Ang aking si bunso, di pa man marunong magsalita e sobra na sa pagka-gala.Basta nakita ang daddy nya na nasa garahe, nakupo natataranta na un sa paghanap ng shoes nya.
Kanina, nasa garahe ulit ang daddy. Dali dali punta sa shoe cabinet at nagsuot ng sapatos, e nakita ata na nagbukas na ng kotse si daddy nya. Ayun, tumakbo na! Yung isang sapatos naka-suot. Ung isa, hawak hawak nya. At nagsisigaw ng "Daddyyyyy! Daddyyyyy!"
Hehe, ang cute nya tignan. Takot na takot maiwan. Tsk! Tsk! Mukang eto ang mauunang umalis sa poder ko a.
1 comment:
hahhaha pareho tayo!ganyan din ang 2 yr old ko.kahit baliktad na ang tsinelas nagpapanic baka maiwan.
Post a Comment