Etong aking si little boy, laging nakasiksik sa akin sa kitchen pagluluto ako.
Gusto nya lagi syang kasali sa pagluluto. Na ikinaiinis ko minsan (actually, madalas!) kasi lalo ako napapatagal sa pag-luluto.
Kanina, nanaig na naman ang aking pagiging ina. Me nakita ako na isang set ng chef outfit (Toque(Chef's hat), Apron, Kitchen towel and Pot holder) na for kids, so binili ko sya kahit na alam ko na lalo ako nitong kukulitin sa kitchen.
Binili ko ito for little boy, ay naku tuwang tuwa! Nakalimutan na si ben-10 at incredible hulk. Tumakbo sa daddy nya at Chef na daw sya. At ang tanong agad e kung ano daw ang iluluto nya. So, sinali ko sya sa pagluto ng dinner. Menu is steamed crab and leche flan, hindi na kailangan ng effort so oks lang na me makulit hehe. Sa steamed crab, sya ang pinag-on ko ng steamer. :p Tapos sa leche flan, sya pinaghalo ko ng ingredients at pinag-cover ko ng lanera. Kala nya sya na nagluto. Hehehe.
Pagkaluto, tinawag daddy nya at sinabing tapos na sya magluto. Pilit na pinatitikim daddy nya. Ng tumikim si daddy nya, tanong agad "Am I the best cook daddy?" Sagot naman ng daddy nya, 'You're the best!" Heaven ang little boy. Ask na nya kung ano ang next namin na iluluto.
Kakatawa lang while doing the leche flan, pagbiyak ko ng itlog nabasag agad ung pula. So napa 'ay sh!t!' ako. So itong si little chef, kada maglalagay ako ng itlog sa bowl panay ang 'ay she'. So good cooking and good swearing, better watch out Mr. Gordon Ramsay! Mwehehe. (Syempre po sinaway ko sya, at mahabang paliwanagan pa kung bakit sya hindi pwede mag 'ay she' at kung bakit sinabi un ni mommy! :p)
***
Little boy: Mom, am I a cook or a chef?
Mommy : hmmm... assistant cook. Pag laki mo aral ka para maging chef ka.
Little boy: I wanna be the best cook mom. no, no...I want to be the best chef.
Mommy : You will be, little boy. You will be.
***
No comments:
Post a Comment