Ang aking bunsoy (hindi na little bebe, kasi di na sya little at lalong hindi na sya bebe) nakaka-aliw.
Kahapon ng papasok si kuya, since maiwan ako sa house, he kissed me, hugged me, nagba-bye at lumabas na sa door papunta sa garahe. Etong si bunsoy ko, humalik din sa akin, hugged me and nagba-bye at papunta na rin sa garahe! Ehehe. Kaka-aliw. Ready na rin for school! Yun nga lang nag-iiyak ng ma-realize nyang iwan kameng dalawa sa bahay. =(
Tapos nung hapon naman, lumabas ako para mag-sampay. Iniwan ko sya na andun sa mga sapatusan. Kala ko pinaglalaruan ung mga shoes kasi ang tagal nya dun. Ng matapos ako ng sampay, pag-lingon ko aba, dala ang magka-terno nyang rubber shoes at inaabot sa akin. Ayos din tong batang to, hindi pa man marunong magsalita e layas na!
At ang matindi, hindi pa nga marunong magsalita e marunong ng magalit. Pag naiinis, iniirapan ako!!! Tama ba naman un? Mukang maldito tong isang to.... Pero uubra ba sya sa nanay nya? Syempre hindi! hehe...
Wala lang, kakatuwa lang ang progress nya. Slowly but surely. =)
No comments:
Post a Comment