Naku! Naku! Naku! Hindi po ako jontis.
Hindi ko akalain na madami palang readers ang aking blog. 24hours after posting that we are expecting bebe #3 by December, ang dami bumati sa akin sa apat na sulok ng mundo.
Sorry, sorry po. Hindi ko po kayo nais i-mislead dear friends and readers.
Ang amin pong bebe #3 ay next big project namin ni mahal. OZ gov't is giving out
$26K for first home owners. So, ni try namin na magpa-assess if we are able to purchase a house. Given na single income kame ngayon. And luckily, pumasok naman kame sa bracket dun sa house na gusto namin. So we grabbed it since ung monthly payment is almost the same as our monthly rent.
Kaya ko kaisip na bebe #3 kasi...
1. Blessing sya for us.
2. Nahihilo ako. (Sa dami ng paperworks at kung anik-anik)
3. Magastos na parang bata!
4. Sya ay mula sa aming dugo't pawis!
(Syempre, ibang dugo't pawis nga lang pag real bebe, mwehehehe :P)
5. 9months in the making sya from contract signing upto hand over.
at bakit EMMA -- kasi po EMMAgcalas House po baga! ehehehe.
No comments:
Post a Comment