Today, I discovered that there are pencil writings on our wall. Well, it was more of a doodle really.
Sabi ni Mahal, mukang si bunso ang salarin dahil si kuya e never naman nagsulat sa wall un. Ask ko kung pinagsabihan ba nya. Hindi daw kasi hindi naman caught in the act at di pa daw nakaka-intindi ang bulilit. Sabi ko, anong nd nakaka-intindi. Hindi sya nakakapagsalita, oo. Pero nakakaintindi na etong kulentong na to.
So dinala ko sya sa wall. At bago ko pa man ma-reprimand, e aba nanlaki mata, ngumisi at nag-iiling. Langya, nakakaloko tong paslit na to ah. Kinukuha ako sa pagpa-pacute! At dahil nanay ako, nakuha naman ako. Hehehe.
Sometimes, worried ako kasi di pa sya nagsasalita. Pero, alam naman nya kung ano ang gusto nya. At di titigil hangang di mo nage-gets kung ano ang action nya. Oh well, enjoy ko na lang ang pagka-baby nya since si kuya e di masyado dumaan sa pagka baby. At least balanse silang dalawa. =)
No comments:
Post a Comment