Wifespeaks Chika Tuesday :
Biyenans, Bayaws, and Hipags
Family package or family baggage? Family Package. (Yung akin ata ang family baggage, hehe)
Angels or Demons? So far, angels.
Fairy tale or horror story? Fairy tale.
Dagdag sa mamahalin or dagdag sa pro-problemahin? Mamahalin.
Blessed or distressed? Blessed.
Chikahan niyo naman kami, what was your first impression of your in-laws and did they live up to (or totally surpassed) your expectations?
Ika nga ng aking mahal na ina, ako ay isang babaeng pinag-pala. Dahil ng magka-kilala kame ni mahal, wala na syang parentals. No parents for him = No pakikisamahan for me. But I guess (or I am thinking na kung buhay man sila) ay they will love me as their DIL. Bakit kanyo, e kasi bigyan ko ba naman sila ng mga apo na kundi matalino e gwapo, e hindi ba sila matuwa nun? Mwehehehe. Bonus na lang na maganda ang napangasawa ng anak nila. Nyahahaha! Oh, walang aangal blog ko to. :p Kidding aside, e bakit nga nila ko mamahalin? Kasi marunong ako mag-langis. Ika nga e plastic, orocan, tupperware!!!! Mwehehehe. Joke ulit, though sometimes jokes are half meant. :p
Eto serious na, siguro since laki ako sa lola ko nakita ko kung pano nya pakisamahan ang mga DIL's nya so kung sakala magka parents-in law ako alam ko na pano pakisamahan. (At sa nakita ko na rin sa iba pang mga MIL.)
1. They want the best for their children. Who wouldn't right? (Kahit ako tanungin and ideal SIL ko is maganda, me pinag-aralan, at mamahalin anak ko to name a few and the "good" list will go on.)
2. Gusto nila ung nakikitang mahal (at pinagsisilbihan) ang anak nila.
3. It's either most loved or most hated and asawa ng paboritong anak.
At sa tatlong puntos na yan,
1. Me pinag-aralan naman ako. Hindi lang diploma ang sukatan, but I think pinag-aralan in the sense na alam ko naman gumalang sa mga dapat igalang.
2. Kaya ko ipakita na mahal at pinagsisilbihan ko ang anak nila. (Kahit na pag andyan sila - "Mahal, ano gusto mong dinner?" , Pag wala - "Mahal, luluto ako dinner, hugas ka pingan ha!. :p)
3. Kung paborito ka, well and good. If most hated, sorry ibigay mo man ang buhay mo, hindi na un magbabago. So, kung most hated ako, papaka-civil na lang siguro ako. Care ko naman kung hate nya ko, even if there is "mana" involved wa ako paki. It's their money, so they can do what they want to do with it.
E kaso nga, di na applicable sa akin ang mga yan kasi wala naman ako Parents-in-law.
And lahat ng kapatid ng asawa ko is mga boys, so wala rin problema dahil sabik sila sa babae (oh ang mga madudumi ang isip! ibig ko po sabihin e sabik sa babaeng kapatid!), kaya naman lahat kameng SIL nila e espesyal sa kanila. As for the misis ng mga BIL ko, ung kasama ko dito sa OZ ay aking best pren bago ko pa mapangasawa si mahal so no problem there. The rest, bihira ko makita kasi nasa pinas, so miss namin isa't isa pag nagkita, so no time na for inggitan, bickerings or patalbugans.
Oh naniwala na kayo na ako ay isang babaeng pinagpala?
**Though alam ko deep inside kung bakit di ako binigyan ng in-laws, kasi napatol ako. Wala sa aura ko ang nagpapa-api kasi matagal na akong api! :p ***
No comments:
Post a Comment