Saturday, June 27, 2009

Writings on the wall.

Today, I discovered that there are pencil writings on our wall. Well, it was more of a doodle really.

Sabi ni Mahal, mukang si bunso ang salarin dahil si kuya e never naman nagsulat sa wall un. Ask ko kung pinagsabihan ba nya. Hindi daw kasi hindi naman caught in the act at di pa daw nakaka-intindi ang bulilit. Sabi ko, anong nd nakaka-intindi. Hindi sya nakakapagsalita, oo. Pero nakakaintindi na etong kulentong na to.

So dinala ko sya sa wall. At bago ko pa man ma-reprimand, e aba nanlaki mata, ngumisi at nag-iiling. Langya, nakakaloko tong paslit na to ah. Kinukuha ako sa pagpa-pacute! At dahil nanay ako, nakuha naman ako. Hehehe.

Sometimes, worried ako kasi di pa sya nagsasalita. Pero, alam naman nya kung ano ang gusto nya. At di titigil hangang di mo nage-gets kung ano ang action nya. Oh well, enjoy ko na lang ang pagka-baby nya since si kuya e di masyado dumaan sa pagka baby. At least balanse silang dalawa. =)

Friday, June 26, 2009

Personal Space.

Little boy : Mommy, do you know what personal space means?
Simplymuah : What?
Little boy : It means, you give me my space. You go away from me for awhile. Do not touch me. Do not talk to me. Nothing. Just my space. Me alone.

Ay ang tarush! Kotongan ko kaya?

Friday, June 19, 2009

One at a time.

Nakaipon na si little boy ng $51. And since usapan namin na he needs $49, sabi ko pwede na sya bili ng Transformer nya. (Un ang akala ko! Lekat ang gusto pala na transformer e worth $99, Susmaryosep!)

So pagdating sa mall, kinuha na nya si Megatron nya. Ng i-check ko si presyo, e muntik ko ng tawagin si Optimus Prime at ipabugbog si Megatron. Dangan ba naman e $99nga ang presyo! Uber ha! So sabi ko hindi pwede kasi masyado pala expensive, hindi pa kasya money nya. Kung gusto nya pili na lang ng iba. Walang kakibot-kibot, sabi nya 'Ok!' at ibinalik si Megatron sa dapat nyang kalagyan!

So nagpipili, nagpipili... and he ended up buying a ninja turtle toy. (Which is again another story, dahil hay hay hay.... talaga naman!)

The ninja toy was only $27. So meron pa sya $24. And he was also eyeing this small helicopter na nalipad-lipad. Since meron pa sya $24 and and $16 lagn ung helicopter, sabi ko he can buy the two with his money.

His reply...'Mommy, di ba sabi mo one at a time. So, eto na munang ninja. I choose this one. Next time na itong helicopter.'

Wow! Naalala nya ang rule ni mommy. Kakatuwa. I am so proud of my little boy. =)

And as for the ninja toy, ahuhuhu... meron pala un kasama na ooze. Ayun, pumunta sa carpet at kahit anong gawin ko, ayaw nya matangal. Que barbaridad! Ano kaya gagawin ko dun para matangal. Nuninuninuninu....

Tuesday, June 09, 2009

WS: CT06: Biyenans, Bayaws, and Hipags

Wifespeaks Chika Tuesday :
Biyenans, Bayaws, and Hipags
Family package or family baggage? Family Package. (Yung akin ata ang family baggage, hehe)
Angels or Demons? So far, angels.
Fairy tale or horror story? Fairy tale.
Dagdag sa mamahalin or dagdag sa pro-problemahin? Mamahalin.
Blessed or distressed? Blessed.

Chikahan niyo naman kami, what was your first impression of your in-laws and did they live up to (or totally surpassed) your expectations?

Ika nga ng aking mahal na ina, ako ay isang babaeng pinag-pala. Dahil ng magka-kilala kame ni mahal, wala na syang parentals. No parents for him = No pakikisamahan for me. But I guess (or I am thinking na kung buhay man sila) ay they will love me as their DIL. Bakit kanyo, e kasi bigyan ko ba naman sila ng mga apo na kundi matalino e gwapo, e hindi ba sila matuwa nun? Mwehehehe. Bonus na lang na maganda ang napangasawa ng anak nila. Nyahahaha! Oh, walang aangal blog ko to. :p Kidding aside, e bakit nga nila ko mamahalin? Kasi marunong ako mag-langis. Ika nga e plastic, orocan, tupperware!!!! Mwehehehe. Joke ulit, though sometimes jokes are half meant. :p

Eto serious na, siguro since laki ako sa lola ko nakita ko kung pano nya pakisamahan ang mga DIL's nya so kung sakala magka parents-in law ako alam ko na pano pakisamahan. (At sa nakita ko na rin sa iba pang mga MIL.)
1. They want the best for their children. Who wouldn't right? (Kahit ako tanungin and ideal SIL ko is maganda, me pinag-aralan, at mamahalin anak ko to name a few and the "good" list will go on.)
2. Gusto nila ung nakikitang mahal (at pinagsisilbihan) ang anak nila.
3. It's either most loved or most hated and asawa ng paboritong anak.

At sa tatlong puntos na yan,
1. Me pinag-aralan naman ako. Hindi lang diploma ang sukatan, but I think pinag-aralan in the sense na alam ko naman gumalang sa mga dapat igalang.
2. Kaya ko ipakita na mahal at pinagsisilbihan ko ang anak nila. (Kahit na pag andyan sila - "Mahal, ano gusto mong dinner?" , Pag wala - "Mahal, luluto ako dinner, hugas ka pingan ha!. :p)
3. Kung paborito ka, well and good. If most hated, sorry ibigay mo man ang buhay mo, hindi na un magbabago. So, kung most hated ako, papaka-civil na lang siguro ako. Care ko naman kung hate nya ko, even if there is "mana" involved wa ako paki. It's their money, so they can do what they want to do with it.

E kaso nga, di na applicable sa akin ang mga yan kasi wala naman ako Parents-in-law.
And lahat ng kapatid ng asawa ko is mga boys, so wala rin problema dahil sabik sila sa babae (oh ang mga madudumi ang isip! ibig ko po sabihin e sabik sa babaeng kapatid!), kaya naman lahat kameng SIL nila e espesyal sa kanila. As for the misis ng mga BIL ko, ung kasama ko dito sa OZ ay aking best pren bago ko pa mapangasawa si mahal so no problem there. The rest, bihira ko makita kasi nasa pinas, so miss namin isa't isa pag nagkita, so no time na for inggitan, bickerings or patalbugans.

Oh naniwala na kayo na ako ay isang babaeng pinagpala?

**Though alam ko deep inside kung bakit di ako binigyan ng in-laws, kasi napatol ako. Wala sa aura ko ang nagpapa-api kasi matagal na akong api! :p ***

Saturday, June 06, 2009

My little master chef.

Etong aking si little boy, laging nakasiksik sa akin sa kitchen pagluluto ako.
Gusto nya lagi syang kasali sa pagluluto. Na ikinaiinis ko minsan (actually, madalas!) kasi lalo ako napapatagal sa pag-luluto.

Kanina, nanaig na naman ang aking pagiging ina. Me nakita ako na isang set ng chef outfit (Toque(Chef's hat), Apron, Kitchen towel and Pot holder) na for kids, so binili ko sya kahit na alam ko na lalo ako nitong kukulitin sa kitchen.

Binili ko ito for little boy, ay naku tuwang tuwa! Nakalimutan na si ben-10 at incredible hulk. Tumakbo sa daddy nya at Chef na daw sya. At ang tanong agad e kung ano daw ang iluluto nya. So, sinali ko sya sa pagluto ng dinner. Menu is steamed crab and leche flan, hindi na kailangan ng effort so oks lang na me makulit hehe. Sa steamed crab, sya ang pinag-on ko ng steamer. :p Tapos sa leche flan, sya pinaghalo ko ng ingredients at pinag-cover ko ng lanera. Kala nya sya na nagluto. Hehehe.

Pagkaluto, tinawag daddy nya at sinabing tapos na sya magluto. Pilit na pinatitikim daddy nya. Ng tumikim si daddy nya, tanong agad "Am I the best cook daddy?" Sagot naman ng daddy nya, 'You're the best!" Heaven ang little boy. Ask na nya kung ano ang next namin na iluluto.

Kakatawa lang while doing the leche flan, pagbiyak ko ng itlog nabasag agad ung pula. So napa 'ay sh!t!' ako. So itong si little chef, kada maglalagay ako ng itlog sa bowl panay ang 'ay she'. So good cooking and good swearing, better watch out Mr. Gordon Ramsay! Mwehehe. (Syempre po sinaway ko sya, at mahabang paliwanagan pa kung bakit sya hindi pwede mag 'ay she' at kung bakit sinabi un ni mommy! :p)

***

Little boy: Mom, am I a cook or a chef?
Mommy : hmmm... assistant cook. Pag laki mo aral ka para maging chef ka.
Little boy: I wanna be the best cook mom. no, no...I want to be the best chef.
Mommy : You will be, little boy. You will be.

***

Emma's Floorplan

Posted the floorplan of Emma here.

Friday, June 05, 2009

Cutie Bebe!

Ang aking bunsoy (hindi na little bebe, kasi di na sya little at lalong hindi na sya bebe) nakaka-aliw.

Kahapon ng papasok si kuya, since maiwan ako sa house, he kissed me, hugged me, nagba-bye at lumabas na sa door papunta sa garahe. Etong si bunsoy ko, humalik din sa akin, hugged me and nagba-bye at papunta na rin sa garahe! Ehehe. Kaka-aliw. Ready na rin for school! Yun nga lang nag-iiyak ng ma-realize nyang iwan kameng dalawa sa bahay. =(

Tapos nung hapon naman, lumabas ako para mag-sampay. Iniwan ko sya na andun sa mga sapatusan. Kala ko pinaglalaruan ung mga shoes kasi ang tagal nya dun. Ng matapos ako ng sampay, pag-lingon ko aba, dala ang magka-terno nyang rubber shoes at inaabot sa akin. Ayos din tong batang to, hindi pa man marunong magsalita e layas na!

At ang matindi, hindi pa nga marunong magsalita e marunong ng magalit. Pag naiinis, iniirapan ako!!! Tama ba naman un? Mukang maldito tong isang to.... Pero uubra ba sya sa nanay nya? Syempre hindi! hehe...

Wala lang, kakatuwa lang ang progress nya. Slowly but surely. =)

Alleluiaaaa!

Kahapon tinawagan ako ng PhilEmbassy. Ready na daw ang passport ng aking little boy.
Ng magpakilala sya na from Embassy, hindi ako nakapag pigil, sabi ko "Finally! At long last! Ano na pong balita sa passport ng anak ko?" Ehehhe.
Kesyo me beck-log daw ang DFA sa pinas sa pag-gawa ng passport kasi lahat daw ng pinas passport all over the world e dun pa pinapadala.

Naisip ko, siguro nagbabasa sya ng blog ko at nabasa nya ang aking frustration.ahehehe :p

Tuesday, June 02, 2009

%@@$^%^&!!!

Hay hay hay! Ang aking dugo e lampas pa ng boiling point.
Hangang ngayon wala pa rin ang passport ni little boy!
Grabbbbeeeee! 7months na! Luppeeet! Onli in da pilipins!

Little boy's award. =)

In-awardan na kanina si Little boy.

He got that award for being true to their school motto, which is to "Let your light shine."


At pano sya nag-shine? Eto ang nakalagay sa award nya....

"Always has a smile on his face for his classmates and is great on teamwork!"

Ehehe. Hindi pa ata alam ng teacher nya na sa likod ng mga ngiti ay may natatagong ngisi. :p

And for this award, we gave him the Hulk Transformer as a reward. And it put a bigger smile on his face at talaga naman nag shine ang kanyang mga mata! =)

Kakatawa lang, ng ask ng ninong nya kung ano yung toy nya, ang sagot nya "that's expensive! very, very expensive!" Yun kasi sabi ko sa kanya ng ask nya bakit ayaw ko sa kanya buy yun e. Ahahaha! :p