Ang aking si little boy ay nahihirapan na magsalita ng tagalog. So ang rule namin ngayon, sa bahay at kotse dapat tagalog lang ang salita.E nags-struggle na talaga sya. Sabi ko kailangan nya matuto pa rin ng tagalog dahil pag umuwi sya ng pilipinas walang kakausap sa kanya. Eto ang aming naging usapan.
Mommy : Kailangan mo anak managalog dahil walang kakausap sayo sa pinas.
Little boy : Bakit?
Mommy : Kasi hindi lahat sila nag-eenglish. Tagalog ang salita dun.
Little boy : Sino nga mommy yung may spiky brown hair sa kabilang room?
Mommy : Si tom? (British BF ni Tita Kristy.)
Little boy : Yes si Tom. E bakit sya laging nag-eenglish dun?
Mommy : E kasi hindi naman sya Filipino. British un. English talaga salita nya.
Little boy : E di sya na lang kakausapin ko!
Hetong batang to, gusto ata talaga makatikim ng konyat, kutos at kotong Filipino style!
1 comment:
haaang kulet!bwahahahaha. napakasmart and witty talaga ng little boy mo! may pinagmanahan! :)
Post a Comment