"Ayaw ko ng masikip, ayaw ko ng mainit, ayaw ko ng mabaho. Ayaw ko ng putik." --Maricel Soriano (can't remember what movie)
Eto ang version ng little boy ko na hindi ko alam kung kanino nag-mana ng pagkaselan at nuknukan ng kaartehan.
"Mommy, ayaw ko na bumalik sa Singapore. Ayaw ko dun kasi mainit. Nasusunog ako. Nabu-burn ako ng sun."
Gusto ko sagutin ng--E kung sinisilaban kaya kita ng matigil ang kaartehan mo?
Hayyyy... is this the same kid 6months ago who told me this --'Mommy balik na tayo ng Singapore, ayaw ko na dito ang lamig lamig. Tignan mo ang hands ko ang tigas na, di ko na magalaw.
Sala sa init, sala sa lamig! Aiyoh!
No comments:
Post a Comment