lang e baka naman sa ika 3rd day ko wala na ako trabaho. So off I go to work.

And the saga begins.

Dapat alis kame before 7 para makarating sa city ng 8am, para umabot ako sa office ko ng 9.(Nasabay kasi ako ke mahal hangang city, then from there train and bus ako. Mag-asawa na kasi, kaya halfway na lang ang hatid. HMP!) Nakaalis kame past 7 na. Fortunately,alang traffic. So by 730 asa city na kame. Yahoooo! So early.

Heto ngayon, pagbili ko ng train ticket, me babaeng nagrereklamo sa counter. Oh looooord! ang tagal nila mag diskusyon. Paulit ulit, paikot ikot lang naman sila.
Tanong ng babae kung kelan nya pd makuha refund, sagot ng officer weekdays 9-6pm. E nag-oofice daw sya, so kelan daw nya pd makuha. Weekdays 9-6pm. E 9-6 rin daw pasok nya, so kelan nya makukuha. Weekdays 9-6pm. Arrrggg! Gusto ko sumingit, hello ako rin 9-6, pd pabili muna ng tiket!

Finally, nagkasundo sila so nakabili na ko ng tiket. Ung train ko, departing in 7min. Okay, so far on sched. Sakay ng train. After 3 stations, sa interchange, ewan ko kung bakit (baka di ko narinig) lekat nag iba ng destination!!! Tama ba naman un. So baba na naman ako, buti na lang interchange pa rin ung next stop. Dun sa board nila puro arriving in 3 or 5min ung train ko, pero bigla magteterminate sa next stop. Tapos after waiting for 15min dun, bigla nag announce dapat daw bumalik ako dun sa previous station ko to take the train na pupunta dun sa office ko. So balik na naman ako. (Sa kalagitnaan ng pag-iintay na to, nalaman ko na tumapon na pala ang kape ko sa bag ko. At natapunan ang mga scrap mags ko sa bag ko. At syempre dahil napaka swerte ko sa araw na to, ung bago pa ang nabasa at hindi ang luma. Oh di ba ang saya talaga!)

Eto na, nakasakay na ng train. 8:25 at bus stop. Okay! abot pa sa 9am. PUTTTEEEEK! tama ba na mamiss ko ang aking bus stop. At dahil bago ako sa lugar, di ko pa agad napansin na lumampas na ako. At ng mapansin ko na lampas na ako, e nd ko na alam kung nasang lupalop ako ng mundo. So, dun na ko sa interchange ulit napababa. So antay na naman ng bus pabalik.

So finally, nakarating na ako sa kanto ng office ko. E mga 400m pa na lakad, tama bang biglang umambon. Susmio, kada step ko nagdadasal ako, "lord please, don't let it rain. onti na lang, i am almost there."

So, buti naman ambon lang. Pero hagas na hagas na ako. Sukat ba naman tatlong oras na ang byahe ko, kung galing ako ng manila e aba 2 hours na lang nasa baguio na ako!

Eto pinaka the best of the rest, pagdating ko sa office, ahuhuhu! kuhanan ng ID pic! waaaaaaahhh!

Oh well, souvenir na lang ng aking one fine day. A sweet reminder of my not so lucky day.

**In fairness, maganda pa rin kuha ko sa ID. (mwahaha, magbuhat ba ng sariling bangko.**

The End.

Wednesday, November 05, 2008

first day at work

pers day ko bukas sa work.
para akong beer-gin! kinakabahan ako. ehehehe.

goodluck to me. at goodluck sa driver ko.
mahaba haba ang byahe nya. :p

Wednesday, October 15, 2008

Doctor QuackQuack!

Hay naku naku, talaga naman! Aatakihin ako sa alta-presyon sa mga doctor dito e.
Nung sabado, nag-iiyak si little boy pag gising. Masakit daw loob ng tenga nya.
Knowing little boy na di iyakin, alam ko na me masakit na talaga so direcho na kame agad sa clinic. Hetong doctor, ang sabi "I suspect there is an infection." Grrrr! Gusto ko kotongan e! Gusto ko sabihin, "Yeah huh! I suspect that as well, and that's why I'm here cause I want you to confirm it!!!!!!"

Heto ngayon, kina-mondayan nilagnat na si little boy. Tapos kahapon me discharge na ng fluid ung ear nya at feeling ko meron sya yellow and reddish spots sa arms and legs. Yung parang maputla ang skin nya. So nagpa sched ako kanina sa doctor. (Ibang doctor na to.)

Sabi nya, there is an infection. Binigyan ako ng drops at tinuruan punasan ang tenga ng anak ko. (Yep, as if naman hahayaan kong bahain ng tuga ang balikat ng anak ko.)
So alam ko na nga na may otitis media anak ko, so ang tinanong ko ulit ung lagnat. Bakit nilalagnat at bakit parang maputla at me mga spots. Ang sagot, "might be because of the fever." Oh my!!!!!! Gusto ko magwala sa clinic at mag-sisigaw ng mga wala kayong wentaaaaaa!" Grrrrr talaga!

Hay hay hay!!!

Mother, mother, I am sick!
Call the doctor very quick!

Hindi naaaaaa!

Friday, October 10, 2008

My little one.



Ang aking baby na di na masyadong baby.
Ang bilis ng panahon. Mag 1-yo na sya.
Nalulungkot ako. Wala na akong baby.

Wednesday, October 08, 2008

yes, i am weird.

natutulog ang aking dalawang iho. ewan ko at bigla ako nakaramdama ng lungkot. bigla kasi tumahimik ang bahay.

naisip ko bigla, pag malalaki na sila at nag asawa na, magiging ganito katahimik ang bahay. gusto ko maiyak!

sa ngayon naiinis ako pag pasaway si kuya at ayaw magpababa ng buhat ni bunso. pero nakakalungkot pala pag tahimik na sila. feeling ko empty ang bahay. aalog alog ako.

so ngayon, ie-enjoy ko na ang kuya's kalat and baby's ngawa.

malapit na silang lumaki. malapit na nila ko iwan. =( huhuhu....

ayawwwwwww!

Friday, October 03, 2008

Shhhh....Tulog na...

Tulog na Story # 1:

Tina-try na namin si little boy matulog mag-isa nya sa room nya.

So para gustuhin nya matulog sa bed nya, sya na pinapili namin ng kama nya. Ang pinili nya ung parang double deck. Ung me hagdan,tapos me pull out table at me cabinet ung ilalim.

Eto ngayon, gabi gabi na lang iba iba ang rason. Kesyo, di sya makatulog kasi nagbabasa pa daw ako sa room namin. (oh, di ba! me mairason lang)

So, naisip namin ni mahal, isa sa amin ang sasama kay little boy hangang sa makatulog sya. Tapos iwan na lang pag tulog na. So, naglatag sa lapag ng room ni little boy si mahal at inantay nya makatulog si little boy. Ako naman nasa master's bedroom at nagpapatulog kay bebe boy.

Matapos ang mga isang oras at ilang minuto, me nagapang sa kama ko. Aba! ang little boy ko. So ask ko asan Daddy nya. Sabi nya....

"Shhhh.... Andun, tulog na sya.Wag ka na maingay mommy. Magigising sya."

Alamak! Yung magpapatulog ang nakatulog. Tama ba yun!

----------

Tulog na Story # 2:

Mga two months ago, sabi ko kay mahal magla-latag ako ng isa pang matress sa lapag para dun ihiga si bebe boy pag tulog na kasi nga sumisikip na kame sa kama. Kaya lang sabi ko parang nakaka-awa naman bebe ko pag sa lapag mag-isa.

Tapos nga ngayon, tntry ko na si little boy matulog sa room nya mag-isa. Since di pa makapag isa sa room nya naisip ko na sa lapag muna ng room namin sanayin. Para pag sanay na sya mag sleep magisa sa lapag,naisip ko na mas madali na para sa kanya matulog sa room nya mag-isa.

So pinahiga ko na sa lapag. Nahiga naman. Ni walang struggle. Aba, ayos ah! Sakesful ang idea ni mommy!

Tapos sabi nya "Mommy, di ba si baby kawawa naman pag matutulog mag-isa dito sa lapag." Sagot ko, "yep. (isip ko, aba galing a natandaan nya pa un e ang tagal na nun.) Meron pa palang mas magaling na hirit dun... pagka sagot ko ng oo, sabi nya "eh di kawawa rin ako, kasi mag-isa lang ako natutulog dito sa lapag?"

HAYYYYY! simpleng banat. E di syempre, nakunsensya si mommy. Ano pa nga ba ang masasabi ko kundi, "okay nakong, lika na dito sa tabi ko para di ka na kawawa."

----------

Tulog na Story # 3:

Tignan naman natin ang galing ng ninang nya.

Sabi ng ninang nya, para maging brave sya at makatulog mag-isa sa room nya e mag-aral sya magkarate.

Kinagabihan na kailangan ko na sya patulugin, eto ang sabi nya...

"Mommy, sabi ni ninang para makatulog ako sa room ko dapat marunong ako magkarate. E hindi pa ko nag-aaral ng karate e. Kaya hindi pa ko pd matulog sa room ko. Dun muna ko ulit sa room nyo ni daddy ha? Okay?"

Hetong si ninang, dumagdag pa sa problema ko e! Dati problema ko lang patulugin sa room si little boy. Ngayon, problema ko pa pag-aaral ng karate! Aiyoh!!!!

----------

So ang ending, kasama pa rin namin little boy sa room.

TOINK!

Monday, September 29, 2008

emotional black mail

hetong aking little boy, tina try ko kunin sa pag iinarte.

sabi ko sa kanya, pag matigas ulo nya dumudugo ang puso ko. so everytime na sasawayin ko, ang tanong nya, dumudugo na ba ang puso mo? syempre sagot ko oo. tapos titigil na sya.

eto ngayon, minsan nag grocery kame. may pinapabili na toy. e kakabili lang namin nung hapon bago mag grocery so syempre sabi ko sa kanya hindi na. aba ang linya e tama ba naman na...

"bakit ganyan ka mommy. alam mo ba na dumudugo puso ko pag di mo ko binibili ng toy. (with matching hawak sa heart and crocodile tears.) bad ka mommy! pinapadugo mo ang puso ko. pag ikaw pinapa-stop ko dugo ng puso mo. bat ako ayaw mo mag stop dugo ng puso ko?"

HAY HAY HAY!!! MATUTUYUAN AKO NG DUGOOOO SA BATANG ITO!

Monday, September 08, 2008

Little Boy's School Interview.

Late na kame dumating sa OZ. Tapos na ang interview sched ng mga papasok for prep for next year. Sa mga schools na tinawagan ko, lagi na lang nasa waitlist si little boy. Finally, me pumayag mag interview. (Siguro nakulitan sakin, tawagan ko ba naman at tanungin kung pano ko malaman ano mangyari after ma waitlist. hehe)

Suskopo nanang! The day ng interview. Tama bang nawawala ko ang mga documents ni little boy. Hay hay hay. Nasa coffee table ko sya huling nakita. Sabi ko baka mabasa or mapag-drawingan so itatabi ko na. Putek! tama bang makalimutan ko kung san ko tinabi. ANG SHONGA SHONGAAAA DI BA!!!

Anyway, during the interview, daig ko pa ang nag-aaply ng work. Kasi mas kabado ako para sa anak ko. Grabe! Never pa ata akong kinabahan ng ganun sa tanang buhay ko. (Well, except pag nasa himpapawid ako at nakasakay sa eroplano.)

So, pinag drawing sya. Nag drawing sya ng happy face. Ask sya sino un, sabi nya baby brother daw nya yun. Tapos nag draw rin sya ng ben-10 watch. sabi nya, sya daw ay isang super hero. Buti na lang limot na nya ang Gears of War Xbox game! Kundi baka puro berserker at baril ang dnrawing nya. Baka isipin nung principal e bayolente to. Buti naman e mukha syang happy child. Hehehe.

Tapos pinakanta ng ABC. Aba pagka-kanta ng ABC humirit pa! Kakanta pa daw sya ng Itsy-Bitsy Spider with matching action pa sya. Wehehehe. Di naman sya performer ano.

Tapos pina identify sa kanya ang numbers na 1 to 10. (Then pina hilera ng sunod sunod.) Nagawa naman nya.

Tapos ABC ulit, susmio kala ko ipapa helera din sunod sunod. Ako ang kinabahan. Buti na lang hindi. Hehe.

Pag labas namin, syempre tuwang tuwa ako. Kasi nasagot naman nga nya lahat ng tanong sa kanya. So sabi ako ng sabi, "ang galing galing mo nakong!(Sabay kiss)." Sa ikatlong sabi ko, sabi ni little boy "Mom, ang kulit mo. OO na nya e."

Ahahaha! nainis sa stage mother na nanay!

After 1 week of waiting, ayun natangap na namin ang acceptance letter nya sa school. Yey!

Tuesday, September 02, 2008

Blessings... Blessings and more blessings.

God has been very good to us these past few days.
Inuulan kame ng blessings ngayon.

1. Natangap na ako sa work. (Pero iniisip ko pa kung magwo-work ako. Ehehe. Weird.)
2. Natangap na si meg sa school nya.
3. Nakapasa ako sa exam ng driver's learner permit so pwede na ko aral mag drive.

Salamat sa ITAAS at unti unti kameng nalalagay sa ayos. And as always, in His own perfect timing. =)

Thursday, August 28, 2008

My Next Project

Habang ako ay nagmumuni muni, naisip kong gumawa ng cookbook.
Sana ay maging sakesful.

hehe.

goodluck to me.

Ulirang maybahay at dakilang nanay.

Grabe! Bakit ganito. It never ends.

Isa na ako sa mga nanay na makikisama sa welga pag narinig pa ang mga katagang "housewife lang".

Lekat, buti pa sa opisina nagagawa ko makipag-chat at makipag chika chika. Sa bahay, walang time pumetiks! Pag pumetiks, lalo dumadami ang workload e.

Pag natapos na labada, dumadami naman ang plantsahin.
Pag naubos ang plantsahin, tumambak naman ang hugasin.
Pag nabasag na lahat ng hugasin, simula naman na ang linisin.

waaaahhh... it never ends talaga. huhuhu.

Best Cooker.

Little boy: Mom, you're the best cooker.

Hetong batang to, ang sarap pakainin! hehehe

Cooking ng ina mo.

One night, isang gabi. Ako ay nagluto ng chicken curry (pinas style) na hindi ko alam kung bakit ko niluluto, di naman ako nakain nun.

Little boy: (Biglang pasok sa kitchen) I smeeeell something good in the kitchen. What are you cooking mom? Is that my favorite?

Simplymuah: Yep, this is your favorite little boy.(Syempre para kumain sya ng dinner, kunyari favorite nya un. Kahit di pa nya natitikman sa tanang buhay nya.)

Fastforward to dinner time.

Little boy: (Kalagitnaan ng paglafang sa curry.) Mom, I am proud of you. And daddy too. And baby rin. We are all proud of you mom.

Simplymuah: At bakit naman?

Little boy: Kasi masarap ka magluto e. Lahat ng luto mo masarap. Right Dad?

Mahal : Korek! Da beyst!

Awwwww... Pag naman ganyan maririnig mo e parang gusto mo iluto lahat ng hilaw. =)

Wednesday, July 30, 2008

Heaven.

Etong si little boy, addict ngayon sa kung fu panda.

Natanong nya ako kung san daw nagpunta si master Oogway ni master shifu. (Sumalangit kasi si master Oogway). So syempre sagot ko sa heaven. Bakit daw nagpunta sa heaven. Sabi ko kasi matanda na sya e.

Little boy : E bakit ikaw mommy di ka pa napunta sa heaven, e matanda ka na?

Nakuuuuu! Pasalamat etong batang to at nasa australia na kame at bawal na manakit ng bata dito kundi me kutos, batok at kotong to sa kin e.

Syempre as a nanay, kailangan me paliwanag ka di ba. So kahit gusto ko sya dagukan, pinaliwanag ko na hindi pa ko ganun katanda at need ko pa sya alagaan bago ko pumunta sa heaven. Aantayin ko muna syang mag-asawa at magka-anak bago ko sumalangit rin.

Eto ngayon, biglang out of the blue "Mommy! ayaw ko na mag bday. Pag nag bday ako sisirain ko ang cake ko." So sabi ko, e di wag ka mag bday. Wala ka na rin gift! (E kahapon lang looking forward sya sa birthday nya dahil me gusto syang airplane at sabi ng tatay nya sa bday nya makukuha kung goodboy sya till pag dating ng bday nya.) So,nagtaka ko bakit. Ask ko sya kung bakit.At dinurog na naman nya ang puso ko sa sagot nya.

Little boy : E kasi pag nagbday ako, lalaki na ako. Magaasawa na ako. Pupunta ka na sa heaven. Ayaw ko pumunta ka sa heaven. Gusto ko dito ka lang. Ayaw ko na mag bday. Ayaw ko na mag blow ng cake. Sisirain ko na un. Ayaw ko na mag-asawa mommy. Dito ka na lang.Alagaan mo lang ako. Wag ka pupunta sa heaven.

Awwwwwww.... taba taba ng puso ni mommy! pag ganito naman ang maririnig mo parang ang sarap lagi maging ina.

Kaya lang me kasunod na naman syang punch lin...

Eh mommy, pag bad boy ba ako pupunta ako sa underground? (nuninuninu...san naman nagaling si underground?)

Tuesday, July 29, 2008

Monday, July 28, 2008

Home Sweet Home



Yey! Me house na kame. After 2 weeks of house hunting, tinangap na ren ang aming offer na mag rent.

Ang hirap dito, mas madali pa mag hanap ng work kesa maghanap ng bahay. Sa SG, weekend lang kame naghahanap ng house nakakita kame agad. Dito 2 weeks na araw araw (2 to 3 in a day), ngayon lang kame na-approve.

Kung ano ano kasi requirements. Dapat 100 points. (50 = passport, 50 = Lisensya, 20 = bank account, etc etc) E wala ako lisensya, ayun tapos agad! Hinahanapan pa kame ng tenancy history (e pano nga magka history, kadarating lang! kuleeeet)

Third choice namin to, pero okay na rin. Kasi ang dasal ko naman e ibigay samin hindi ang gusto kong bahay kundi yung house na magiging safe kame. So, I am happy with it. =)

And okay naman ang kitchen, kaya happy na talaga ako.



Thank God at unti unti na kaming naayos dito sa aming kinalalagyan ngayon. =)

Saturday, July 26, 2008

Love pa rin kita mommy.

isang araw na kame ay nagbabaybay sa kahabaan ng kung saan patungo sa pag view ng bahay.

bigla ko napansin na ang laki na ni little boy. hindi na sya little. big boy na sya. nalungkot ako.

sabi ko sa kanya, "nakong, ang laki mo na. malapit ka na magka gelprend. pag nagka gelprend ka, iiyak ako."

little boy : bakit ka iiyak mommy?

mommy : kasi iba na ang love mo. love mo na ung gelprend mo.

little boy : wag ka na iyak mommy. kahit me gelprend na ako, lo-love pa rin kita. ish-share ko pa rin sayo ang birthday cake ko.

(awww...lalo ata ako naiyak sa sagot nya. pero natawa ako sa cake. how thoughtful, how goldilocks! :P)

Family oriented nga!

Dumating na ang tawag para sa aking chekond interview. Hindi ko na dapat aatendan kasi nga me work na si mahal. So sabi ko, tignan ko pa kasi wala alaga sa bata at di ko alam kung san sila iiwan dahil di ko alam kung meron ba ditong one day care lang. Sagot sa akin, dalhin ko daw ang anak ko sa reception. (So syempre sabi ko I can't bring them to the reception kasi 8mo lang ung isa di ba.) Mas matindi sagot nila, "bring a friend." Ahehehe. Para kong nasa who wants to be a millionaire, meron lifeline. :p

So, esep esep dahil sino naman friend ang bibitbitin ko syempre lahat sila me work. Sabi sakin, para daw di ako mag-alala sa mga anak ko sa park nila ko iinterviewhin. (Naalala ko tuloy yung first job ko sa SG na kung saan ininterview naman ako ng IT director sa foodcourt. Wag nyo na itanong kung bakit ganyan mga interview ko at hindi ko rin po alam. hehe. And yes, IT director din ang mag interview sa akin sa park. :p)

Naisip ko, ng sinabi nila na family oriented ang oz e hindi sila nagbibiro. Biro mo job interview, kasama buong pamilya. hehehe. (Shhhhh... nung interview ni mahal kasama rin kame lahat. Pero, di naman sinabi sa kanya na bring a wife. ahehehe. Nagkataon lang na galing kame ng mall dahil me inasikaso kame sa bangko e natakot ako umuwi mag isa baka mawala ako e kasama ko ung dalawang bata so sumama na kame.)

Oh well, good luck to me. Pag di ko masagot ang tanong sa akin, tutal IT rin kasama ko sabihin ko, sya na lang sumagot para sa akin at ako na tingin sa mga bata. Para na rin di masayang ang aking "bring-a-friend". ehehehe.

Saturday, July 19, 2008

my first interview.

nag-try ako mag-apply. me tumawag naman. interview ko nung tuesday last week.

ang tanong, "how do you handle stress?" bago pa man ako sumagot, nakita ng galing ako ng sg. pagkakita nya, since galing daw ako dun, sabi nya kakayanin ko daw ang stress sa kanila. di ako nakapag-pigil. sagot ko, yan ang rason kung bakit ako umalis ng sg, dahil sa stress.

(di naman daw sila stressful company, busy lang. sagot ko, "Well, busy is good." nagsusumigaw ang loob ko ng plastiiiccccccc! wehehehe )

eto naman asawa ko, sabi sinusundan daw talaga ako ng stress. baka daw un ang destiny ko, i might as well embrace it daw. naman, naman! sa sg okay lang na ma stress sa work at pag uwi mo relax relax na lang at andyan si ate. e kung stress na sa work at stress pa sa bahay, sosme baka naman mag suicide na ko nyan.

tapos tinanong ako, kung me tanong pa daw ba ako? so tanong ko, kung sakali palarin ako kelan nila ko kailangan?(kapal ko. hehe) sabi nila, immediately. (eto mas makapal na sagot, ehehehe) "i can't start immediately. i need at least 2 weeks to settle my place and my sons." nyahahaha... di pa nga tangap demanding na. toink!!!!

well, muka naman nacutan sila sakin dahil me 2nd interview ako next week. (feeling ko lang nacutan sila sa akin kasi imposible namang na impress sila dahil praning praning sagot ko sa kanila, hehe)

kung matangap, oks lang. kung hindi oks rin lang. di ko pa rin kasi alam kung magwo-work ba ako o hindi pa.

house hunting, etc...

dahil nakakuha na ng work si mahal, hanap naman nakame ng bahay na mauupahan.

nakakainis mag house hunting dito. bukod sa ang lalayo na nila sa isa't isa, sabay sabay pa ang oras ng viewing. kaya the most na siguro maka view ng 2 in a day. kaka-windang. hindi tulad sa sg, sa isang araw kaya ko mag view at mag-confirm ng uupahan. tapos dito pa, pag naghanap ng bahay kasama buong pamilya. kasi nga alang yaya. kaya doble pasakit pa, dahil kahit saksakan ng lamig kasama pa mga bata.

times like this, i miss sg...a lot. =(

tapos kanina galing kame sa doctor dahil me sakit si little boy. lekat, wala ngang babayaran sa doctor dahil covered ng medicare, ang lupit naman ng mahal ng gamot. para ka na rin nagbayad sa doctor. hayyyyy...

nuninuninu....napapa-isip tuloy ako kung tama ba ang desisyon namin na pumunta dito.

si mahal, happy na sya kasi me work na sya.
si little boy, mukha naman happy sya.
si bebe boy, well happy sya as long as naka-dikit pisngi nya sa akin.
ako... ewan ko. sa ngayon, nahihirapan ako.

pero kung happy silang tatlo, as a dakilang nanay at ulirang may-bahay, dapat happy na rin ako. ang problema, hindi ako dakila at hindi ako uliran. :p

well, in time sana maging happy rin ako.

Monday, July 14, 2008

Biko in Melbourne

haaayyyy.... sa dinami dami ng pagkain dito sa melbourne kung bakit naman biko ang hanap ng aking si little boy.

bakit naman kasi sa dinami dami ng chichirya e sa biko, kakanin at suman adik tong anak ko.

so eto na, naghanap na nga ng biko. sabi ko wala kame pangawa ng biko. sagot nya, "sa supermarket mommy, meron." so to supermarket we go.

at bakit rin naman sa dinami dami ng rice dito (calrose rice, long grain rice, etc etc rice) bakit walang glutinous rice?????

ngayon umaga, narinig ko ata ang "mommy, biko please....) ng 100x....(with uhaaaa! waaaah! uhaaaa! ni bunso in between)

so pano na gumawa ng biko in melbourne, kumuha ng isang gatang na bigas, pakuluan sa tubig, gata at asukal na pula sa kawali hangang sya ay mag-mukang biko. (bakit sa kawali? kasi tinatamad ako maghugas ng kaserola!)

ang ending... "ang sarap ng biko mo mommy."

-from the adventures of simply curacha. ang babaing walang pahinga-

:p

Thursday, July 10, 2008

from the little red dot to the land down under.

good day mate, greetings from the land down under!

actually, delayed greetings kasi nung sabado pa kame andito. masyado lang kame busy kaya ngayon lang ako nakapag-blog. dami kasi dapat asikasuhin. tax number, medicare, driver's license, bank account, etc etc... hay kakapagod. na miss ko bigla ang singapore, kasi sa singapore halos lahat online transactions na. chaka pag napagod taxi na and kahit di taxi we are just 5 mrt stations away from the city.

so kumusta naman ako? mabuti naman. buhay pa. ewan ko lang sa mga susunod na araw.
okay pa ako ngayon kasi nakikitira pa kame pansamantagal sa sis-in-law ko, so kung kailangan ko ng taga hawak ke bebe, or taga tingin ke little boy e meron pang gagawa nun. kumustahin nyo ulit ako pag lumipat na kame ng tirahan. hehehe.

kumpara sa pinas, i can say better dito. pero compared to sg, para akong na time warp at bumalik ng mga 10 to 15 years ago. or baka hindi lang. ibang iba ang sistema sa sg. bus at train na lang walang sinabi. na miss ko tuloy ang abadi-abadi-abadi na announcement sa sg. sa sg, nakakagala ako ng ako lang mag-isa. nagagawa ko umuwi ng alas onse or later ng walang kakaba kaba. dito hindi ko magagawa yun. skeri sa labas. lalo na pag abot ng dilim. dito nung galing kame sa city ng past 9pm, grupo pa kame e takot kame lahat. pano mga sanggano na lang ata ang nasa kalye.

pero, so far mukang okay pa rin naman desisyon namin. little boy is enjoying it here. dahil nga bawal daw mamalo dito, ang panakot ko sa kanya ide-deport ko sya papunta ng sg pag hindi behave. nagwo-work naman. hehehe. si bunso, mas gusto rin ata dito. parang mantika, malamigan lang tulog agad.

as for the household chores, well... it never ends. ngayon ko lalo na appreciate si ate anita (ang aming wonder yaya sa sg). ang hirap pala ng ginagawa nya. gusto ko tuloy bumalik ng sg para i-embrace sya ng mahigpit na mahigpit. namiss ko sya at mami-miss ko sya ng husto. (pati si mahal, miss na miss sya! same reason kaya kame, nyahahahaha)

it's different here. but life must go on... and it will for me. for us. =)

Monday, May 26, 2008

for the poor.

kahapon nagsimba kame. may dalang coin purse si little boy. meron daw sya dala coins, bibigay daw nya sa church for the poor.

mommy : bakit mo bibigyan ang poor?
little boy : kasi wala sila pambili ng food, ng toys chaka ng bahay mommy.
mommy : ah okay. very good. ganyan nga, dapat marunong ka mag share ng blessings nakong.

little boy : mommy, pag di na sila poor, babalik ba nila sa akin ang coins ko?

(nyahahaha.... san nangaling un!)

mommy : hindi na nila sosoli ang coins mo anak. pag di na sila poor, bibigyan naman nila yung ibang poor. marami kasing walang food at toys, kaya sila naman bibigyan. okei?

(tama naman sagot ko di ba?)

ng muntik ko ng maiwala ang aking panganay.

kahapon namasyal kame.

pag labas namen ng mrt, hawak ko si little boy. tapos, pumunta sya sa lolo nya para uminom ng tubig. so akala ko kasama na sya ni lolo. pag inom nya ng tubig, sabi nya pupunta sa akin. so akala ni lolo kasama na ako. maling akala! hay hay hay!

pagkabili ko ng tubig, so kitakits na kame. biglang wala na si little boy!
sabi ni mader, asan na si little boy? nagka-tinginan kame lahat. siyet! nawawala si little boy.

takbo ako agad pabalik ng mrt. buti na lang, hindi sya nag exit. andun sya pabalik balik, iyak ng iyak at sigaw ng sigaw ng mommy at makikita mo na super frantic na talaga sya.

siguro, 5min lang ito pero ito na ata pinaka mahabang 5min sa buong buhay ko. pakiramdam ko talaga tumigil yung heartbeat ko. greatest fear ko talaga ang mawalan ng anak.(mawala na as in nawawala, na di mo alam kung nasang lupalop na sya ng mundo)

pagkakita ko sa kanya, tinakbo ko agad sya at binuhat at tinanong san sya galing. sorry sya ng sorry sa akin. di na daw sya lalayo. pero ng mahimasmasan sya, pinagalitan ren ako. bakit ko daw sya iniwan. sa susunod daw wag ko sya bibitawan! (anak promise, di na mauulit!)

paguwi namin, sabi nya sa akin sa susunod daw wag na ako tatakbo. slowly daw ako pumunta sa kanya. sabi ko bakit? sabi nya..."kasi baka madapa ka, tapos mahulog ka sa stairs. di patay ka na. mawawalan ako ng mommy."

langya, sya niwala ko lang ako pinatay na. tsk! tsk! tsk!

Friday, May 23, 2008

Model Parents

Weeee! Hindi lang si little boy ang may award. Kame rin ni mahal.
Nakakuha kame ng model parents award from the school.

Ano ba ang model parent?

Eto ang nakalista sa award nila at may check kung ginagawa ng parent.

Is his/her child's first teacher. Check!
Is responsible and open to communication/suggestions. Check!
Takes an active role in her child's development. Check!
Has trust in the school and its teachers. Check!
Knows that his child's learning is more important than getting things done efficiently and effectively. Check!
Works with and supports the teachers to obtain the best for her child. Check!
Loves. Check!

Yey! Sa lahat daw check kame.

Natutuwa ako. Parang dinaig nya yung feeling ko ng matangap ko ang college diploma ko or any award na natangap ko sa buong buhay ko. (Drama! weheheh.)

Pero pwera biro, nakakatuwa. Ibig sabihin, so far we are doing good as parents. Sana nga maging tama ang pagpapalaki namin sa aming mga iho. Yun lang naman ang dasal ko para sa kanila, ang mapalaki namin sila ng tama. Tama sa paningin namin, sa paningin ng iba at sa paningin ng ating Poong Maykapal. =)

Another Award

Tapos na ang term 2 nila little boy.

Natutuwa ako at me award na naman si little boy ko.

Nakalagay sa award nya...

"Little Boy has a flair for music and movement."

Siguro naman sa akin na to nagmana? Hehehe.

(Buti na lang may movement, kung music lang asar talo na naman ako nito sa nanay ko. Sabihin ke mahal na naman nagmana!)

Tuesday, May 20, 2008

Wednesday, May 14, 2008

Mommastuff Questions : Week 3

What are the names of your kids? Who picked them? Any significance of that name/s?

Little boy : Meg Florentz

Meg - Pag me nagtatanong kung bakit Meg, lagi ko sagot ay "Pangalan ng ex ng asawa ko." Hay ang sarap tignan ng mga shocked faces! nyahahaha. Pero sa totoong buhay kaya yan Meg kasi meron daw napanood si mahal na movie dati na tungkol sa father and child. Na yung tatay, ay nabubuhay daw para sa anak nya. And after watching that film, naisip nya ang papangalan nya sa anak nya ay Meg. (Hindi nya lang siguro naisip na pwedeng maging lalaki ang anak nya. :P)

Florentz - Hango sa pangalan ng aking mahal.Yan na ang the best na magagawa ko to meet him halfway dahil over my dead body, hindi ako papayag na Junior! Wehehe. (Pero nautakan ako, dahil sabi ko Florenz lang e sya nagpa register. Ipinilit ang letter T sa Florenz, kaya naging Florentz! Kaya naman sabi ko sa next baby, kahit duguan ako sasama ako sa pagpapa-register!)

Bebe boy : Rou Shemuel

Rou (pronounced as row) - Oh well, pinipilit ng tatay ko na Rou daw kasi hango sa name nya na ROBERTO. Ipilit daw ba. Sige na pagbigyan ang lolo. (Lahat na lang ipangalan sa kanya, kapatid ko na lalaki ang name ROBERT, yung bunso namin na kapatid ang name ROBBIE. Siyet, buti na lang di nya naisip na pangalanan ako na ROBERTA!) So bakit nga Rou? Gusto ko kasi Thou (pronounced as Taw, e shemuel na ung 2nd name. Parang masyado naman banal pag tinignan mo Thou Shemuel. So esep, esep. Mou Shemuel? Nah. Jou Shemuel. Nah. Inisa isa ko letra, hangang dumating ako sa Rou Shemuel. Tingin ko nice. So ayan, Rou Shemuel.

Shemuel - A week bago ko nalaman na buntis ako. Ako ay nanaginip. Me inabot daw sa aking baby, tapos sabi sa akin ng nag-abot, "anak mo, si Samuel." (Uy, feeling babaeng pinagpala! nyahahaha)So, bago pa lang ako magbuntis samuel na ang dapat na maging pangalan nya. Kaya lang ang dami ng Samuel, so para maiba naman naghanap kame ng ibang form ng Samuel. At Shemuel nga ang aming nakita. It's the hebrew form of Samuel.

Side wento : on kahit duguan ako sasama ako sa pagpapa-register!

CS kasi ako, so sabi ng doctor on the 2nd day dapat na ko tumayo at maglakad lakad.
So naisip namen na paregister. 8th floor si room ko. Ground floor si registry.
Pag dating sa baba, tinagusan na ako. Gusto ko ibalik ni mahal sa taas. E nasa baba nakame, sabi ko ikuha na lang ako ng wheelchair. Ng nasa loob na kame ng registry counter, hagalpak ng tawa si mahal. Sabi nya..."Grabe, kahit duguan ka nga sasama ka sa pagpapa-register!" :p


Trivia : Naks, may trivia pa. hehe

MEG and ROU - pag binagbali-baligtad ay nagiging "OUR GEM".

Wednesday, May 07, 2008

Mommastuff Questions : Week 2

Do you have routines for your kids? Care to share? Does it really help?

I don't have a routine with my little boys.

For me magiging struggle lang kasi kung mag-iimpose ako ng routine.
I hate routines. Life gets boring with routines.
Tawag nga sa akin ni mahal, "tira-pasok".
Tipong bahala na si batman.
Pag kasi ako nagplano, gusto ko nasusunod. E kung hindi masunod ang timeframe na ni set ko, naiinis ako. Masisira lang ang buong araw ko.

Kaya kung ano na lang ang idikta ng oras at panahon, un ang ginagawa namin.

Wala kameng oras sa pagtulog.
(Kung nag-eenjoy bakit patutulugin. Life is short, enjoy it.)

Wala ring oras sa pagkain mga bata.
(Kesa magka-paluan kame, e antayin ko na lang magutom sila at lumapit sa akin.)

Routine... i don't have one, and I don't intend to have any. :p


If you want to share your thoughts on mommy-hood, do it here.

Tuesday, May 06, 2008

Mommastuff Questions : Week 1

Mom's greatest fear.

My greatest fear, ang mamatayan ng anak.
Then nabasa ko ito.

I'll Lend You A Child by Edgar Guest


"I'll lend you a little time, a child of mine", He said
"for you to love while he lives, and mourn when he is dead.
It may be six or seven years, or eleven or twenty-three.
But will you, till I call him back, take care of him for me?
He'll bring his charms to gladden you, and shall his stay be brief,
You'll have his lovely memories as solace for your grief.
I cannot promise he will stay, since all from earth return,
But there are lessons taught down there I want this child to learn.
I've looked the wide world over in search for teachers true.
And from the throngs that crowd life's lanes, I have selected you.
Now will you give him all your love, nor think the labor vain,
Nor hate Me when I come to call, to take him back again?
I fancied that I heard them say,

"Dear Lord, thy will be done,
For all the joy thy child will bring, the risk of grief will run.
We'll shelter him with tenderness, we'll love him while we may,
And for the happiness we've known, will ever grateful stay.
But shall the angels call for him much sooner than we planned,
We'll brave the bitter grief that comes, and try to understand."


---when i look at my kids, lagi ko naiisip...
please Lord, not yet... ---

mommy love kita...

little boy : mommy, love kita maraming marami.
mommy : sarap naman nun. love rin kita maraming marami.

little boy: mommy love ko kayo ni daddy pati si baby, one hundred times.
mommy : love ka rin namen, one hundred times.

little boy : mommy, love kita one hundred dollars!
mommy : hah? one hundred dollars? really ah?

ngek! bakit me presyo???

Wednesday, April 30, 2008

Naniniwala ka ba sa karma?

Wala lang. Natanong ko lang. Nagka-kwentuhan lang kame ng isang kaibigan at napunta ang usapan sa karma.

Kung iisipin mo, parang di naman totoong me karma. Kasi may mga taong me ginagawang di maganda, pero para namang di kinakarma. Kasi nasa magandang tirahan, maayos ang buhay, faithful ang asawa at mababait ang mga anak.

Tapos na realize ko, sa kanya walang nangyayari. Pero ung mga taong mahal nya sa buhay dinadapuan ng sakit, ung anak nakaka-pangasawa ng nang-jojombag. Hindi ba mas masakit na karma un?

Kasi kung ako ang masama, tapos ang anak ko ang tatamaan ng karma, matutuktukan ko ata ang sarili ko. Kung may dapat makarma, ako na ren lang kasi ako ung naging masama. Di ba?

Oh well, nakakatakot isipin. Kaya ayaw ko na isipin. Papaka-bait na nga lang ako. hehehe.

Tuesday, April 29, 2008

Ang bilis ng panahon...

Ang bilis ng panahon.

4yo na si panganay.

6mo si bunsoy.

wala na akong baby.

huhuhu... i miss my babies.

K&K


Monday, April 21, 2008

Grrrooowwwl!



Hulaan kung sino dito si little boy.
(As if naman meron pang ibang pinoy sa pic. ehehehe)

Tuesday, April 15, 2008

my KK bebe

hay hay hay...

sinindak na naman kami ni bunso. sinugod na naman namin sa ospital. suki na kame ng KK hosp. bigla ba naman nanginig at nangitim dahil sa taas ng lagnat!

tuesday me lagnat.

wednesday - dinala ko sa doctor.

thursday - mataas ang lagnat nung umaga. medyo nag chill na. dadalhin na sana namin ni mahal sa ospital kaya lang pag labas ng gate parang nagdahilan lang, as in nawala na ung lagnat.

nung kinahapunan, biglang inabot sa akin ni yaya. bakit daw nanginginig. so dali dali kami ni mahal nagbihis at sugod sa ospital. e bago pa kame makaalis ng bahay ung mga fingers nya, nangingitim na.

hay talaga naman! super scary moment!

nung una, baka daw dengue kasi mababa ang platelets. buti naman the ff day, ng itest ulit, okay na ung platelets nya. pero ung red blood naman daw ang mababa. need na daw pakainin para magka iron sa katawan.

grabe, sa dami ng gamot, daig pa ng aking iho ang isang drug addict. =(

Sunday, April 06, 2008

Hindi na ko manalo!

Kanina aalis kame. May photo-shoot ang naw-sg kids. So gusto ko mag black shoes si little boy, kasi naka polo. E gusto nya naka rubber shoes. So nag-pipilitan kame. Inisip kong utuin,sabi ko ibaon na lang ung rubber shoes. At mag-palit na lang sa studio.

Sagot sa akin:

"eh mommy, bakit di na lang ung black ang ibaon mo. eto na lang rubber shoes ang susuot ko muna."

(tama bang naisip nya pa un! talaga naman! ang ending, ako ang nauto. ibinaon na nga lang namin si black shoes. haaayyyy....)

ang aking mabait na little boy

meron binigay si ninang V kay little boy na lalagyan na hugis jeep. nilipat dito ni little boy ang mga barya nya na galing alkansya. pupunuin daw nya ung jeep para may pambili sya ng toy.

kahapon nag-uusap sila ni ate A.(yaya)

little boy : ate, ano ginagawa mo?
ate A : nagttrabaho po.
little boy : bakit ka nagt-trabaho?
ate A : para may pera ako. para mabili ko rin ang gusto ni may-may.
(anak nya na kasing age ng aking little boy.)
little boy : wag ka na magtrabaho ate. bibigyan na lang kita ng pera dun sa jeep ko para mabigyan mo si may-may ng toy.

awww.... ang bait naman. naisip nya un. natuwa ako. =)

Friday, March 28, 2008

Yippppeeee!

Everything in God's perfect timing.

Life is good.

Wednesday, March 26, 2008

Anak ng teteng!

Grabe kanina umaga. torture!

Ang byahe ko mula bahay hangang opis e humigit kumulang 40minutes. (more of humigit sya and never kulang)

Pagsakay ko sa cab. Alrighty, me sounds!

Kala ko radio. Nagulat ako biglang tinugtog ang anak ni fredie aguilar.

Ask ako ni uncle. You philippine?

Yes, uncle.

So this song, your favorite.

Deadma galore.

Biglang litanya si uncle, you know this also in malay and english.

Yep, uncle. Also in german I think. (hay pumatol pa kasi ako)

And japanese too you know.I am trying to find all version. (Ok, hindi naman sya weird ano po?)

Really, oh ok.

Bigla nya pinatugtog si malay... this one by a band... not aguilera. (Napaisip ako, kelan pa naging magkamag-anak si fredie at cristina?)

Sa malay pa lang dumugo na tenga ko kasi ang creepy, meron pa talagang baby na umiiyak iyak sa background.

After ni malay version, pinatugtog pa ang english! Oh Looord! Feeling ko si michael V ang pinakikingan ko sa bubble gang.

Grabe.... pasalamat na lang ako wala pa syang german at japanese version.

Maganda ang Anak, yes I agree. Pero naman, 3 languages in one cab ride. Tortureeeee!

Sunday, March 23, 2008

Please sign.

Please sign here.

para sa school po ito ni little boy. pa-sign naman po, para next year e may school pa sya. sayang naman kasi at happy si little boy sa school nya. =)

maraming salamat po sa mag-sign!

Friday, March 21, 2008

ang aking houseband

bum ngayon ang aking mahal. 2 weeks na bakasyon bago lumipat sa kanyang bagong office.

nakakatuwa kasi kahit na liblib ang aking office, pinuntahan nya ako para makipag lunch. yun nga lang ako pinagbayad, at sa layo ng office ko taxi pa lang daw ubos na ang pera nya.

tapos, nung gabi nag-offer pa na sya ang magluto. in fairness, blockbuster ang kanyang sarsyado. =) at dahil blockbuster, ginanahan ata magluto. sya ulit nagluto the ff night. tinatawagan ko di nasagot, so bumili na ako ng dinner. ng magka-usap kame, nakaluto na daw sya. sabi ko e nakabili na ren ako ng pagkain. very good daw. buti daw naisip ko un. sabi ko bakit ano ba niluto mo, sagot nya... disaster chicken! at hindi sya nagloloko, disaster nga! akala nga ni yaya, kamote-q daw. ahahaha! sabi ko, +5 pogi points naman sya dahil sa effort. sabi nya bakit daw 5 lang. e sabi ko 10 sana un, e kaso di makain kaya 5 na lang. hehehe.

**note sa mga misis na nagluluto. hindi masarap ang chicken na nilagyan ng oyster sos at toyo. :p**

tapos kanina umaga, inis na inis ako. kasi maaga sya nagising, pero iniwan sa akin si bunso. hindi pa binitbit! so ng magising si bunso, wa na ako choice kundi gumising na ren. tapos hinanap ko sya sa baba. aba! at prenteng prenteng nakahiga sa sofa at nanonood ng tv. grrrrr! so syempre may-i-talak na ako. (hanovah! di mo pa kinuha to nanonood ka lang naman pala dyan...) napahiya naman ako kasi pinagluto pala ako ng breakfast! hang sweeeeet! gusto talaga maka +10 pogi points! (--insert duda here - hmmm, bakit kaya sya sweet? baka may chika bhabes! mwehehehe...malamang makotongan ako pag nabasa nya ito.)

okay pala na paminsan minsan e nagiging bum ang aking mahal at nagiging pa tweetums.
meron pa syang isang linggo, ano pa kaya maiisip nyang lutuin?

Tuesday, March 18, 2008

Stupid Muah

hay hay hay... nauna ang black saturday sa aming pamilya ng dahil sa aking ka-shongahan.

saturday, me studio shoot kame ni mahal. last minute nag cancel ang mow-del.
e dahil babayarin ren naman ung studio, sabi ko ke mahal ung mga bata na lang ang i-shoot. pag dating sa studio, wala pa ung me ari. (di daw kasi nag-confirm) mga 30min pa daw bago sya makarating, so nag breakfast muna kame.

si bunso nagwawala kasi gusto maki-kain. (we started giving him solids, 5 days ago) since nag 5in1 vaccine na sya, naisip ko na okay na sya sa egg. (nung ke little boy kasi, pinakain ko sya ng 1 week na puro egg yolks at 1 week puro egg whites bago mag MMR vaccine as adviced by his pedia.) So ngayon naisip ko, okay ren lang naman siguro. wrong mistake!

pagkasubo ko ng eklok (puti pa!), maya maya nagbutlig na ang labi. e di naman kame nag worry kasi ganun lagi si bunso. pag nainitan, namumula. so kala namen e normal lang na pamumula. hindi ren naman sya nag-iiyak. nung nasa studio na medyo nag-iiyak, sabi ni yaya inaantok na yan. at ng pado-doin, nakatulog naman na nga.

shoot. shoot. shoot. click. click. click. ang nanay at ang little boy.

okay gising na ulit si bunso, sya naman ang mow-del. pag hubad ko, ang dami nang rashes sa likod. halos buong balikat na. tapos ung tenga nya, nagtu-tutong na.
so pack-up shooting. buti na lang walking distance na lang ung studio sa pedia nya.

pag dating sa clinic, wala si pedia! ibang doctor ang andun. at si bunso ko, nangingitim na. ( at ang tontang nanay, di pa talaga nahalata na nangingitim na ang kanyang bebe. si yaya pa ang nagsabi) then bigla sya nanahimik, bigla syang parang nag-sleep na lang. ni check naman nung doctor ung heartbeat, and okay naman daw. tulog lang daw talaga pero need namen isugod na sa ospital. ang ospital, 10min by cab.

pag dating sa hosp, buti na lang pinay ang nasa receiving area. at ng tanungin ano nangyari sa baby, inassist kame agad. (yung nga lang me libreng sermon pa, bakit ko daw pinakain ng egg white) tapos, ng makita ng doctor, si doctor ata e nagpanic ren parang natataranta at di malaman gagawin. tama bang si nurse pa nag-suggest ng gagawin. pina-pa admit na dahil daw need observe. di sabi namen okay. eto si nurse, bigla ako nilapitan, sabi sa akin. bibigyan ko na lang ng gamot si baby mo, tapos ilipat mo ng ospital. ang deposito dito e $3K. (parang ako ang biglang nangati!)
syempre ask ko muna, kung mabibigyan ba yan ng gamot, aabot yan sa ibang ospital? sabi nya, oo naman! (natatawa tawa pa sya! stupid question as it may seem, pero buti na ung sigurado ano!)

pagka bigay ng gamot, lipat na kame agad ng ospital. sa taxi bigla na lang nanlupaypay ang bunso. natakot ako, nidu-dutdot dutdot ko sya. (oi, bebe... wake up... tulog ka lang ba... wake up...)

pag dating naman sa kk, buti na ren lang pinay ang doctor. (yun nga lang, libreng sermon ulit..."ay bakit mo binigyan ng egg, too early pa...) tapos sabi nya ung gamot daw na binigay ke bunso e nakaka-antok (so tulog lang talaga sya sa taxi)
di na daw need i-confine kasi mukang okay naman daw ung gamot na binigay ke bunso. pero need namen antay na lang ng mga 1 hour para makita kung tuluyan ng huhupa ung rashes nya.

so antay kame sa labas. i realized, pinoys will always be pinoys. and will always be chismosa. nung nasa labas kame, me isang babae na sinusundan kame ng tingin. tapos, ng nagkkwentuhan kame lumipat sa may tabi namin. at ng di makatiis, tinanong na talaga nya ako. ("ano nangyari sa ears nya?")

after 1 hour, nag okay na si bunso. binigyan na lang kame ni doc ng gamot para iinumin sa bahay.

haaayyyy, ang hirap pala ng allergy. pagka-lipas ng otso oras, naglalabasan ulit ung pamumula nya. need talaga me follow-up na gamot. 3 araw sya ganun. mukang kagabi lang humupa na talaga. at dahil yan sa isang kutsaritang eklok lang.

tumawag pa ulit ung pedia kahapon, tanong kumusta na daw ang daughter ko... sagot ko pa, daughter? i don't have a daughter. ehehehe, toink! sabi sa akin mag ingat daw ako sa mga kinakain ko kasi magpa-pass daw un sa milk ko e breastfeeding pa si bunso at sa mga ipapa-kain ko ke bunso. ung mga bread, me egg daw un. mga cake, me egg daw un. bigla ko naisip, siyet oo nga. ang naisip ko lang wag pakain sa kanya ulit e eklok, e ang dami nga palang pagkain na may itlog.

ang nakakatawa pareho ng naisip si yaya at si mahal.

yaya : buti na lang di ako ang nag-pakain.
mahal : buti na lang di ako ang nag-pakain.


haaayyyyy.... shonga shongang nanay!

Friday, March 14, 2008

Most Cheerful



Tapos na ang term 1 ni little boy. And he got this award. =)
Happy ako kasi ibig sabihin happy child ang anak ko.

Ang nakaka-inis sa award na ito ay ang sinabi ng aking mudra...

"kakatuwa si little boy,kaya pala kilala sa school nya. siguro mana sya sa asawa mo, kasi asawa mo lagi nakangiti. chaka alangan naman sayo e ang sungit mo, lagi ka naka-simangot...hahaha!"

oo, talaga naman me halakhak pa. HMPPPPP!

Tuesday, March 04, 2008

nakiki-amoy lang.

ginigising si little boy dahil sa kami ay magsisimba na.

mommy : gising na little boy. toothbrush na dali, dragon breath ka e!
little boy : takpan mo na lang ilong mo mommy para di mo maamoy...

Sunday, February 24, 2008

mapag arugang kuya...

kanina paalis kame, inaayos ko ang milk ni bebe boy.
(sad to say, ako ay mixed na ngayon kasi parang monster ang bunso ko kung mag-dodo. hindi ko kayang supplyan!)

nalingat lang ako sandali, pagbalik ko nakupo nanang! natimpla na ni little boy ang isa. (tamang sukat naman kasi naka prepare na ung water and ung # of scoops)

syempre ako e medyo nainis, kasi meron ng timplado. e 4 hours lang ang tatagal nun. so sayang na ung isa. sabi ko ke kuya, bakit ka na naman nangi-alam?

kuya : e titimpla ako dodo ni baby para di sya magutom mommy!

pano ka naman magagalit nyan?

pwede na pakawalan sa kalye tong mga anak ko. mabubuhay na ng wala ako.

Friday, February 22, 2008

simply red

Ni tag ako ni mama mee, at dahil kailangan ko ma-relax ang aking isip e heto na ang aking sagot.

eto ang rules at ang aking sagot. =)


The Rules:

1. Post your photo wearing red, may it be a red top, bottom, the least would be red accessories if you hate wearing red… If you can’t find one, you still have an option…. Either post your Significant Other’s photo or your child’s photo, if you have one. Of course, they should be wearing red.




2. Let us know the reason why you were wearing red that particular day. Was it your birthday? Is red your fave color or was it the shirt that you first saw in your closet that day?

It's my wedding day. At alam ko walang magtatangkang lumait sa akin dahil kasal ko. Mayron mang manlait, I'm sure di na makakarating sa akin. Kaya keber na!

3. Tag 3 people close to your heart. By the way, they have to be in your blogroll. No cheating heart please.

Charmed, Litcoo and Soox

brave enough.

i can... and i will...

Tuesday, February 19, 2008

pasensya na po...

sa lahat po ng nag-iiwan ng comment at mesage sa aking tag-board, tenchu beri meni po... nababasa ko po at natutuwa ako sa mga mensahe nyo, un nga lang po pasensya na at di ako nakaka-sagot dahil ako po ay dakilang alipin ngayon sa opisina.

busy as a bee... onti na lang mag bzzz na ako...

Monday, February 11, 2008

Thursday, February 07, 2008

The other side of SimplyMuah

dahil bukod sa pagiging nanay at maybahay, ako ay may iba pang buhay...
nyarks! ang drama parang totoo... wehehehe...

gusto ko lang pong iparating na ang aking iba pang pinagka-kaabalahan ay matatagpuan sa http://clickandstick.blogspot.com/

=)

Sunday, February 03, 2008

Simply Abie

First trial ng aking baby na si YCA.. The rest of Abie's picture can be viewed here.


Eto naman ang mga kuha ni mahal



Thursday, January 24, 2008

A Not So Good Samaritan

The other day, ni blog ko ung challenge ni YZA. And one of the challenge was "Do something kind for a stranger." At ang sagot ko ay...." target: mmmm, pano ko malaman to e kung stranger nga sya? "


Eto ngayon, kahapon... habang ako e nagmumuni muni sa aking bus na sinasakyan biglang itong huminto sa kalagitnaan ng kung saan. Dangan kasi ay may isang babae na nag black out at lumagpak sa gitna ng daan. Kala ko nung una nadapa lang. Pero napansin namen na kakaiba na sya kasi di makabangon, makikita mo sa itsura nya na hilong talilong sya. At dahil ako ang nasa tabi ng uncle driver, ako ang inutusan nyang bumaba. Well, I think yun ang utos nya. Chinese kasi e, di ko naman naintindihan. (Hmmm.. ngayon ko lang napag isip isip, baka di naman nya ko inutusan. Baka nakiki chismax lang pala sya. ehehee. )


Anyway, di bumaba na nga ako at nilapitan ko ang babae. Natakot pa ko bumaba kasi wala kame sa bus stop! hehehe... Aba mahirap na no! Lumaki akong di napalo ng tatay ko e baka dito pa ako sa SG mapalo!


Tapos pag-lapit ko sa kanya, biglang me lumapit naman na indiano. Grabe! Naisip ko syado ng corrupt ang utak ko ng mga forwarded mails na me mga subject na "beware: new modus operandi!" Kasi napaisip ako, ay san galing tong mamang to. Biglang sumulpot sa kung saan. Mamaya nis-scam na pala ako. Baka magkasabwat sila! ehehee. Paranoid e no. Pero nawala naman takot ko, kasi ano naman mapapala nila sa akin. Wala sila makukuha kundi, EZ link na meron laman $4!


Di kinaladkad na namen ung babae sa gilid. Hehe joke. Exag lang, syempre dinala namen sya sa gilid kung saan safe kame at di na pwede masagasaan.)At ang mamang indiano, kung bigla sya sumulpot bigla ren nawala! (creeeepy sya ha!) E di naiwan tuloy ako mag-isa dun sa babae. Eto ngayon si mamang driver, sinisigawan na naman ako.Syempre di ko pa ren sya naiintindihan. Sa pagkaka-intindi ko sa kanyang sign language ay eto ang ibig nya sabihin "Sasakay ka pa ba ulit? aandar na ako!" E di nag sign din ako ng "sige larga na! matapos mo ko pababain para tulungan tong babaeng to e alangan naman iwan ko to dito, aiyoh!" Pano i sign yan, ganito...umiling with a blank face... hehe


E di naiwan na nga ako mag isa dun sa babae. Tinatanong ko ung babae kung okay na ba sya. E di ako sinasagot. So in-assume ko na hindi nya ko naiintindihan. So tumawag ako ng isang chinese na auntie. Sabi ko auntie, help di ako marunong mag chinese e. Sabi nya, hindi ren daw sya magaling mag mandarin. Pero try nya. Di pa ren nasagot ang babae. Puro ngiti lang. Ang ginawa ni auntie, pinakain sya ng 2 candy. (Gusto ko nga humingi ren, kasi nahihilo na ren ako sa kanila! ehehe) Kung bakit 2, e di ko alam. Basta pag subo nya ng isa, sinubuan pa ulit nya ng isa. Gusto ko nga pigilin kasi na save nga namen sa pagkahilo e baka mabilaukan naman!


Tapos ask ko ung babae, kung uuwi ba sya o me tatawagan sya or ano bang balak nya. Finally sumagot sya, office daw. E andun na ren naman ako, ask ko kung san ba ang office nya. Tinuro nya. Muka naman malapit. So hinatid ko na sya. At sa aming paglalakad, nalaman ko na di pala sya chinese. Sya e taga myanmar. Eheheh. Kaya pala naman di kame pinagsasagot,di nya ren kame naiintindihan. At pano ko naman nalaman na taga myanmar sya, kasi sabi nya sa akin "you philippine? me, myanmar. my office, two philippine." oh ang linaw di ba? hehehe. So naihatid ko na sya ng maluwalhati. Pag pasok nya sa gate, saka ko naisip. Siyeeeet! Nasan na ba ako and where oh where is the nearest bus stop? Ayaaaan! Nag maganda kasi...Di naman pala kaya. Tapos wala pa ko dala hand phone kasi naiwan ko sa bahay... hayyyy, lost talaga! hehehe.


Ayun, ako tuloy ay 1hour late sa office.


So lesson for the day.

1. Wag i-assume na lahat ng singkit ay chinese. (ang mga hapon at koreano ay singket ren... at myanmar!)

2. Wag tatabi sa driver. (ng hindi nauutusan. kala ko kasi sa pinas lang naguutos driver e. "miss, paki abot sukli")

3. Always Tap In and Tap Out. (Para hindi buong $2.50 ang mababawas sa EZ link!)
What a way to start the day, hehehe...




Wednesday, January 23, 2008

my bebe # 3


my new baby: canon 400D

Tuesday, January 22, 2008

Photo by Flo Magcalas




Challenge for year 2008

Got this idea from Yza's blog. Imbes nga naman NY resolution, e bakit hindi gawing NY challenge.
Sa kung sino man ang sipagin, feel free to answer at ilagay sa inyong blog. =)

Champion a child - target: Little boy. He is now in nursery and I think need nya ng guidance ko ngayon more than ever. Kasi eto ang kanyang first major step in facing the world. Ahehe,ang OA ko ata. nursery lang un e, para namang kung anong "world" ang haharapin nya. Pero di ba, first time nya maiwan in a crowd na wala si mommy. Big challenge un noh! (Big challenge para kay mommy, ahehehe... to accept na ang little boy nya ay big boy na.)

Encourage a co-worker - target: new opismate. Hell ang naging buhay ko sa senior ko at ayaw ko gawin un dun sa bago.

Read a a great book - target: Love Story by Erich Segal. sabi ng aking mga chatmates e maganda raw.

Do something that frightens you - target: Umuwi ng pinas and mag start ng business.

Write a thank you note - target: Grandma. Matagal ko na dapat to ginawa.

Do something kind for a stranger - target: mmmm, pano ko malaman to e kung stranger nga sya?

Wow a customer - target: new business costumers. eto e kung matutuloy ang pangarap namen mag asawa na makapag put up ng business sa pinas.

Learn something new - target: photography, siyeeeet! 8 years in the making na ito. pagtuntong ko pa lang sa SG balak ko na to. till now, balak pa ren!

Let go of a resentment - target: current job location. hay let go talaga. wala na ako magagawa dito, it's beyond my control.

Do better work - target: my job. aminado ako na petiks ako last year. dahil buntis ako. (yeah, excuses, excuses. :p)

Be more passionate - target: hubby, syempre with the kids medyo nabawasan ang passion. kailangan ulit magsunog! have to keep the fire burning!

Speak truthfully - target: errr....dito nga ako nagkaka problema. dapat ata target ko e not to speak truthfully. hehe. masyado ako truthful that i end up being taklesa!

Stand for excellence - target: now. dapat naman laging ganyan di ba. dapat lang... di naman ginagawa. :p

i have 2 eyes...


i have two eyes, the left and the right.




Friday, January 11, 2008

i want to break freeeee!

(I want to break free)
(I want to break free)
I want to break free from your lies
You're so self satisfied I don't need you
I want to break free
God knows, God knows I want to break free

*** sa mga chismax, wala po kinalaman to sa buhay may asawa ko. :p ***

my school boy

nursery na ang panganay ko... huhuhu...ganun pala pakiramdam ng may schooling ng anak, me kirot sa dibdib. feeling ko laki laki na nya.


january 2 - orientation nila. feeling ko nasa pinas ako, naka civilian clothes ko pinapasok anak ko dahil first day. ayan tuloy sya lang naka civilian! ehehehe. aba malay ko ba. pers time din ni mommy e. wala naman nakalagay sa letter nila na need na naka uniform. sabi tuloy ni teacher sa kanya, "today, you are special." wehehehe.

january 3 - lekat tong service nya. usapan namen, friday ang first day na sundo. aba bigla ba naman sumulpot sa bahay! ayun tuloy pati ako napasakay sa service! brings back old memories tuloy. (memories na kung saan high school na ako e naka service pa ako at ang kasabay ko e mga kinder at prep! wahahaha)

january 4 - 2nd day pa lang nakatangap na ako ng tawag. (oh lord! ) sabi ni teacher ang takaw daw ng anak ko! (siyeeet, kakahiya. baka akalain ni teacher di ko pinapakain anak ko. PG and futek!) Actually, di naman matakaw ang term nya. ang term nya meron daw healthy appetite! ahahaha. siyeeet talaga. malupit makapag pagana ang cherifer ah. sabi daw ng anak ko, teacher i want some more. at ng sabihin nya na hindi na pwede, aba e pumunta daw sa basket nila kung saan andun ang food supply. di ko alam kung survivalist tong anak ko o talagang mashuba! hehehe

ETO PINAKA-MALUPIT!!!

january 10 - habang ako e nag-eenjoy sa bahay dahil ako e naka leave. nakatangap ako ULIT ng tawag mula ke teacher. DAHIL...DAHIL...DAHIL... nanapak ang aking iho! sabi ni teacher "he threw a punch, and it landed on his classmate's face." how, oh how in the world are you going to react on that? siguro isip ni teacher,lekat tong batang to ah... PG na, basag ulo pa! ahehehe.

ang pinag-awayan... Birthday cake!

next week kasi bday ni iho. so kasama ko sya ng umorder ako ng keyk para sa bday nya. tapos sinasabi ko sa kanya na para sa bday nya un sa school. e ang siste, me nauna na nag celebrate sa kanya. akala nya bday nya un. so sinasabi nya sa classmate nya na bday nya. e meron isang classmate na tumutol. sabi daw sa kanya, "meg, its not ur birthday" ayun, sinapak na nya!

hay hay hay... sabi naman ni teacher, di naman daw kasalanan ni little boy ko kasi nga wala pa sila sense of time. so di pa nya naiintindihan ang concept na bukas or tomorrow or next week.

nakausap ko naman si little boy at aminado sya na mali sya at magso-sorry na daw sya ke teacher, dun sa may bday at dun sa sinapak nya. yun nga lang, ayaw na nya mag bday sa school. gusto nya sa bahay na lang. kasi daw, aagawan na naman sya ng bday! ahehe. wawa naman little boy ko.

hay... 2 weeks pa lang ito at nasa nursery... naway wag naman laging ganito... kundi, idi-divert ko na ang mga tawag ko ke mahal para sya na kumausap kila teacher. ehehehe...

Wednesday, January 09, 2008

Friday, January 04, 2008

rated X!

isang gabing pinapalitan ko si bebe boy ng diaper...

little boy: mommy, bakit malaki ang bird (referring to bebe boy's balls) ni little brother, sa akin maliit?

mommy: (esep, esep ng sagot) mmm, malaki ren naman ang iyo. (susko, ano bang sagot yan!)

little boy: hindi, maliit lang ang akin.

mommy: pareho lang kayo.

(little boy biglang nilabas ang kanyang birdie!)

little boy:hindi mommy, mas maliit ang bird ko. mas mahaba lang ang tete ko. tignan mo oh!

nyahahahaha!

mommy deep inside: dadddddy! wake up, help me please!!! hindi ko alam pano i-discuss ang human anatomy sa isang soon to be 4yo na bata!