Tuesday, August 18, 2009

Bathtub Horror!!!

Last sunday, pinag bath tub ko ang aking dalawang iho. Nauna umahon si bunso, naiwan pa si kuya kaya di ko pa agad na-drain ang bath tub. Ng umahon si kuya, si daddy na ang nag-assist sa kanya. (At this point nasa baba kame ni bunso.)

Pag-akyat ko, inasikaso ko si kuya. Maya maya, si bunso wala na sa paningin ko.Sabi ni Mahal, nasa banyo na ata. I-drain mo na ang bathtub. Ng makita ko nasa may bathtub na nga. Binuhat ko sya at sinara ang pinto ng banyo. Since basa na ulit sya, pinalitan ko sya ng damit. Tapos nalimutan ko na ang bath tub.

Hanggang sa nakatulog na kameng lahat nung hapon. Nagising na lang ako ng may isang batang basang-basa ang yumakap sa akin.

PUTEKKKKK! Ang aking si bunso. Basa from neck down. Naglasti sa bath tub. Grabe! Ng magbalik ako sa kamalayan napayakap ako sa kanya at super thanks kay Lord na walang nangyari ke bunso. Hindi ko alam kung gano sya katagal dun or kung ano ba ang ginawa nya, di ko alam kung lumusong kasi kahit basa sya neck down, e sa likod nya me part na triangle na hindi naman basa. So di ko alam kung lumusong ba at nakatayo lang sya or yung kamay lang nya ang pinanglawlaw nya sa bathtub.

Hay hay hay talaga! Nung tanungin ko kung nag bathtub ba sya ang sagot sa akin ay 'Zzzzzzzzzzzz!!!!' (nagkukunyaring tulog) Ilang beses ko tinanong at un ang sagot sa akin. Ng sinabi ko lang na 'HEY! ANSWER MOMMY! NAG BATHTUB KA BA?'(Buti di pa marunong magsalita at sumagot ng OBVIOUS BA MOMMY?" Um-oo lang sya sa pamamagitan ng kilay nya tapos patay-malisya na. Sabi ko wag na sya uulit. (Actually, para kay mommy yun. Wag na uulit makakalimot mag drain ng bath tub.) Might not be so lucky next time.

Thank you talaga kay Lord for looking after my bunso. Baka loka-loka na ako ngayon kung may masamang nangyari and I definitely can not forgive myself mayron nga. Thank you, thank you Lord.

1 comment:

Migrant Mum said...

Yay! Buti na lang. Ayos si bunso mo. Parang binabaligtad ang sikmura ko sa kwento mo. Reminding me to always do the same. That's also one reason we always lock all the doors to the bathroom and the toilet.

Malilikot pa naman ang boys kaya doble ingat na lang.