Wednesday, August 12, 2009

Athletics Carnival

Kahapon athletics carnival nila little boy. Susmio, pahirapan gisingin nung umaga.Ayaw daw nya pumunta kasi malamig at mapapagod lang sya. Kung ako lang, hindi ko na papasukin. Mano ba naman ma-miss nya yun di ba? E kaso strikto si Pa-pa! Hindi daw pwede, dahil masasanay na kung ayaw pumasok e hindi na papasok. Oh e di sige, ikaw pumilit.

Ng nagpipilitan sila, ask ni Daddy kung bakit ayaw pumunta, sabi nya kasi ayaw daw nya sumakay sa roller coaster. Nyah! Kala pala e literal na carnival. Ehehehe. (Kumbakit naman kasi nga Athletics Carnival pa ang tawag,e pwede namang simpleng Sportsfest na lang!) So, syempre mananalo ba naman ang anak sa ama. Nanalo nga ang ama kaso ang nanay naman ang nahirapan! Kasi ang kundisyon ng anak e dapat kasama si mommy sa venue. E di go ang mommy, Hay hay hay! Hirap talaga maging tanging-ina!

So pagdating sa venue at habang naglalaro na sila, binulungan ko si little boy. Sabi ko sa kanya, "Sabi ko sayo walang roller coaster dito e, naniwala ka na ke mommy at daddy?" Nangiti lang sya na me kasamang pagkapahiya. Hehehe. Tapos ng alam ko na nag-eenjoy na sya, sabi ko sa kanya since sabi nya ayaw nya attend nung athletics carnival nila, e uwi na lang kame dalawa. Syempre ayaw na nya umuwi. (Mental torture ba sa bata, :p )

Okay naman ung carnival nila, masaya kahit kagulo ung mga preps. Syempre ano naman asahan nila sa prep, makakasunod ba naman sa instructions mga yun. Ang maintindihan lang nun e RUN, THROW at JUMP. Bukod dun e wala na sila paki-alam. So ayun, habang kalamigan at habang nag-aaambon e nagtatakbo, talon at bato ang mga little ones. Kahit nilamig ako e enjoy naman. =)

No comments: