Kahapon, nagpunta kame ng mall. May gusto si little boy na laruan. Ung transformer na tag $45. At dahil di ko maatim na bumili ng toy na $45 na lalaruin lang ng isang oras, syempre di ko binili. (OO, kuripot akong nanay. :p) Sabi ko sa kanya, hindi ko bibilin kasi mahal un. At wala kame pera pambili. Pwede kame buy ng toy, pero ung mura lang. So nagpalit naman sya ng mura na toy. Ang siste pa, pag-punta namin sa bahay ni SIL, me bago sila na Wii.
Kaya naman pag-uwi, maiyak iyak syang nagtanong na bakit ko daw sya hindi binili ng toy. Ang drama pa, "Mommy, if you want to make me happy buy me wii." :P
So pinaliwanag ko sa kanya na hindi lahat kaya ko bilhin. Kasi sa ngayon wala pa work si daddy, so yung sweldo ko e pang bayad namin ng rent, food at pang-school nya. Pero syempre nanay pa rin ako at naantig ang puso. So, sabi ko sa kanya kung good boy sya, I will give him a dollar everyday. At pag-nakaipon sya ng $45, he can buy his transformer. Ang tanong nya, "Mommy, how many $1 for wii?" :p Sabi ko 500! (More than 1 year yun! ahehe)
So far nakaka $4 na sya for good behavior. Mwehehe.
Sana tama ang way ko para matuto sya ng value of money at hindi nya maisip na inu-uto ko lang sya. ehehehe
No comments:
Post a Comment