My assignment si little boy para sa show and tell. Pinapili sila ng animal at need nila alamin kung ano ang tawag sa baby nito. At ang kanyang napili... LIZARD! Anak ng butiki namam oh! Tama ba naman un, sa dinami dami ng animal e lizard pa ang napili. Susmio mahabagin. So mega research si mommy. At and nakita ko lang ay hatchlings (daw) ang tawag ayon kay askwiki.
So sinabi ko kay little boy ang aking nalakap sa internet. Sabi nya hindi daw, hatchlings daw ang tawag when the animals is just about to come out of their eggs. (I think what he meant was hatching.) Sabi nya alam na daw nya ang tawag sa baby lizard, and it came out from his brain daw. So I asked what it was, he said it is called a.... BABY LIZARD! oh well, me katukwiran naman.
So nagpresent na nga sya sa school, sabi daw ni classmate 1 at ni classmate 2 that baby lizards are called hatchlings. (siguro sabi rin sa kanila ni askwiki, hehe)Anyway, sabi daw nya ay Hindi daw, baby lizard lang daw. And sabi din daw ni teacher, it is just baby lizard. Buti naman at nakuha nya sa magandang usapan unlike the other time that somebody disagreed with him.
So ask ko pa kung ano sinabi nya sya show and tell aside from the life cycle diagram na ni-print ni mommy para sa kanya. At eto daw ang sinabi nya...
Little boy : Do you know that there are special kinds of lizards? They are called african lizards.
So, tanong namin why are they special? (At ngayon ko lang narinig tong mga african lizards na ito.)
Little boy: Because, THEY LIVE IN AFRICA!
Nyahahahha! Nga naman mommy! :p
No comments:
Post a Comment