Last night was little boy's Camp Day and Pyjama Prayer night. Aside from the kids, parents were also required to attend in pyjamas. Game sana ako kaya lang di naman kame ni mahal nagpa-pajama sa gabi. Shirt and shorts lang kame kung matulog at kung malamig e jogging pants. So shirt and jogging pants lang suot namin. (Sabi ko di tayo mukang matutulog, mukha tayo mag eexercise pagkagising. mwehehhee)
During the day camp, pinagawa sila ng letter. And this is what little boy wrote for us.
"i laf my mummy and my daddy. vecoz vey gime me xoxoxoxoxoxo." -
(Me dugong german ata anak ko. hehe. me v and f depect. :P)
He read it as:
I love my mommy and daddy because they give me hug and kiss and hug and kiss and hug ang kiss.
Then may drawing na 3 tao (one big man, one in pigtails, one small boy) in front of a building with a yellow logo and a car parked in front.
So ask ko sya ano ung drawing nya. He said the big man is daddy, the small boy is me and the girl with long hair is mommy. The car parked is Sally(our car). And we are in front of McDonalds.
Nakakatuwa isipin na simpleng bagay para sa amin ni mahal, pero niche-cherish pala ng aking iho ang pag-punta namin sa Mcdo.
Anyway, napansin ko kulang ang drawing. Sabi ko nasan na si bunso namin? (Mukang nakalimutan or siguro pindrawing lang ni teacher e sila at parents kasi ang parents pinagbawalan dalhin ang any sibling sa prayer night kasi daw "me" time nila yun with the parents.
Sabi ko, nasan na si bunso? Iniwan mo sa loob ng car?
Sabi nya "Hindi! Bawal iwan ang baby sa loob ng car mag-isa. Asa loob pa sya ng tummy mo. Hindi pa sya nalabas."
Mwehehehe. Witty answer my boy. :p
No comments:
Post a Comment